Pagtigil

3 2 0
                                    

Ako'y nagsusulat nang aking napansin,
Ika'y nasa labas, nang mabaling ang tingin.
May kasama kang tao na 'di ko aakalain,
Na hahagkan ka niya, oh, ang sakit sa damdamin.

Nang makita ko iyon, ako'y tila nalumbay,
Waring nang hina ang buo kong katawan.
Ako'y tumalikod, naglakad nang walang humpay,
Sapagkat 'di na kinakaya ang sakit na tinataglay.

Sa bawat kong hakbang, piling ay nag-iisa,
Masasayang alaala, tila ba'y naglaho na.
Panghihinayang sa puso, siyang nararamdaman,
Hindi malimutan ang pangyayaring namasdan.

Kung saan ang ngiti mo'y aking nakikita,
Habang ang lungkot ko'y, halata sa mga mata.
Pero lalong nasaktan, sapagkat aking naalala,
Na ako'y walang karapatan, dahil kaibigan nga lang pala.

Kaya't patawad kung 'di ko manlang magawa-gawa,
Limutin ang pag-ibig, na sa'yo lamang nadama.
At pasensya na kung puso'y naghinihintay pa rin,
Na madama ng sarili kong, ako rin ay 'yong mahalin.

(Nyaknyak kuhaan ng card, sanaol)

Sulat-Puso | Aking TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon