Mason
It's been a month since our last encounter ni Eve sa bar. I've been so occupied with all the papers that I have to sign pati na sa mga meetings ko around the country.
I tossed my car keys, phone, and wallet sa bedside table ko because I just got home from Cebu dahil may kinita akong client doon.
Kahit sobrang busy ko, I still can't get rid of my encounter with Eve the last time. I just never felt that familiarity and longing with someone. Pakiramdam ko, we have this connection na kay Mal ko lang naramdaman noon.
I've been waiting for years para makita na siya ulit pero parang ang hirap. Ilang investigators na ang ni-hire ko para mahanap siya pero wala. I don't know if she really has to keep a low profile o nagbago siya ng identity.
Nasakit na ang ulo ko sa pag-iisip kaya naisipan ko nang mag-shower at magpahinga. Nakatanggap din ako ng text from Maverick and she's asking me to hang out with them sa condo ni Gab but I really don't have the energy to do so kaya tinulugan ko nalang ito.
MorningI woke up at around 9am. Wala naman akong plans today. I took a day off para naman mapahinga ang sarili ko mula sa halos isang buwan na pagka-busy ko sa company. In my day offs, I usually just stay at home and read books. Minsan naman ay nagb-bar kami nila Gab. But today's different. Something's telling me na kailangan kong lumabas para naman makalanghap ng sariwang hangin.
I immediately pulled myself out of my bed and took a bath. Nag-ayos na rin ako at agad na tumungo sa parking below my condo para umalis na. Wala akong idea kung saan ko gusto pumunta pero patuloy parin akong nag-drive hanggang sa madaanan ko ang isang coffee shop.
I brought my book with me at agad nang pumasok sa shop. Sinalubong ako ng babaeng mahaba ang buhok na may suot na pink na blouse nang lumapit ako sa counter para um-order.
"Good morning, miss! What their order?"
"Vanilla sweet cream cold brew, large, dine in." Tanging sambit ko at nang makapagbayad ako ay agad na akong umupo sa table na malapit din sa counter at nagsimulang magbasa habang hinihintay ang order ko.
Malory
"Ang sungit naman non! Umalis agad di ko pa nga nakukuha name para malagay dito sa cup" Ismid ni Selena. Natawa naman ako dahil bakas ang pagka-irita sa mukha nito.
"Ang asim na naman ng mukha mo! Kaya ka nasasabihan ng mataray eh. Ako na gagawa ng drink." Pagkasabi ko nito ay agad ko nang ginawa ang drink. Halos kalalabas ko lang kasi sa storage room para i-refill ang ilan sa mga paubos na naming items sa barista counter.
Nang matapos kong gawin ang drink ay lumapit ako kay Selena.
"Kanino is-serve to?"
"Doon sa babaeng may suot na headphones ayun oh yung nakasuot ng black na shirt." Agad kong nakita ang tinuro ni Selena. Nakayuko ang babae at halos natatakpan ang mukha ng libro.
Paalis na sana ako para i-serve ang drink nang biglang akong tinawag ni Hanz. Isa sa mga barista na tini-train ko.
"Ate Malory, pwede bang patulong dito kasi medyo hindi clear sa instruction kung ilan dapat ang ilalagay kong beans sa machine medyo naguguluhan ako."
"Ay, sige teka. Sel, ikaw nalang mag-serve please." Nagpa-cute naman ako kay Selena para utuin ito. Umirap lamang siya at kinuha na ang drinks sa kamay ko.
Nang matapos kong tulungan si Hanz, pumwesto na ako ulit sa counter dahil medyo dumadami na ang customers.
Mason
Mga 30 minutes na rin ang lumipas at tinanggal ko muna ang headphones ko dahil parang medyo nabibigatan na ang ulo ko. Itinigil ko na rin muna ang pagbabasa. Idinako ko ang mga mata ko sa pastries na nasa display ng counter dahil nakaramdam ako ng biglang gutom.
Tatayo na sana ako para um-order nang may nakita akong pamilyar na mukha.
Tangina. Totoo ba to?
Si Malory.
Nanigas ang buong katawan ko at nakaramdam ako ng matinding nerbyos. Hindi ako makapaniwala. Kung kani-kanino ko pa siya pinahanap pero ako rin pala mismo ang makakakita sa kanya. Lalapit na sana ako nang biglang mag-vibrate ang phone ko.
When I looked at my phone there were tons of messages from both Gab and Maverick. I opened one message from Gab.Mason's Phone
Gab: Nico, come here sa office mo ASAP. Mr. Benitez is here at may sinabi siya samin. Kailangan namin agad ng opinion mo about his plans. This is urgent.
Tangina bakit ngayon pa. Ngayon pa na konting hakbang nalang magkikita na kami ulit. Kinuha ko agad ang mga gamit ko at agad na lumabas sa shop. Siguro hindi pa ito ang panahon para mag-usap kami ulit. At least ngayon alam ko na kung saan ko siya exactly hahanapin palagi.
YOU ARE READING
The Path of Longing 🔞 (BINI MACOLET)
RomanceWhen Malory had the chance to meet her greatest childhood friend, Mason, again after a long time, all she's hoping for is that the latter still remembers her promise to Malory 18 years ago. DISCLAIMER: The story written is purely a work of fiction...