Ang pagkatok ng selos,
Ay 'di ko mapigil-pigilan,
Desisyong padalos-dalos,
Akin' laging nararamdaman.Gulo ng aking isip,
Ay laging napang-aabutan,
Na ang hanging paihip-ihip,
Siyang napagbubuntungan.Masakit sa'king mata'y,
Parating nasisilayan,
Mga kulitan niyong dalawa'y,
Tila taong nagmamahalan.Kaya't ang puso ko'y umiiyak,
At pilit na winawasak,
Dahil sa inggit na nadarama,
Ng damdamin kong nag-iisa.Ngunit sa likod ng pag-ibig, ito'y naguguluhan,
Kung kaya bang ipagpatuloy ang damdaming sugatan?
Hanggang kailan matitiis itong sagupaan,
Kapag ba ang pag-ibig ay naglaho nang tuluyan?
BINABASA MO ANG
Sulat-Puso | Aking Tula
PoetryMga kaisipan mula sa'king damdamin, ipahahayag gamit ang isang sulatin. Para sa isang babae kong pilit pipiliin, kahit 'di siguradong kaniyang mamahalin.