Special Chapter 9: The Wedding

28 2 0
                                    

Special Chapter 9

Fabio

Life recently has been very busy especially my fiancee, Rowena. Mula ata noong bakasyon ay hindi na sya nakapagpahinga. Sometimes nakakatampo na, but that's my future wife, and I've always known she's doing a great job that's why she got promoted and I'm proud of her. Halos doon na nga ako sa K.Y. lagi, ipapaban na nga daw ako ni Koda.

Before I proposed to her, I told everyone first. It wasn't true na hindi pa alam nila Lola ang resthouse sa Quezon. I told them they need to act like they don't know anything about it para hindi s'ya maghinala. Tinawagan ko rin sila Tito Rusco para mawitness ang mahalagang araw na ito because they've been part of our family. Ate Raki's parents were like parents to us too sa mga nagdaang taon. Noon nga si Tita Meryl pa ang nakikipagmeeting for me sometimes kapag hindi available sila Kuya when I was in college. Hindi na kasi kaya nila lola pumanhik-baba ng hagdanan. We are also very close to them.

"Talaga?! Nako mababawasan na ang mga binata na'tin," saad ni Tita when I told them.

"Anak, gusto ko lang siguraduhin mo na sigurado ka na sa desisyon mo. Hindi biro ang kasal, kapag pinasok mo ito hindi kana makakalabas ulit."

"That's what I've been telling him Pa. I told him if he wants to get married because of their child, pag isipan nya muna ulit," sabad ni Kuya Falco.

"Desidido na po ako... Ang totoo matagal ng nakahanda ang singsing and I'm here to invite you to witness it. Sa mga nagdaang taon na'to naging mahalagang parte na kayo ng buhay ko."

Niyakap ako ni Tita. She thanked me na tinuring ko silang isa sa mga pinakaimportanteng tao sa buhay ko.

Naiyak din si Lola noong sinabi ko sakanya. She said she was getting pissed that I'm not doing anything yet, malapit na daw n'ya akong mapalo kung hindi pa ako nagpaalam. Akala n'ya ay wala na akong balak pakasalan si Rowena dahil sa bagal ko daw kumilos.

Ayoko lang naman biglain si Rowena. Alam ko namang even though she's saying na ok na sya, may mga panahong nakikita ko sya na nakatitig lang sa kawalan habang hawak hawak ang tyan n'ya.

When I told my brothers, with Hugo and Benjamin, they had the wildest reactions. Of course Kuya Falco knew first pero sumama pa rin s'ya nung inaya ko ang mga kapatid ko na lumabas.

"Magpopopropose?! Hay sawakas! Titigilan nako nung mga kamag-anak ng mga kaklase ko sa pagtatanong tungkol sa'yo. Two down," saad ni Felix.

"Sigurado kana ba Kuya?"

"Ngayon palang Congratulations na Kuya Fab."

Nagsabay pa si Fred at Hugo.

"You're proposing to Mummy, Daddy?" Tanong ni Benj. Binuhat sya ni Kuya Falco.

"Yes baby, your Daddy and Mummy will be like me and Tita Mommy Raki, of course kapag pumaya si Mummy mo," he said. Natahimik si Benjamin kaya nagaantay ako ng sasabihin n'ya, tinignan nya king lahat. Bigla na lamang sya humagulgol sa iyak kaya kinuha ko mula kay Kuya.

She Conceived A Morgan's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon