Malory
Isang buwan na ang nakakalipas simula nang alukin ako ni Jaziel sa offer niya. Today is also my last day working sa coffee shop at balak ko nang contact-in ang number ng company para mag-apply after ng shift ko.
"Mukhang desidido na ang beshy ko ah. Pag kailangan mo ng tulong o kaya gusto mo bumalik dito sabihin mo sakin ah! Ako bahala kumausap kay boss Jaz alam ko naman hindi ka tatanggihan nun." Wika ni Selena habang nakayapos sa braso ko. Siya lang ang pinagsabihan ko ng plano.
"No choice eh. Mas malaki na pangangailangan ko sa pera ngayon pero promise dadalaw dalaw ako rito pag walang pasok!"
Naputol ang pag-uusap namin nang biglang may pumasok na customer.
"Uy ayan na naman si pogi. Kung di ko lang talaga crush si boss Jaz yan nalang crush ko eh. Ang bango-bango pa naman niya." Kilig na sabi ni Selena habang nakatitig sa customer na pumasok. Napapansin ko nga na madalas na siyang nandito. Minsan pa nahuhuli ko siyang nagnanakaw ng tingin sakin pero nagkukunwari nalang ako na hindi ko napapansin kasi ayoko naman bigyan ng malisya.
"Salted Caramel Cold Brew. Large." Tanging sambit nito. Regular customer na siya rito.
Tinanggap ko ang bayad niya at nginitian siya.
"Okay po, ma'am serve nalang po namin sa table niyo."
"Hindi mo ba tatanungin pangalan ko?" Nagulat naman ako sa tanong niya at magsasalita na sana ako nang bigla itong magsalita.
"I mean para sa order ko." Malamig ang boses nito na kahit ilang beses ko nang narinig ay lagi parin akong nakakaramdam ng kakaiba sa tuwing naririnig ito.
"Ma'am Nico, kabisado ko naman na po ang name niyo kaya hindi ko na tinanong." Napansin kong bahagyang tumaas ang labi nito ang ngumiti. First time ah. Ang pogi nga talaga. Pag kasi neutral lang ang face expression niya mukhang mangangain ng buhay eh. When kaya ako makakain.
AY GAGO. Naramdaman kong namula ang pisngi ko dahil sa pumasok sa isip ko. Ano ba naman yan.
Nang mai-serve ko ang drink sa table ni Nico ay agad na akong tumalikod para bumalik sa cashier dahil madami na ang nakapila. Habang nagt-trabaho ako ay pansin ko ang malagkit na tingin sakin ni Ma'am Nico. Ano ba naman to pano ako makakapag-trabaho nang maayos.
Natapos ang shift ko at nag-ayos na ko ng gamit. Naisipan ko na ring tawagan ang contact number na nakalagay sa calling card na iniabot sakin ni Jaz para mag-apply na. Unang dial ko ay sumagot naman agad ito. Habang kausap ko ang tao sa kabilang linya ay sumilip ako sa mga customer habang nasa loob ng storage room at napansin kong lumabas si Ma'am Nico habang hawak ang telepono niya. Mukhang may kausap din siya.
Napansin ko na parang pamilyar ang boses ng tao sa kabilang linya pero hindi ko na pinansin ito dahil imposible naman ang naiisip ko. Inutusan akong pumunta sa company para makapag-apply formally.
Palabas na sana ako ng shop nang bigla akong lapitan ni Ma'am Nico.
"Pauwi ka na?" Tanong nito sakin. Medyo nahiya naman ako dahil ngayon lang kami nakapag-usap personally bukod sa tuwing kukuhanin ko ang order nito.
"U-uhm hindi pa po, Ma'am. May pupuntahan po ako na paga-apply-an ko eh."
"Ganon ba? I'll drive you there." Nahiya naman ako bigla sa alok niya. Hindi naman kami close pero willing siyang ihatid ako sa pupuntahan ko.
"Ay ma'am hindi na po nakakahiya naman po. Tsaka baka out of the way kasi sa makati pa. Kaya ko naman po mag-commute."
"I insist. Doon din ang punta ko. Come on." Nagulat ako ng kunin nito ang bag ko at nagtungo na sa sasakyan niya sa labas. Mukhang wala na akong magagawa. Pagdating ko sa tapat ng kotse niya ay natigilan ako dahil hindi ko alam kung sa passenger seat ba ako uupo o sa likod. Mukha namang napansin niya ang naiisip ko kaya pumunta ito sakin at pinagbuksan ako ng pintuan.
"Diyan ka na sa passenger seat para hindi naman ako mukhang taxi driver." Natawa ako sa sinabi niya at nahihiyang pumasok sa loob.
Agad siyang nagmaneho at nanatili lang akong tahimik dahil medyo nahihiya parin ako. Napansin kong paminsan-minsan ay natingin siya sakin dahilan para mas lalo akong mahiya. May dumi ba ako sa mukha? May mali ba sa suot ko?
Maya-maya ay tumigil ang sasakyan sa harap ng isang malaking building. Nabasa ko ang pangalan ng building at nagulat ako. Paano niya nalaman na dito ang punta ko? Magtatanong na sana ako nang bigla kong naramdaman na malapit ang katawan sa akin ni Ma'am Nico. Pagtingin ko sa kanya ay halos magkalapit na ang mga mukha namin. Konti nalang maghahalikan na kami. Nararamdaman kong nag-iinit ang magkabilang pisngi at tenga ko. Ano bang nangyayari?
