Chapter 23 The Doubt

15 2 4
                                    

Stacey's POV

Finally! Nakalaya na rin ako pansamantala at nakaalis na rin ako sa madumi at mainit na lugar na iyon.. Nag file kami ni Attorney Yves ng bail pansamantala para makalaya ako. Pero may bantay sarado pa rin ako ng batas. They hold my passport dahil hanggang wala pa patunay na inosente ako ay hindi ako pwede makauwi muna ng Pilipinas. Hindi ko alam kung paano nakuha ni Attorney Yves ang lahat ng legal documents ko. Tinatanong ko siya kanina ngunit hindi lang ito kumikibo.

Something is so strange to her. I'm just curious to her personality.

Grabe ang higpit din ng batas dito sa Paris. Hindi katulad sa Pilipinas na walang ganito na hinohold ang passports tss! Nandito kami ni Attorney Yves sa clinic pinagamot niya muna ang sugat sa kamay ko dahil sa pagkakaagaw ng kutsilyo sa akin ng mga pangit na baboy na iyon sa bilangguan.

Nakakainis nagasgasan pa tuloy ang maganda kong kamay...

"Hmmm kapag natapos na tayo rito ay sumunod ka ngayon sa akin dahil dadalhin na kita sa condominium na titirahan mo," sabi sa akin ni Attorney Yves na kinataka ko.

"What? What do you mean? Bakit ako titira sa condominium teka? Kailangan ko muna umuwi kailangan ko kausapin ang mag-ama ko, gusto ko kausapin si Jake kung bakit hindi man lamang niya ako pinuntahan sa presinto nung nakulong ako ng twelve hours," Sunod-sunod na wika ko.

"Sino? Ang asawa mo? Hmmm I think nakalimutan ka na niya," Seryosong wika ni Attorney Yves,

"Attorney what do you mean? Pwede ba huwag mo na ako bigyan ng puzzle diretsuhin mo na nga ako!" Naiinis kong wika.

"Can you just give us a moment Madam," Magalang na wika ni Attorney Yves sa nurse ng clinic.

Agad umalis na ito tanging kami na lang dalawa ang natira.

"Hmmm ganyan ka ba talaga ni hindi man lamang marunong tumanaw ng utang na loob sa tumulong sayo? Kung wala ako roon baka nabulok ka na sa prisinto," Sarcastic na wika niya.

Aba ano gusto ng babaeng ito magkaroon pa ako ng utang na loob sa kanya? Hindi ko naman siya hiniling na dumating? Pero sa sino ba talaga siya, paano siya ang naka-assigned na attorney ng kaso ko.

"Sino ka ba talaga? Paano ikaw ang magiging assigned attorney ko sa kaso ko? Sino nagpadala sayo?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Hay nako Stacey, ang dami mong tanong, sige magpapakilala ako. Ako nga pala si Attorney Yves Keisha Leonora Lincoln, your assigned Attorney sa kaso mong napakasimple lang naman at madali ko lang naman siya  malusutan," Pagyayabang niya.

"Wow ah ang yabang mo Attorney sigurado ka na ba na malalagpasan mo? Huwag ka makampante mga tuso pa naman ang kalaban natin. Hindi ko inaasahan pamilya pa ng asawa ko ang makakalaban ko tss!" Naiinis kong wika.

"Bakit hindi ko masosolusyunan? Hindi mo alam marami na akong kaso na naipanalo, simula pumasa ako sa BAR Exam agad marami kumuha sa akin sa mga serious matters of cases," Seryosong wika niya.

"Hmmmm pang ilan ka ba sa nakapasa sa BAR?" Pagtatanong ko.

"Hmmm hindi naman sa pagyayabang I'm the topnatcher sa BAR Exam sa buong mundo," aniya na kinagulat ko.

"What?! Hmmm seriously? Meron pala ako kaharap ngayon na sadista sa lahat tss! Ikaw na," asik ko ngunit ngumisi lang ito.

"Ang mabuti ba tara samahan mo muna ako, sa coffee shop habang pinag-aaralan ko ang  statements sa kaso mo," Pagyayaya niya agad may kinuha pa ito na brown long envelop.

Marahil kumuha siya ng hard copy ng statements and other documents about me sa insidente. Sumakay muna kami ni Attorney Yves sa kanyang sasakyan.

Mamahalin rin ang kotse niya mas mahal pa sa binigay sa akin ni Blake. Ibang klase rin ang kotse na ito. Hindi ko na tinanong kung anong klase ng model ba ang kotse niya.

After Marriage (Part 2 of MSBML) Where stories live. Discover now