Sabi ng iba, ang pag-ibig ay laro
Pangpaligaya lang at 'di sineseryoso
Ngunit sa paniniwalang 'to ako'y 'di naniniwala
Dahil lubos kitang minamahal, katulad ng talaPanghuhusga ng tao'y 'di maiiwasan
Nilalait ka kahit hindi mo pagmasdan
Pero kahit mundo ay tila napakagulo
Kakayanin, basta't nariyan ka, magkasama tayoSa ilalim ng gabi, ako'y mayro'ng panalangin
Na sana'y marinig muli ang 'yong mga awitin
Habang ang tala't bituwin ay malayang nagni-ningning
Magkasama tayong dalawa, nagbibigay ng munting hilingTuwing ako nama'y tumititig sa'yong mga mata
Tila berdeng koloreta ang aking nakikita
Napakagandang pagmasdan lalo't nasisilayan
Ang kagandahan mo, na talagang ang hirap iwasanPero ako'y natutuwa at laging nag-iisip
Kung bakit ba parating ika'y nasa panaginip
Para bang anghel na parating pumapaligid
Sa loob ng isipan ko, ay parang nagmamasid.
BINABASA MO ANG
Sulat-Puso | Aking Tula
PoetryMga kaisipan mula sa'king damdamin, ipahahayag gamit ang isang sulatin. Para sa isang babae kong pilit pipiliin, kahit 'di siguradong kaniyang mamahalin.