Chapter 9 Unexpected Things

46 3 2
                                    

Stacey POV

Idinilat ko ang aking mga mata at napagtanto ko nasa kwarto na ako. Nakita ko si Jake na nakatulog habang nakapatong ang kanyang ulo sa kama. Nakaupo pala ito sa tabi ko habang binatanyan ako..

"Ja--jake?" mahina kong wika maya pa ay nagising ito.

"Stacey, ku-kumusta ayos na ba pakiramdam mo ah?" Nag-aalalang wika niya.

"What happened Jake?" pagtataka ko.

"Wala ka ba maalala kung ano nangyari sayo kagabi ah? Hinimatay ka kagabi sa party, halos lahat sayo nag-aalala, tapos nagulat nalang ako ng sinampal mo pa ako sa harap ng tao. Kung ano ano sinasabi mo sa akin na hindi ko naman maintindihan, ano ba nangyayari Stacey sayo ayos ka lang ba talaga?"sunod-sunod na wika sa akin ni Jake.

Wala ako maalala sa mga susunod na nangyari. Tanging alam ko lang ay parang nadelulu ako sa party. Hindi ko maipaliwanag parang nangyari  sa akin pero hindi naman pala tss!

Nababaliw na ba ako? Impossible! Nakaramdam ako na ang sakit ng katawan ko. Ang bigat hindi ko alam kung saan ko ba nakuha ang bigat ng katawan ko.

Para ako makipagsuntukan pero hindi naman.

"Ano nararamdaman mo ngayon?" Pagtatanong ni Jake sa akin..

"Jake uhmm I just want to rest muna masama pakiramdam ko, pasensya na sa nangyari kagabi ah, pinag-aalala pa kita, teka where's Hero?" Pagtatanong ko maya pa ay bumukas ang pintuan at bumungad si Hero.

May dala ito na isang maliit na bed tray breakfast at may nakapatong na pagkain.

"Mom how are you? I bought something for you, pinaghanda ko po kayo ng makakain niyo," magalang na wika niya  agad inilagay niya pa sa table ang bed tray.

"Ang sweet naman ng unico hijo ko ah, inaalagaan mo na ang Mommy mo ah?" Masayang wika ni Jake kay Hero sabay gulo ng buhok ng bata.

"Of course Dad, alam mo naman po love ko si Mom," aniya.

"I'm okay guys! Salamat sa pag-aalaga niyo sa akin, don't worry about me maybe I'm just tired that time kaya nahimatay ako," pagdadahilan ko.

Hindi ko naman pwede sabihin kay Jake na nadelulu ako..

"Babe, I think we need to undergo check up sa doctor, baka kasi ano na iyan," nag-aalalang wika ni Jake.

"No Jake I'm fine, but---"

"No hindi pwede huwag na matigas ang ulo ah? Magpapacheck up tayo," aniya.

"Hmm okay sige," ani ko.

"Mom baka po pregnant ka kaya po ganon nangyari sayo nahimatay kayo, " pagsasabat ni Hero.

"Hey, how did you know sa mga bagay na yan ah?" pagtataka ko.

"Mom, in this generation marami na po ako nalalaman kahit bata pa ako," pagpapaliwanag niya.

Nyek! Ang batang ito para talaga ang matured na mag-isip. Hindi kaya mataas ang IQ ni Hero kaya nakakapagsabi na siya na di pa naman nalalaman ng ibang mga bata tss!

Nagsimula na ako kumain dito sa kama ko, sinusubuan ako ni Jake panay silbi niya sa akin..

Ang swerte ko talaga sa lalakeng ito. Kahit kailan talaga ang gentleman ni Jake..

"Jake kahit ako na baka kasi ano--"

"Na ano let me allowed to do this, gusto kitang pagsilbihan," aniya nakaramdam tuloy ako ng kilig

Iyong bigat na naramdaman ko kahapon ay napalitan ng magaan.. Hindi ko alam kung ano nangyayari sa akin pero baka sa sobrang pag-ooverthink ko ng malala.

After Marriage (Part 2 of MSBML) Where stories live. Discover now