Noong unang pagtitipon, ika'y aking napansin,
Nakaupo sa unahan, suot ang jacket na itim.
Tahimik kang tao, kaya't 'di ko aakalain,
Na ako sayo'y mahuhulog ng ganito kalalim.Hindi pumasok sa isipang ika'y iibigin,
Tanging hangad lamang ay mapagbutihin,
Ang pagkatutong nahinto dulot ng panahon,
Dahil sa isang sitwasyon, nahirapan bumangon.Hindi ko mawari kung paano nagsimula,
Nabihag ang damdamin kong tila nakawala.
Na bingwit ang puso ko na parang isda,
Biglang paniniwala na tayo'y itinadhana.Na sa bawat pagngiti mo, ako'y nadadala,
Agos ng ligaya na ikaw lamang ang may gawa.
Ako ay nahahawa, natutuwa't sumasaya,
Sapagkat tunay na kaligayahan ang natatamasa.Nais ko mang iparating ang aking pag-ibig,
Ngunit takot sa puso'y, waring pumapantig.
Kaya't pinilit na lamang itago ang pagtingin,
Pero tadhana'y lokoloko't ako'y 'yong pinaamin.
BINABASA MO ANG
Sulat-Puso | Aking Tula
PoetryMga kaisipan mula sa'king damdamin, ipahahayag gamit ang isang sulatin. Para sa isang babae kong pilit pipiliin, kahit 'di siguradong kaniyang mamahalin.