CHAPTER 9: The Show

1.6K 64 6
                                    

Malory

On time akong nakarating sa bar at agad na nag-ayos para pumwesto na. Nagsilid din ako ng taser sa bulsa ko dahil minsan may mga customer talagang manyakis at kinukulit akong i-table kaya okay na rin to for protection. 

It was a usual night. Hanggang 1am talaga ang tapos ng trabaho ko rito at sanay na ang katawan ko. Nae-enjoy ko rin dahil isa rin sa kasama ko sa shift ay ang mga kaibigan ko na sina Ainsley at Sapphire. Si Ainsley, kaklase ko siya noon sa nursing ngunit pareho kaming napahinto dahil sa pagkaparehas ng estado at problemang pampinansyal sa buhay. Habang si Sapphire naman, almost 1 year palang siyang nagt-trabaho rito. Ulilang lubos na siya kaya kailangan niyang itaguyod ang sarili niya. Kaya rin siguro kami naging magka-kaibigan dahil pare-pareho ang problema namin. 

Taimtim akong nagmamasid sa paligid habang naghihintay ng mga order nang biglang dumating si Sir Felix. Ang may-ari ng bar.


"Girls, may problema tayo." Agad naman akong na-alarma sa tono nito.

"Ano yun, sir? May maitutulong po ba kami?" Sagot ni Ainsley. 

"Si Jill, Sam, at Phoebe kasi sabay-sabay na nagkasakit at wala tayong ibang dancers na available tonight sa VIP Room." Kinabahan naman ako sa sinabi dahil parang alam ko na kung saan papunta ang sasabihin nito. 

"Kung papayag kayong tatlo, kayo sana ang ipapalit ko. Ngayong gabi lang naman, promise! Importanteng client kasi yung tatlo na naghihintay sa taas. Malalakas din mag-tip yun lalo na pag nagustuhan performance niyo. Sayaw lang naman. Nasa labas lang ako kaya safe kayo kung maging uncomfy kayo bigla." Pagpapatuloy nito. 

"Go lang naman ako, sir basta sayaw lang. Tsaka sandali lang naman po diba? Kayo nalang po bahala pag inisahan kami ng mga lalaki na yun sa VIP Room." Tugon ni Sapphire. Alam ko kasi na malaki rin ang pangangailangan nito dahil nag-iipon siya para sa tuition nya sa dadating na sem. 

"Actually, tatlong babae yun. Mababait mga yun! Nakainom lang ng konti pero I assure you, mababait sila. Mga kaibigan ko rin yun at yung isa ay pinsan ko. Kaya ano, g ba kayo? Naghihintay na kasi sila sa taas. Oo niyo nalang ang kailangan ko para makapagpalit na rin kayo at ma-assemble na ang props para sa taas."
Mga babae naman pala. Walang problema.

Agad na kaming tumango at pagkatapos nun ay tumungo na sa changing room para magpalit at mag-ayos. Nang makita naming tatlo ang mga damit na dapat naming isuot ay natigilan kami lalo na si Ainsley.


"Nindot kana! Halos dili na mi magsul-ob! (Grabe naman! Halos wala na tayong suot nito)" Sambit ni Ainsley at natawa naman ako. Ganyan kasi siya pag excited, nagpa-panic, sobrang tuwa, o kaya galit. Napapa-bisaya talaga siya. Ang ninipis ba naman ng mga isusuot namin at halos bra at panty lang talaga pero may pangharang naman na parang manipis na skirt din. 

Nagpalit na kami dahil hindi na rin naman kami pwedeng umatras at hinihintay na kami sa taas. Paakyat na sana kami ng lapitan ako ni Tine. Isa sa kapalit namin sa bar counter.

"Ate Mal! Pahiram naman ng tali mo sa buhok naiwan ko kasi yung akin eh pinagpapawisan na ko ron sa bar hindi pa nilalaksan ang aircon." Reklamo nito.

Tinuro ko naman ang pantali ko na nagmumukhang ribbon pag suot. 


Nang makarating kami sa labas ng pinto ng VIP Room ay halos mapadasal ako. Marunong naman kami sumayaw lalo na si Sapphire pero ibang usapan naman kasi to. On the spot pa. Pinayuhan nalang kami ni Sir Felix na sumayaw base sa tugtog na maririnig namin. Pwede kayang  mag-budots nalang?


Nagulat naman ako nang may tatlong malaking box na inilapit samin. 

"Oh girls pasok na sa loob. Alam niyo na gagawin niyo ah? Mabilis lang to promise. Kayo na bahala kung kanino kayo lalapit."
Payo ni Sir Felix. Jusko naman oh. Ano kami regalo? Sayang naman hindi ko suot ang ribbon ko edi sana ganap na ganap na ko sa pagiging regalo ko.

Napa-buntong hininga nalang ako at pumasok na sa box. Bahala na. Malaki naman kikitain ko ngayong gabi sayang din yun. Isinuot ko rin ang isang mask na inabot samin kanina ni Sir Felix. Para raw hindi makita ang mukha namin.

