"Padaba taka," binubuo ng sampung letra
Kung saan ang kahulugan ay salitang "mahal kita"
Hindi man masambit sa'yo nang harap-harapan,
Sa'king puso't isip, ikaw lamang nilalaman, sinta.Padaba taka, salitang kay tamis,
At may taglay na kahulugan.
Na sa bawat pagbigkas,
Ipinahahagayag ang lihim na nararamdamanDahil pag-ibig ko'y nakatago,
Lihim na nadarama't tahimik na pagsamo.
Sana'y marinig mo ang bulong ng hangin,
Na sigaw ng puso kong sa'yo may pagtingin.Papadabaon ta ka, ang puso'y sa'yo,
Sa bawat tibok, ikaw lang sigaw nito.
'Dii alintana ang takot, kahit ako'y masaktan,
Ang mahalaga'y pag-ibig ko'y 'yong malaman.Padaba taka, kahit walang kasiguruhan,
At may pangambang bumabalot sa isipan.
Patuloy pa ring mananatili ang pag-ibig na walang hanggan,
Kahit anong hamon, ikaw pa rin ang mithii't katuparan.
BINABASA MO ANG
Sulat-Puso | Aking Tula
PoetryMga kaisipan mula sa'king damdamin, ipahahayag gamit ang isang sulatin. Para sa isang babae kong pilit pipiliin, kahit 'di siguradong kaniyang mamahalin.