April 2, 2013 ♥

203 7 0
                                    

April 2, 2013

Dear Diary,

6:51 pm. Nagtext sa’kin bigla si Kara.

Kara: Oy Jasmine, kasama ko si new neighbor kagabi! :”>

Ako: Si Warren?! Pa’no? :)))

Kara: Eh kasi inutusan siya ni Kuya Jeff na bumili ng slurpee sa 7Eleven, kaya ayun. Eh hindi alam ni Warren yung 7Eleven kaya sabi ni Kuya Jeff, samahan ko daw.

Ako: Ah, anong pinag-usapan niyo?

Kara: Wala. Hindi niya ko kinakausap. Para akong walang kasama. Hahahaha! Pero may girlfriend na siya. Tinanong ko kasi eh. Tapos tumango lang. Hahaha.

8:23 pm. Balisa pa din ako. Hindi ko alam kung bakit. Parang ang laking epekto sa’kin nung nalaman kong magkasama kagabi ang bestfriend ko at si Warren. Tapos malalaman ko pang may girlfriend na siya. :| Ewan ko ba! Parang nakakairita na nakakainis na nakakaiyak. Hay.. baka naman kasi crush ko na si Warren. Hay nako, sana nga hanggang crush lang. Ayoko ng magmahal ulit. :( Nakakapagod nang masaktan… Ilang beses na din akong nagmahal. At ilang beses na din akong nasaktan. Ewan ko.. bahala na ang tadhana kung anong mangyayari sa nararamdaman ko. :/

Diary ng Hopeless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon