Chapter 13 Jealous wife

18 3 5
                                    

Stacey's POV

"Jia what happened?!" nag-aalalang wika ni Jake kay Jia.

"Help me guys I'm drunk," sabi naman ni Jia habang hinahawakan niya ang kanyang ulo. Agad binuksan ni Jake ang pintuan ng kotse at pumasok sa loob.

Halos mukhang nag-aalala si Jake kay Jia. Ano ba naisipan ng babaeng ito na nagmamaneho siya ng nakainom tss!

Tanga lang!

"Ba--bakit ka ba kasi nag drive na nakainom tsk mabuti na lang kami nakakita sayo, dahil kung ibang tao baka pagkakaguluhan ka nila," Nag-aalalang wika ni Jake.

"I--I just want to unwind Jake, oh my god I look like a mess tsk, hindi nila ako pwede makita na ganito itsura ko. Baka mabalita ako sa social media," nababahala wika ni Jia habang may iniinda na sakit sa ulo.

Luh? Ang arte tss! Sikat ba siya masyado sa entertainment kaya ayaw niya may makakita sa kanya?

"Let's go sa mansion ka muna umuwi," sabi ni Jake kay Jia na kinakunot ng noo ko.

"What Jake?! Sa mansion natin siya mags-stay?"

"Yes, we have no choice hindi pwede si Jia makita na ganito nangyari sa kanya," sabi ni Jake sa akin.

"Aba Jake baka nakakalimutan mo, na masama ang loob ko sa isang yan, hindi ako makakapayag sa mansion siya umuwi, gusto mo ihatid na lang natin siya sa bahay niya,"naiinis kong wika.

"Stacey, you don't understand kailangan ni Jia ng tulong natin okay? Hindi siya pwede umuwi ng ganyan sa bahay nila, magagalit sa kanya ang parents niya," sabi ni Jake sa akin.

Napansin ko si Jia na nakikinig lang sa usapan namin.

"Jake it's okay I think wala ako magagawa, salamat sa offer ayaw ng asawa mo na tulungan ako, kaya wala tayo magagawa. Mahirap kasi kalabanin ang tao lalo na selosa," pagsasabat ni Jia.

"At sino naman nagsabi sayo that I'm jealous ah?" Mataray na wika ko.

"Oh really then if you are not guilty why you didn't agree with Jake, ngayon gabi lang naman ako magsstay sa mansion niyo, then tomorrow I will be go home na," aniya nakaramdam tuloy ako ng pagkainis.

Pakiramdam ko hinahamon ako ng babaeng ito hanggang saan ang pasensya ko...

"Hmmm fine, bahala kayo," Malamig kong wika agad bumalik ako sa loob ng kotse at sumakay sa front seat. Nakita ko nainaalalayan ni Jake si Jia pasakay loob ng sasakyan namin.

"Thank you Jake, I'm sorry kung nagasgasan ang kotse niyo," Malumanay na wika ng babaeng ito

"No it's okay let's go home uuwi muna tayo sa amin," sabi ni Jake kay Jia.

Agad sumakay na si Jake ng kotse at binuhay na ang makina ng sasakyan. Hindi ako umimik sa byahe hanggang sa nakarating kami ng mansion.

Nauna ako lumabas ng kotse at dali-dali nagtungo sa loob ng mansion. Agad nagtungo ako sa kwarto namin at nagmukmok na lang.

"Bakit ba tinutulungan ni Jake ang babaeng iyon? Hindi niya ba alam na malaki ang impact sa akin sa ginagawa nya kay Jia. Bwisit kahit kailan talaga attention seeker ang babaeng iyon," naiinis kong wika sa sarili ko.

Naisipan ko na magbihis ng pampatulog dahil gabi na gabi nakauwi ng mansion. Malayo layo rin ang biyahe namin sa venue ng kasal ni Iris. Nang nakatapos na ako magbihis ng damit ko ay napansin ko bakit hindi pa pumapasok ng kwarto namin itong si Jake.

Lumabas ako ng kwarto at hinanap ko si Jake. Nagtanong tanong pa ako sa mga katulong dito kung nasaan siya.

"Where is your Señorito Jake?"

After Marriage (Part 2 of MSBML) Where stories live. Discover now