The friendship and genuine bond remained between Mason and Malory even after 8 years. Mason is 15 years old now while Malory is 14 years old. They also gained a new friend which is Jaziel. Jaziel is much closer to Mason but she also has a good friendship with Malory. Madalas pa ngang mag-asaran ang dalawa at laging si Mason ang umaawat sa kanila.
"Hoy, Jaz! Nangangasim ka na naman maligo ka nga muna bago ka tumambay dito!" Asar ni Malory kay Jaziel. It was their usual hapon bonding sa court ng subdivision nila.
"Ako pa maasim! Eh mas mukha ka ngang hindi naligo sa akin" Rebutt ni Jaziel kay Malory. They continued bickering until Mason came.
"Ano ba naman sa araw-araw nalang lagi kayong nagbabangayan dyan" Sigaw ni Mason habang iritableng nakatingin sa dalawa. Hindi naman na bago ang bangayan ng dalawa kay Mason. Pero hindi niya parin maiwasan marindi at mairita sa dalawa tuwing nag-aasaran ito.
"Ikaw nga araw-araw nagsusungit pinagalitan ka ba namin" Sabi ni Malory kay Mason at tumawa. Napatakip nalang ng bibig si Jaziel at hindi na nagtangkang gumatong dahil takot ito kay Mason. Kilala kasi si Mason na pikon at si Malory lang ang may lakas ng loob na mang-asar dito dahil alam niyang hindi ito magagalit o magtatampo sa kanya sa pang-aasar.
"Talaga ba, Yves" Sabi ni Mason at umirap kay Malory. Mason uses Malory's second name because she sees this name as something more special kaysa sa first name nito. Pero syempre nagagandahan din naman siya sa unang pangalan nito. Ano bang hindi maganda kung tungkol kay Malory?
"Oh magkapikunan kayo ah! Di ko kayo aawatin vi-videohan ko pa kayo" Sambit ni Jaziel habang akmang kukuhanin ang cellphone nito.
"Eh hindi naman mapipikon sakin yan si Colai, love kaya ako nyan!" Sabi ni Malory at lumapit kay Mason para yakapin ang braso nito. Nang gawin ito ni Malory, nagpigil ng ngiti si Mason. Sanay naman na siya sa ganitong galawan ni Malory. Malory is clingy, especially kay Mason. Ngunit kahit gaano kadalas ang ganitong sitwasyon, hindi parin maiwan ni Mason na makaramdam ng sensasyon na hindi niya pa malaman kung ano ito exactly at kung ano ang dahilan.
Mason rolled her eyes and pretended to look the other way as if may nakikita ito para maitago ang pamumula ng kanyang pisngi. Hindi niya man ito nakikita sa sarili niyang mukha, alam niya ito dahil naramdaman niya ang pag-init ng kaniyang mga pisngi.
Their bantering was interrupted when one of their friends shouted while waving her hands.
"Hoy! Nandito pala kayo! Hindi niyo naman nilinaw na dito pala tayo sa court at hindi sa clubhouse. Umikot pa tuloy ako nakakapagod!" Sapphire shouted while holding its chest para maipakita ang matinding paghingal nito.
Sapphire is much younger from Mason and Malory while she has the same age as Jaziel. She became part of their circle from the moment that Sapphire's family moved near Jaziel's house.
"Andito na pala ang isa pang OA. Paano mo naman kasi maiintindihan eh panay cellphone ka kahapon habang pinag-uusapan kung saan tatambay ngayon" Sabi ni Jaziel na may pang-aasar sa tono habang tinatawanan si Sapphire.
"Dapat naman kasi dinaanan mo ko no! Ano pang silbi na malapit ka sa bahay namin" Sabi ni Sapphire at lumapit kay Jaziel para hampasin ang braso nito.
"Tama na nga yan! Maglaro na tayo ng volleyball ang dami niyong sinasabi sayang ang oras" Seryosong pagputol ni Mason sa pagbabangayan ng dalawa.
Lumipas ang buong maghapon na naglalaro lamang ng volleyball ang magka-kaibigan. After 5 hours of playing, they decided to end it as the sunset begins to appear.
Nagpapahinga na lamang sila habang nakaupo sa bench ng biglang tumayo si Jaziel.
"Guys, una na ako. May family dinner kasi kami tonight at inutusan ako ni mommy na umuwi ng maaga."
"Sabay na ko kay Jaziel so I can shower. Ang lagkit kasi eh grabe pagpapawis ko today" Sambit ni Sapphire habang kinukuha ang mga gamit nito na nakapatong sa bench.
Mason and Malory nodded as they agreed to stay back and waved their hands to Sapphire and Jaziel.
Nang wala na ang dalawa ay biglang tumahimik ang kapaligiran. Kanina pa napapansin ni Mason and katahimikan na bumabalot kay Malory. It is every unusual for her dahil madalas na jolly at maingay si Malory.
The silence surrounding them was interrupted when Malory suddenly spoke.
"Colai, I think lilipat kami ng bahay"Nang marinig ito ni Mason, napatingin siya agad kay Malory as she proceeded to look for any hint in Malory's face na nagbibiro lamang ito.
"Alam mo kanina ka pa tahimik tas magbibiro ka na nga lang ngayon ang pangit pa" Mason said as she tries to laugh a little trying to convince herself na nagbibiro lamang ang kausap nito.
"It's not a joke, Colai. Mom and Dad spoke to me last night. Saying na kailangan na naman naming mag-relocate"
As soon as Mason confirmed that Malory wasn't joking, she suddenly felt a heavy feeling in her chest.
"Dahil ba sa nangyari sa kanila ni Dad sa korte?" Malory and Mason's dad are both lawyers. Magkaibigan din ito ngunit may mga pagkakataong magkalaban ang dalawa sa korte.
Madalas maging magkalaban sa korte ang mga tatay nila. However, in their recent case where they both argued and defended their clients, naging personal issue ito at naapektuhan ang pagkakaibigan nila.
"Siguro. Hindi ko alam. Narinig ko si Dad at Mom na magkausap kagabi. Inalis sa firm si dad at dahil doon nahihirapan siyang lumipat ng ibang firm pati na humanap ng iba pang clients" Malory said. Sadness was evident in her eyes.
Alam ni Mason na may kinalaman ang tatay niya sa mga pangyayaring ito. Compared to Malory's dad, Mason's dad is more influential at mas madami itong connection.
"Sorry, Yves. Gusto mo kausapin ko si Daddy?"
"Hindi mo naman kailangan makisali eh. Hindi natin kailangan madamay. Ipangako mo lang sakin na kahit magkalayo na tayo, importante parin ako sayo at best friends parin tayo" Malory said while flashing a genuine smile to Mason.
"Baka naman magbago pa isip ng Dad mo. I can't afford to lose a good friend here, Yves" Mason sadly said. Ngayon pa nga lang nalulungkot na siya, paano pa kung tuluyan nang nakaalis si Malory at ang pamilya nito?"I don't really know, Col. Actually, pinapauwi ako ng maaga ni Mom ngayon para mag-impake na ng gamit. Siguro nga pagagalitan na ko nun pag-uwi eh"
Mason doesn't know what to feel. Gusto niyang pigilan si Malory sa pag-alis pero alam niyang wala siyang karapatan na gawin ito lalo na kung isa sa dahilan ang Daddy niya kaya kinailangan lumipat nila Malory. She suddenly felt the urge to hug Malory fearing that it's gonna be the last time.
"Yves, can i hug you? Kahit ilang minuto lang. I don't know when you will be back o kung babalik ka pa. Natatakot ako" Mason said as gently stared into Malory's eyes and began to notice the tears forming into its eyes.
Without a doubt, Malory tightly hugged Mason as she rest her head onto the latter's chest.
"Natatakot din ako, Col. Ayaw kong umalis dahil alam kong may maiiwan ako rito pero mukhang wala akong choice" Malory began to cry as she speaks.
"Wag ka mag-alala. Kung hindi ka makabalik, ako ang hahanap at pupunta sayo" Mason said as she caresses Malory's hair and back trying to soothe her from crying.
"I promise, Malory, I will always find my way to you. Pag kinailangan mo ng tulong ko, wag ka magdadalawang isip na lumapit"Few minutes had passed and they just continued hugging each other, savoring each remaining minutes that they're together.
YOU ARE READING
The Path of Longing 🔞 (BINI MACOLET)
RomanceWhen Malory had the chance to meet her greatest childhood friend, Mason, again after a long time, all she's hoping for is that the latter still remembers her promise to Malory 18 years ago. DISCLAIMER: The story written is purely a work of fiction...