Mula?

14 3 0
                                    

Ang aking mga sulatin ay nagmula sa'king puso't isip dahil sa aking sinisinta. Siya ang naging inspirasyon ng bawat salita, at ang pahinang tahimik kong sinusulatan sa tuwing pag-ibig ko'y hindi ko kayang i-wika.

Sa pamamagitan ng aking mga tula, ipinapakita ko ang aking tunay na nararamdaman—mga salitang bumubukas ng aking puso na hindi ko kayang iparating nang harap-harapan.

Ang mga tulang aking isusulat ay mula sa aking isipan. Tinatanggap ko na ako'y may mga pagkakamali pagdating sa gramatika at sana ito'y inyong pagpasensyahan. Tanging nais ko lamang ay maibahagi ang aking mga karanasan at nararamdaman, na hindi ko masabi-sabi sakaniya nang harap-harapan. Sa pamamagitan ng pagsulat ng tula, aking ibabahagi.

~Maraming Salamat~

P.S. Random ang scenario hahaha

Sulat-Puso | Aking TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon