Part 13

1.1K 35 15
                                    

"Pfft! Yuck! kadiri ka mikha! Anong sayo sinasabi mo?? g*go ka ba ha!!?" Saad ni jeremy sabay tutok sakin ng baril.

Well, hindi naman ako natatakot sa hawak nya kasi tinanggalan ko ng bala yan eh.

Nagkaharap na kami ni jeremy at sabay inilabas nya na lahat ng bodyguard nya. Habang sa akin naman ay kalahati lang yung kinuha ko pero madami naman na since 398 in total yung nasa Mafia Members ko.

"ito tatandaan mo mikha... *Hinihingal* Once na kinuha mo sa akin si aiah ay mapapatay na kita..." Saad nito dahilan para mapatawa ako.

"Joker ka talaga no Jeremy? kasi hindi ka pa nagpapatawa, natatawa na'ko sa pagmumukha at sa mga sinasabi mo na wala namang ka sense sense." Saad ko at sabay nag si tawanan naman ng malakas ang mga members ko sa mafia at yung kay jeremy naman ay pinipigilan nilang di matawa.

Bodyguard E: Boss, Nasaan nga po pala sila ma'am aiah?

"Kasama ata ni colet. Bantayan mo yun ha! baka pati sya madamay sa plano ni jeremy." Saad ko at sabay sinapak si jeremy, binawian naman nya ako dahilan para mag dugo ang ilong ko.

"Boss boss!" Saad ng isang bodyguard na may dalang tissue at sabay pinunasan ang ilong ko.

"Thanks Luke. Hindi ka mananalo sa akin Jeremy haha. Kayang kaya kita patumbahin." Saad ko habang naka tingin sa kanya ng sobrang talim.

Nakita ko sila aiah at colet na nasa gilid at natatakot si aiah. Si colet ay pinapakalma pa din si aiah dahil nagkaron daw sya biglaan ng Asthma attack.

"Huwag kang umasa mikha lim. Nasa ilalim lang kita t*nga" Saad nito na kumuha ng inis ko sa kaloob looban.

"Hahaha, ulol ka ba? Eh hindi mo nga kayang alagaan sarili mo. Umaasa ka pa din sa mga magulang mo. Pati mag saing nalang hindi mo pa magawa. Ni maligo kailangan umabot pa ng 3days-8weeks. Baka nga sinasabi mo pa din sa mga magulang mo "Ma ano ulam?" Lakas ng loob mo pala sabihin na nasa ilalim lang ako eh mga simpleng bagay nalang eh hindi mo pa magawa. Patawa ka ba? O sadyang nakakatawa ka na talaga?" Saad ko at sabay nagpigil naman ng tawa ang mga tauhan nya.

"Manahimik ka!! Wala yun sa laban natin ngayon." Saad nya at hinanda ko na yung baril ko.

"Ah talaga ba? sige nga patunayan mo na Gentleman ka or Independent man or whatever, Syempre Cancel na natin yan alam ko namang ugaling tambay lang meron ka eh." Saad ko habang nilalagyan ng bala yung baril ko.

"Ulol!!! Akin lang si aiah!!" Sabay tumakbo sya kay aiah pero buti nalang at nandun si colet at hinarangan nito si aiah.

"Wag kang humarang babaeng pisot!!" Saad nito habang si colet ay biglang napuno sa sinabi ni jeremy.

Sa totoo lang, Kapag sinagad ng sinagad ito si colet, Ay parang may sumabog na bulkan sa ulo nya tapos natapunan yung buong earth. Pero syempre mas malala pa din ako magalit.

"Ano sabi mo babaeng pisot?!" Saad nito habang yung ugat nya sa ulo ay parang kala mo lalabas na sa sobrang halata na ng ugat nya. Kaya tinakbuhan ko si colet kasi lahat talaga madadamay pag nagalit tong taong to. Si aiah at ako lang yung makakapag pigil sa pag ka anger nya.

Bigla nyang sinakal ng sobrang higpit si Jeremy. "T*ngin*mo, ikaw nga lalakeng adik, tambay, squarter, maasim." Sabay bitaw nya sa leeg ni jeremy matapos nyang sabihin ang mga salitang binitawan nya.

Huminga ng malalim si jeremy at biglang pinagbabaril kami. Buti nalang talaga at sobrang tibay ng mga shields namin na hinarang ng mga tauhan ko.

"Sh*t! Ang pangit nya pag nagagalit" Saad ng Tauhan ko sabay nag tawanan naman yung mga tauhan ni jeremy.

Habang nag papa putok sya ng baril ay nag babarilan din yung mga tauhan nya at tauhan ko.

1v1 situation pala kami neto ni jeremy.

"Labas ka!! takot ka pala eh!!" Saad nito dahilan para tumawa ako.

"Ba't ako lalabas? sino ka ba para utusan ako? atsaka bat naman ako papauto sa babaero, sugalero, lasinggero, kwento barbero na tulad mo?" Saad ko at sa tingin ko ay nakuha ko yung inis nya dahil nagpa putok sya ng madaming beses.

"Sus, asar talo ka pala eh." Saad ko habang bumabaril.

"Hinding hindi ako matatalo." Saad nito At sabay nag suot sya ng armor at ng shield sabay lumapit sa akin. Buti nalang at may dala talaga akong iron shield at heavy iron armor.

Kaya nag barilan na kami at may biglang Nagpasabog ng RPG sa nag babarilan na tauhan ko. Kaya agad ko itong chineck kasi ang inaalala ko ay ang mga tauhan ko at si colet lalo na si aiah. At biglang natakpan ng makapal na usok ang laban ng mga tauhan ko at tauhan nya.

"Aiah!??!?!" Sigaw ni jeremy.

"Aiah!!!" Sigaw ko at sabay bigla naman akong niyakap ni aiah

"M-mikha pwede bang stop nyo na to?? p-please natatakot na ako.." Iyak na sabi ni aiah.

"S-sige, dito ka muna saglit ha may gagawin lang ako. Colet!! bantayan mo si aiah." At sabay kinuha yung Glock ko at ang shield sabay hinanap si jeremy.

Habang hinahanap ko si aiah ay may bigla nanamang nag bato ng smoke bomb dahilan para matakpan lahat ng paligid.

May bigla naman akong narinig na dalawang putok ng baril kaya agad akong bumalik kila aiah at colet para tignan kung okay lang ba sila.

Nakita ko si aiah na nakatakip ang bibig habang umiiyak at nakita ko naman si colet na duguan at nakahiga sa sahig.

"Colet!!! Sino gumawa nito sayo!???!?! Tumawag kayo ng ambulansya, dalian nyo!!!!" Taranta kong sabi.

"S-si sir J-Jeremy p-po" Saad ni colet na hinihingal.

"Wag kang susuko colet okay? magiging maayos din ang lahat, wag kang susuko colet. Colet wag kang susuko okay??? Hintayin mo ako dito hahanapin ko lang yung gag*ng yun." Saad ko at ibinigay ko muna yung ulo ni colet kay aiah para ma isandal ito sa hita nya. Pagkalingon ko ay may nakatutok na baril sa ulo ko.

"Paalam, Mikha lim."

*Gunshot*

Please vote & share for our next part, Thank you!♡

(Feel free to comment down below kung anong klaseng scene ang gusto nyong mangyari, Thank you for supporting my First au guys. I love you all!♡♡)

She chose ME.Where stories live. Discover now