Panyo

3 0 0
                                    

Panyo, nagsisilbing pamunas ko sa bawat pag-iyak,
Nalulungkot sa katotohanang, pilit humaharap.
Nasilayan kayong naglalakad, habang magkahawak,
Ang mga kamay niyong kay higpit, na tila'y magkayakap.

Hawak ang panyo na pinunas sa'king mga mata,
Kapalit ng luha ko ang sakit na nadarama.
Bitbit ang hapdi't sakit ng pangyayaring naaalala,
Kung saan nasaksihan ang paglisan ninyong dalawa.

Ako'y walang magawa at kayo na lang ay pinanood,
Kung saan kayo'y tuluyang naglaho, habang nakatalikod.
At ang paglayo ninyong dalawa, sa aking  harapan,
Ay Iniwan akong luhaan, kaya't puso'y siyang sugatan.

Ako'y nais lumayo, pabalik noong 'di ka nakilala,
Baka sakaling maglaho ang puso kong nagdurusa.
Ngunit saan nga ba pupunta, kung alaala'y nakakadena,
Sa'yo at sa lahat ng pangakong ngayo'y pawang wala na.

Panyo'y basa sa luha, gawa ng sugat na 'di naghilom,
At ang sarili'y tila ibon, na nais ko lamang ikulong.
Bilanggo ng alaala, nakatali sa mga tanong,
Ang puso kong napagod na, kaaalala ng tamis ng kahapon.

Sulat-Puso | Aking TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon