May kilala akong dilag na mahilig umidlip,
Paboritong libangan ay ang managinip.
Na kahit paggising, siya'y tila nabibighani
Matulog sa higaan niya kahit na tanghali.Sumapit man ang dapit-hapon, siya'y 'di padadaig,
Sa hiling ng pagtulog, solusyon ay munting tinig.
Sa paglipas ng gabi, sa ilalim ng mga bituin,
Siya'y nag-iisip kung siya ba'y may tungkulin.Tuwing gabi, ang diwa ay namumulat,
Tanong sa sarili, bakit ganito ang lahat?
Tulad ng kaibigan ko na parang si Batman,
Tulog sa umaga, gising sa hapunan.Sa bawat paghimlay, siya ay na-aaliw,
Himbing ng kanyang tulog, na tila kay giliw.
Para bang ibon na lumilipad sa himpapawid,
Sobrang laya, na parang nakatakas sa silid.Sa kanyang pag-idlip, tila oras humihinto,
Masarap na pagtulog ang nasisilayan ko.
Sa'king bawat pagsulyap nakikita'y marilag,
Kahit nasa panaginip, ay natatanging liyag.
BINABASA MO ANG
Sulat-Puso | Aking Tula
PoésieMga kaisipan mula sa'king damdamin, ipahahayag gamit ang isang sulatin. Para sa isang babae kong pilit pipiliin, kahit 'di siguradong kaniyang mamahalin.