Pagbukas ng box ay narinig ko ng mas malinaw ang tugtog. Tangina?!?! Hindi pwede mag-budots sa music na yan! Magpa-panic na sana ako pero pinilit ko nalang igalaw ang katawan ko. Kung si Selena ang nandito nako sure ako madadalian lang yun. Pokpok vibes yun eh huhu sana pala nagpaturo ako. 

Bahala na talaga. Sinimulan ko igiling ang bewang ko kasabay ng tugtog at sinabay ang dalawang kamay ko sa pagtaas. Iginapang ko ito mula sa ulo ko pababa sa leeg at hita. Tatlo nga sila. From the right side, nakaupo ang babaeng maikli ang buhok. Matangkad ito at kita ang adam's apple. Sa gitna naman ay isang babae rin na mahaba ang buhok at kulat pula. Makapal ang kilay nito. Sa left side naman ay babae na pogi. 

POGI?! Nagulat ako sa sarili ko. Pero totoo naman. Poganda silang tatlo pero siya talaga nakapukaw sa atensyon ko. Nakasuot siya ng red na varsity jacket at black na cargo pants. Shet ang pogi naman nito. Ramdam ko naman na malagkit ang tingin niya sakin na para bang gusto niya ako hubaran. 

Jusko, ano ba tong napasok sa isip ko. 

Tumaas naman ang confidence ko nang makita ko ang reaksyon niya sa bawat galaw ko. Malaki raw mag-tip ang mga to kaya might as well galingan ko nga.

Umupo naman ako sa lap nito at nagsimulang mag-lap dance. Naamoy ko agad ang pabango niya. Nakakapanghina. Di ko alam kung san ako bibigay eh. Sa mukha nya ba sa amoy nya o sa bukol na nararamdaman ko sa baba--

Bukol?! Akala ko babae to bakit parang may matigas

Buti nalang talaga may mask akong suot at red dim lights ang meron sa kwarto kung hindi nakita niya na siguro ang pamumula ng pisngi ko.

Nagpatuloy ako sa pagsasayaw at pagpapaligaya sa kanya. Lumakas na talaga ang confidence ko at naisipang bumulong sa kaniya. 

"Enjoying the show?" 

Tatanggalin niya na sana ang maskara kong suot nang biglang tumigil ang tugtog ang lumiwanag ng kaunti ang ilaw.

Agad akong natauhan at nahiya ulit lalo na nang ma-realize ang posisyon naming dalawa kaya agad na rin akong tumayo at lumabas sa VIP Room kasunod si Ainsley at Sapphire.


Nasa changing room na kami ng magkatinginan kaming tatlo nila Ainsley at Sapphire.

"Hindi na masama performance natin for a first timer ah. Very eyyable!" Sabi ni Sapphire at napahagalpak naman kaming tatlo ng tawa. 

"Grabe jud! Kini sama sa usa ka change career ang ganap natin nito! (Parang change career na ang ganap natin nito)" Sambit ni Ainsley kaya lalo kaming napatawa.

Hindi naman maalis sa isip ko ang poging mukha nung customer ko kanina. Jusko parang dahil sa kanya hihilingin ko nang mapasabak sa VIP Room lagi basta siya ang customer. 

Naputol ang mga iniisip ko nang kumatok si Sir Felix sa changing room. Agad ko itong binuksan dahil palabas na rin naman sana kami. 

"Girls! Good job. Grabe, tuwang-tuwa yung tatlong client don sa taas! Guess what? Ito ang tip niyo. Tip palang yan. Wala pa dyan yung mismong fee na manggagaling sakin." Iniabot niya samin ang isang envelope na mukhang makapal ang laman. 

"Oh siya maiwan ko na kayo. No need na bumalik sa bar counter sila Tine na ang bahala ron. Pwede na kayo umuwi." Pagkasabi ni Sir Felix nito ay umalis na rin siya. Binuksan ni Sapphire ang envelope at binilang ang laman nito. 

"300,000?!?!?" Sigaw ni Sapphire. Nagulat naman kami ni Ainsley at tinignan ang pera. Totoo nga. Grabe mayayaman pala talaga yung mga yun. Wala pang 30 minutes na sayaw ang ginawa namin pero tig 100,000 na ang makukuha namin. Pag sini-swerte ka nga naman. 

Hinati-hati na namin ito at sabay-sabay nang umuwi. Nag-grab nalang kami dahil may kalakihan ang mga dala naming pera.

Pagdating ko sa apartment ay agad akong nag-palit nang damit at humiga sa kama ko. What a day. 

Hindi ko alam kung anong gugustuhin kong maulit. Ang mapasabak ulit sa VIP Room at makakuha ng malaking tip o masayawan ulit ang pogandang babae na yun. 




AUTHOR'S NOTE:

Long chapter ulit! Dahil inspired ang author niyo slight. I apologize sa mga bisaya translation sa lines ni Ainsley. Google lang kasi ginamit ko. Don't mind the erros if ever dahil nilagay ko na rin naman ang direct translation nito sa tagalog. Enjoy reading!

The Path of Longing 🔞 (BINI MACOLET)Where stories live. Discover now