Babae kong pinaka mamahal,
Malaman mo sanang pag-ibig ko ay tunay.
Na kahit kaibigan lang ang turingan,
ay nandito ako para sa'yo habang buhay.Alam kong hindi mo ako matatanggap,
Diyan sa puso mong aking pinapangarap.
Dahil alam ko namang noon palang,
Ay wala na akong maipapalag.Gayon pa man ako'y nananalangin
Sa bathala na sana'y madinggin
Na ang aking munting panalangin
Ay magbago ang 'yong tunay na pagtinginPero kung hanggang dito na lang talaga
Siguro kailangan ko nang tanggapin at maalala
Na kahit sa ganitong paraan lang tayo magkakasama
Ay walang kapantay na ligaya ang aking madarama
BINABASA MO ANG
Sulat-Puso | Aking Tula
PoetryMga kaisipan mula sa'king damdamin, ipahahayag gamit ang isang sulatin. Para sa isang babae kong pilit pipiliin, kahit 'di siguradong kaniyang mamahalin.