Umiyak nanaman ako.
Aking naalala ang gabing kay tahimik,
Kung saan ang sarili'y nais lamang pumikit.
Umamin ako, 'binahagi ang damdaming inipit,
Ngunit ang sagot mo'y siyang mapait at masakit.Pilit kong ipinakita na ayos lang ako,
Nagpanggap sa sarili, na kayang kaya ko.
Pero ang totoo, ay unti-unti nang natutunaw,
Sa likod ng ngiti, may sugat na sumisigaw.Sinabi ko sa'yo na 'wag kang mag-alala,
Ayos lamang ako, 'wag nang mag-abala.
Ako'y ngumiti, pinilit kong ibalot sa saya,
Dahil 'di na nais pang dagdagan ang bigat ng iyong dala.Ang pagtanggap ng pag-amin, alam ko ay mabigat,
Hindi madali, dahil nakataya ang lahat.
Kaya't patawad kung sarili'y 'di nagpakatotoo,
Ayokong mag-isip ka pa, kaya't aking itinago.Nag-usap tayo nang mahinhin at may pag-iingat,
Pinaalam sa isa't isa na ayos lamang ang lahat.
Nangako ang dalawang puso, kahit ang isa'y may pagtingin,
Na sila'y mananatili at magkaibigan pa rin.Pero ngayon ang puso'y patuloy na umaasa,
Na ang mga pangakong binitiwan ay mag-iiba.
Dahil kaya ka kinaibigan para ika'y makilala,
Ng sarili kong may pagtingin, mula pa noong una.—April 20, 2024
BINABASA MO ANG
Sulat-Puso | Aking Tula
PoetryMga kaisipan mula sa'king damdamin, ipahahayag gamit ang isang sulatin. Para sa isang babae kong pilit pipiliin, kahit 'di siguradong kaniyang mamahalin.