Sa gabing kay lumbay
Ikaw ay hinahanap-hanap,
Makasama habang buhay
ang nagsisilbing pangarap.Na sa paglipas ng gabi
Sana'y nasa 'yong tabi,
Sa bawat sandali,
Pangako ako'y mananatili.Dahil sa isang 'tulad mo
Ako'y tunay na nabighani
Ikaw ang mas nanaisin ko
Makasama kahit sa sandaliIka'y aking pahahalagahan
I-ibigin' walang hanggan,
Mamahalin kang tunay
Aalagaan, habang buhay
BINABASA MO ANG
Sulat-Puso | Aking Tula
PoetryMga kaisipan mula sa'king damdamin, ipahahayag gamit ang isang sulatin. Para sa isang babae kong pilit pipiliin, kahit 'di siguradong kaniyang mamahalin.