Napapikit ako ng mata at maya-maya pa ay nakarinig ako ng tunog.
"Tinanggal ko lang seatbelt mo. Andito na tayo oh. Sabi mo maga-apply ka kaya hindi ka pwedeng ma-late sa usapan niyong oras." Napabukas ako ng mata sa sinabi niya at nahiya na naman. Akala ko naman kasi Ma'am hahalikan mo ko. Sayang.
Tinignan ko ang mukha nito at halatang parang natatawa-tawa siya. Agad kong kinuha ang bag ko at akmang lalabas na ng sasakyan nang maalala kong hindi pa pala ako nagpapasalamat.
"M-ma'am Nico, salamat po sa paghatid sakin. Babawi po ako sa inyo next time." I smiled sweetly at her at sinuklian niya naman ang ngiti ko. Lalabas na sana ako ng sasakyan ngunit nagulat ako ng patayin niya ang makina at lumabas din.
"Samahan na kita sa loob. Tara." Hinila niya ang kamay ko papasok sa building at laking gulat ko nang mapansin na halos lahat ng empleyadong dinaraanan namin ay nagb-bow at bumabati sa kanya. Anong meron?
Patuloy lang akong nagpahila sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang glass door.
Nang makapasok kami sa loob ay nagulat ako sa nakita ko sa lamesa.
Mason Nicolai Vergara, CEO
Nicolai? Nico? Si Ma'am Nico ang CEO dito?
Mason
Agad akong umupo sa upuan ko at napansin kong parang statwa si Malory at palinga-linga sa loob ng opisina ko.
"Have a seat, Miss Ricalde." She seated on the chair across my table at halata kong shocked parin siya.
"I know you're shocked but I guess I don't have to state the obvious anymore. I'm Mason Vergara. CEO of Vergara Holdings and Enterprises."
"G-good afternoon, Miss. Wala po talaga akong idea na kayo ang CEO dito. Saan po ako maga-apply para makapagsimula na?" I only smiled at her.
"You don't have to apply. You're hired na. Jaziel recommended you to me at may tiwala ako sa kaniya. Alam kong you're just the perfect employee." Agad kong nilabas ang ilan sa mga kontrata para sa kaniya. Syempre hindi ko siya pahihirapan sa pag-apply. I'm more than happy to have her here. Kung pwede ngang i-bahay ko na siya ginawa ko na kaso alam kong hindi ito papayag lalo na't hindi niya pa ako naaalala.
"T-teka, ma'am. Hindi ko pa nga po alam kung anong posisyon tsaka may mga concerns po sana ako."
"Okay, sige. I'll listen." Sumandal ako sa upuan at tinitigan ang maamo niyang mukha. Napalunok siya bago magsimulang magsalita.
"Ma'am, thank you po kasi hired ako agad pero gusto ko po kasi sana makipag-compromise eh. Yung mom ko po kasi kailangan mabantayan siya. Hindi ko pa po afford kumuha ng personal nurse at isa pa may trabaho ako kapag gabi na hindi ko mabibitawan kasi yun din po halos ang pangtustos ko sa pagpapagamot sa mom ko. Kung pwede po sana na hindi everyday ang pasok ko rito. Promise ko naman po na--" Pinutol ko ang sinabi niya. Ang bilis niyang magsalita pero planado ko na lahat. Alam ko nang sasabihin niya ang lahat ng yun.
"Miss Ricalde, how about I get a personal nurse for your mom? It will be deducted sa sweldo mo. About your second job, no worries. Pwede mo nang alisan yun. I'll give you a salary of 200,000 a month. Bawas na ron ang para sa personal nurse. Libre ang pagkain mo rito and even the transportation." Nakita ko namang umaliwalas ang mukha niya pero halatang may mga tanong pa ito.
"Ano po bang position ko rito?" Tanong nito. Kahit ano, ikaw bahala basta gusto ko missionary kasi mukhang mas lalo kang maganda tignan pag nasa ilalim kita.
"My secretary. That table over there, yan ang lamesa mo. It means kailangan nakadikit ka sakin the whole time lalo na pag working hours. Susunduin ka ng driver ko papasok at pauwi sa trabaho. Tuwing may international meetings ako kasama ka rin dapat. So ano? Are we settled? Pag-isipan mong mabuti I know you need this job." Konting push nalang alam ko papayag na siya. It's a tempting offer, I'm sure. My previous secretary receives 100,00 as her monthly salary pero dahil gusto ko talagang masunod ang plano ko, dinoble ko para kay Malory.
"A-ahh okay, po miss. Ngayon na po ba ako magsisimula?"
"No. You'll start tomorrow. Here are some papers na kailangan mong pirmahan for the employee contract. Basahin mo pag-uwi mo ng bahay at dalhin mo bukas. Text me your address para mahatid at sunduin ka ni Manong Jun bukas."
Tumango ito at nagpasalamat sakin. Inihatid ko na ito sa labas kung saan naghihintay ang personal driver ko.
Finally, I have her here already. Sana lang talaga any time soon maalala niya na ako.
YOU ARE READING
The Path of Longing 🔞 (BINI MACOLET)
RomanceWhen Malory had the chance to meet her greatest childhood friend, Mason, again after a long time, all she's hoping for is that the latter still remembers her promise to Malory 18 years ago. DISCLAIMER: The story written is purely a work of fiction...