Sakit-Isip

1 1 0
                                    

Sa pagsapit ng hapon, ako ay nagising,
Namulat sa katotohanang aking dinadaing.
Mahina akong tao kaya't madali lamang sabihin,
Ang masasakit na salita para masaktan ang damdamin.

Pananakit sa'king sarili, agad na nagawa,
Umaksyon at 'di na nakapag-isip nang tama.
Hinayaang mabalot sa kasalanang nagagawa,
Ang sarili kong pilit na kumakawala.

Gulo ng aking isip, nanaman ay nadatnan,
Desisyong padalos-dalos ang kinahantungan.
Patawad sa'king sarili sa pagbabaliwala,
Kalusuga't isipan ay siyang nasisira.

Ako'y umaasa na baka ay may sumalba,
Sa sarili kong tila 'di na makawala.
Sa mga imahinasyon kong patuloy  sumisira,
Na siyang kagustuhang mabuhay ay nawawala.

Sapagkat ako'y natatakot kung 'di napakali,
Ang Isipan kong patuloy na 'di matagibili.
Karapatang mabuhay ay 'di nagagawi,
Ng sarili kong nais na lamang masawi.

Sulat-Puso | Aking TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon