CHAPTER 12: Vergara Holdings and Enterprises

1.7K 66 0
                                    

Mason

I'm currently in my office and it's already 9pm. Hinihintay ko ang private investigator na ni-hire ko simula nung makita ko si Malory sa coffee shop na pinuntahan ko nung isang araw.

Isinubsob ko ang sarili ko sa trabaho simula kaninang umaga para talagang magka-oras at ma-meet ang investigator ko. Wala pang isang oras simula nang papuntahin ko ito ay dumating na rin siya at agad na pinaupo sa silyang nasa harap lang ng lamesa ko.


"Good evening, Miss Vergara. Here's the information that we gathered since kaninang umaga. Kaya naman po pala hirap makahanap ng impormasyon ang mga dating kinuha niyo dahil palipat-lipat sila ng tirahan sa mga nakalipas na taon. Here's the files please see them for yourself." 

Agad kong kinuha ang mga folder at binasa ang mga ito. 


Tumigil pala siya sa pag-aaral kaya namamasukan siya bilang barista. Pero bakit? Pareho lang naman ang Dad namin noon na magaling na abogado ah. Patuloy kong binasa ang mga impormasyon at napag-alaman na patay na pala ang ama ni Malory at kasalukuyang may sakit ang nanay nito. 

Sobrang hirap pala ng pinagdadaanan niya. Pero bakit hindi siya lumapit at humingi ng tulong sakin? Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa pamilya niya, tumutol na ko sa pag-alis nila noon. 


Madami-dami pa ang dapat kong basahin na impormasyon tungkol kay Malory kaya napag-isipan kong bayaran at paalisin na ang investigator na kinuha ko. Umuwi na rin ako at dito ipinagpatuloy ang pagbabasa ko. 



Amnesia? Kaya ba hanggang ngayon hindi parin siya lumalapit sakin? 

I sighed after discovering everything about Malory's current state. Gustong-gusto ko siyang tulungan pero paano? Naaalala niya kaya ako? 

Kinabukasan ay dumaan ako sa coffee shop kung saan ko nakita si Malory. But to my dismay, hindi siya ang nakita ko sa bar counter. I should try my luck. Baka naman nasa storage room lang siya o late. I should wait for her. 

Umupo ako sa lamesa at inutusan ang body guard ko na um-order ng drinks.

"Mason? Mason Vergara? Ikaw ba yan?" Biglang rinig ko kaya agad akong napatingin sa nagsalita.

"Jaz? Yes, it's me. Kamusta na?" Bati ko kay Jaziel. Isa sa childhood friend ko.

"Ayos naman! I own this shop. Kita mo nga naman dito pala tayo magtatagpo, CEO." Jaziel said while grinning at me. Nawalan kami ng communication noong mag-migrate ang pamilya nila sa US dalawang taon pagkatapos umalis nila Malory.

"S-sayo to? Ibig sabihin matagal na kayong may connection ni Malory?" Utal kong sabi.

"Ahh si Malory. Medyo matagal na rin. Kaya lang kasi may nangyari sa kanya kaya ayun ang alam niya ay boss niya lang ako. Hindi niya ko naaalala completely, Mason. Actually, tayo hindi niya maalala." Sambit ni Jaziel which made feel a little bit hurt. 

"I tried reminding her about me even about us kaso lang malabo raw talaga at wala siyang maalala katulad ng mga sinasabi ko. Ayoko naman i-pressure ang utak niya. Kaya nung malaman ko ang sinapit nila ng mama niya agad ko siyang in-offer-an ng trabaho rito sa shop ko na agad niya namang tinanggap." Jaziel continued.

"Nasaan siya?" Tanong ko. Gusto ko siyang makita at subukang kausapin. Umaasa na baka kung makita niya ko, manumbalik ang ala-ala ng pinagsamahan namin. 

"Actually, nagpaalam siya na hindi makakapasok ngayon eh. Her mom's condition is getting worse na kasi at kailangan niya na talagang tutukan ang pag-aalaga rito. Pero kung gusto mo siyang puntahan nandito sila sa *address* Hospital." 


I wasted no time at naisipan na ipagpaliban muli ang pagpasok sa trabaho. Nang makarating ako sa ospital ay agad kong tinanong sa receptionist kung nasan ang kwarto ng mom ni Malory. Lalapit na sana ako nang makita kong may lumabas sa pintuan. 

Si Malory. Napaupo ito sa pinakamalapit na upuan at napansin kong nakatungo lang. Ilang sandali pa ay kinuha nito ang wallet na tila binibilang ang lamang pera nito. Maya-maya ay nakita kong umiiyak na siya. 

Gusto ko man siyang lapitan at yakapin, pinili ko nalang na bigyan muna siya ng space. I went to the cashier instead at binayaran ang bill nila. Kaya naman pala naiyak si Malory. May balance pa sila sa ospital at nadagdagan na naman ngayon. Their bill has reached a million pero agad ko itong binayaran. It's the least that I could do for now. 


I want to do so much for her kaya agad kong tinawagan si Jaziel.

Mason and Jaziel's phone call conversation:

Jaziel: Mason! Napatawag ka?
Mason: I want to ask for a favor. It's about Malory. 
Jaziel: What about her?
Mason: Binanggit mo na kailangan matutukan ni Malory ang pag-aalaga sa mom niya diba? I have a proposal to make. Encourage her to work for my company instead. 
Jaziel: Kung ganon paano niya maaalagaan mama niya?
Mason: I'll hire a private nurse. Basta she needs to work for me. To be under my care. So please? I just really want to help her. Hindi niya basta-basta tatanggapin ang tulong mula sakin dahil hindi niya pa ako naaalala. 
Jaziel: Okay sige. I'll try to talk to her about it tomorrow. Be gentle with her in case she agrees. She already has a lot on her plate.
Mason: Of course, Jaz. I know what I'm doing. Update me kung mag-agree siya. Thank you.
Jaziel: Alright, Mason. I'll trust you in this. 


Mason dropped the call. 

I'm really hoping that she'll accept the offer. I want to help and let her remember me at the same time. 



Malory

Kasalukuyan akong naglilista ng items sa inventory nang biglang dumating si Jaziel. I can't help but to feel nervous. Baka kasi pagalitan ako nito dahil ilang araw akong hindi nakapasok. Walang ibang magbabantay sa nanay ko lalo na ng ma-discharge ito sa ospital. Kailangan pa raw ni Mom ng hospital care pero ayaw niya nang manatili doon. Wala naman akong magawa dahil gusto niyang sundin ko nalang ang hiling niya. 


"Malory, can we talk?" Sambit sa akin ni Jaziel. 

"Uhm tungkol saan ba? Kung tungkol to sa ilang araw na absent ako pasensya na ha wala kasing ibang magbabantay kay mom eh please wag mo naman ako tangg-"

"No no. Hindi tungkol doon. Naiintindihan ko ang sitwasyon mo. I actually have an offer for you. I'll go straight to the point. Hindi kita pinapaalis dito as my employee, okay? Meron akong friend. A great friend in the industry. They're currently hiring. Office work ito pero I think you will do great in there. As much as ayaw kong mawalan ng magaling na barista, I think this offer will give you a better chance and salary to support your mom." 

Napatulala ako ng bahagya. I'm trying to digest the offer that Jaziel mentioned. Tama naman siya pero parang natatakot akong magsimula ulit. Kung tatanggapin ko ang offer ibig sabihin panibagong tao na naman ang mga pakikitunguhan ko at doon ako natatakot. Pero naisip ko rin na kailangan na kailangan ko ng pera ngayon lalo na't may mga follow up check ups at gamot na kailangan bilhin para sa nanay ko. 


"Pwede ko bang pag-isipan muna? Parang biglaan naman kasi."

"Sure. Take all the time that you need. Once na makapag-isip ka at it-take mo ang offer here's their calling card para ma-contact mo sila." Iniabot sakin ni Jaziel ang isang calling card at nakalagay dito ang Vergara Holdings and Enterprises. 

Vergara? Parang pamilyar. 

The Path of Longing 🔞 (BINI MACOLET)Where stories live. Discover now