April 7, 2013
Dear Diary,
11:12 am. Grabe! Inaantok pa ko. 2 am na kasi ako natulog eh. Nagkaron na kasi ng internet kaya inenjoy ko. Hay.. Gusto ko pang matulog pero ang inet. Ang sarap pumatay ng tao, nakakapaso yung sinag ng araw. Ehmeged! :@
Excited na ako mamaya. :”> Liga na kasi ditto sa baranggay namin. Kasali ‘yung kapatid kong bunso. At sana, manood si Warren mamaya. ♥ Nakita ko siya kanina. :’) As usual, di pa din siya naliligo. Hahaha! Naka black na polo shirt pa din siya with a red colar at black shorts. Hindi ko nga siya tinignan nung malapit na ako sa kanya eh. Pastrong lang. XD
1:10 pm. Kakatapos lang naming magtanghalian. Sobrang boring sa bahay. Gustuhin ko mang lumabas, di ko kaya kasi sobrang init talaga. Di ko matake. -___- Kaya pumunta na lang ako sa terrace habang dala-dala yung cellphone ko. Soundtrip muna. And then biglang umupo si Warren sa bintana ng kwato niya. :””””> Nakahubad pa siya. ♥ Pero may shorts naman siya, kulay red. Favorite color ko pa. :”> Tapos nag-she-shave siya ng balbas at bigote niya. Hawak niya pa yung pang-ahit at salamin. Grabe, ampogi-pogi niya talaga.
Sana talaga, manood si Warren ng liga. :’) Para naman makausap ko siya. Kasi nagkakausap lang kami pag may events ditto sa barrangay. Tulad ng Ms. Gay at Singing Contest. Hay, ang sarap balikan nung mga time na nagtatawanan kami. Kakeleg! Lord, yun lang po ang hiling ko. Na sana ako na yung magbibigay sa kanya ng ligaya. Ang maging dahilan ng mga ngiti niyang kay saya. Siya lang kasi ang nagpapatibok ng puso ko. Oh Lord, please, tulungan mo ako. :)))))
4:01 pm. Nakatulog pala ako. :)))))) Himala! Sa sobrang init nakatulog ako. At dahil nga mainit, naligo agad ako pagkagising ko. S’yempre, malapit na kasi mag-umpisa yung liga at baka sumama si Warren. Kaya dapat GANDANG DI MO INAKALA ang peg ko. XD Naka tshirt ako na Artwork at blue na shorts. Hindi sobrang ikling shorts. Mga above the knee ng onte.
Gaya ng nakasanayan, dadaanan ako sa bintana ni Warren with a slow motion effect. Para mas matitigan ko siya. :”> Tulog na naman siya. Topless. At nakared na boxer. Shet, ang hot! :’) Ehmeged! ‘Yung abs niya, naaaninag ko. Waaaah! Maiihi na yata ako sa sobrang kilig. Kaya bago pa ako maihi sa salawal, pumunta na ako sa kwarto ko, sinarado ang pinto at nagtatalon sa kama para mailabas ang kilig ko. :”>
6:01 pm. Gising na siya! Ehmeged! :”> Kitang kita ko kung paano siya bumangon sa higaan. :’) Inikot-ikot niya pa yung leeg niya. Nangawit siguro. Hahaha. Ampogi tologo ni Warren’ko! :”> Warren KO?! HAHAHA! Angkinan lang? X)
4:27 pm. Lumabas na siya ng bahay nila. Grabe, masyado na akong nagiging stalker. XD Maliligo na kasi siya, kinuha niya na kasi ‘yung tuwalya niya eh. :”””>
4:51 pm. Naghahanda na lahat ng kasali sa Liga. Kaya ako tumambay na din ako sa labas. Iniintay kong lumabas si Warren ng bahay nila. Grabe, silip ako ng silip sa pintuan nila. Hahahaha. Nanonood pa kasi siya kanina ng Tom N’ Jerry. XD Pero maya maya, lumabas na siya. :””””> OMG! Umupo siya sa terrace nila. ♥ Nagulat ako kasi bigla niya kong kinausap. MAHAL NIYA NA KO! MEGHED! (Feelingera lang po.)
Warren: Manonood ka ng Opening ng Liga? :D
Ako: Oo. Sama ka? :))
Warren: May gagawin pa kasi ako eh. :| San ba yun? ‘Dun sa dulong court? :)))))
Ako: Oo, dun ‘yon. :’)
Warren: Thank you. :) (Killer smile talaga! Meghed!)
6:30 pm. Kakagaling lang namin sa Liga. Wala palang laban ang mga taga-purok uno. (Team naming, Purok 1 kasi kami.) Bukas pa daw ang laban kaya umuwi na kami kagad.
Pagbalik namin sa Compound, hindi ko pa din nakikita si Warren. Naka-ilang silip na ako sa pinto at bintana ng kwarto niya, wala pa din siya don. Nasan kaya siya? :((( Hay.. nakakaparanoid eh. Nakatanaw pa din ako sa kwarto ni Warren, pero walang tao. :’/
6:33 pm. Bigla akong may natanaw na kamay mula sa kwarto ni Warren. At siguradong-sigurado ako na si Warren ‘yon. Ahihihihi. :””””>
6:38 pm. Ganap ko nang nakita si Warren. Nanonood siya ng TV sa kwarto niya. Naka-green na sando at nakablack shorts. :”> Kung napapansin niyo, lagi siyang nakasando. Kasi malaki talaga ang deltoids at biceps niya. In short, medyo macho siya. :’) Hayyyyyy! Nakakakeleg! Hawak hawak niya ‘yung cellphone niya. At bigla-biglang ngumingiti habang nagtetext. :/ Baka katext niya yung girlfriend niya. :( Hayy. Nega-thoughts na naman. :|
6:59 pm. Lumabas ulit ako ng bahay. May inuutos kasi sa’kin si Mama na bilin sa tindahan. Pagtingin ko sa pintuan nina Warren, wala dun yung tsinelas niya. Eh asan naman kaya siya? :/ Kaya pumasok na lang ulit ako ng bahay. :’|
7:36 pm. Naisipan kong lumabas ulit ng bahay. Baka kasi nasa bahay na si Warren. Gaya nga nakasanayan, dumaan ako sa bintana ng kwarto ni Warren, pero wala siya dun. :( Wala pa din siya. :// Kaya naisipan kong bumalik ng Court. May liga pa naman kasi ‘don, at baka don pumunta si Warren.
7:43 pm. Meghed! Nakita ko na si Warren. :”> Kaya lang medyo hindi katuwa-tuwa ang isa ko pang nakita. Kasama ni Warren ang kinaiinisan kong babae. Si Rina. Although ‘di naman siya kontrabida sa buhay ko, pero pakiramdam ko, karibal ko siya sa puso ni Warren. :@ Bwisit talaga! Nung Singing Contest pa siya dikit ng dikit kay Warren. Aba! Magkatabi kami ni Warren tapos biglang sa gitna siya pupwesto. Lichi. >_<
Oo, nakita ko na nga si Rina at Warren na magkasama sa court habang nanonood ng liga. Pero di ko kaagad sila nilapitan. Pero pumwesto ako kung saan matatanaw ko si Warren at Rina. :’) S’yempre, dapat nakikita ko ang lakas ko. :””””>
8:33 pm. Nagkaroon ako ng lakas ng loob para lumapit na kina Rina at Warren. Pero paglapit ko dun, wala na si Rina. At nag-iisa na lang si Warren. Nakita niya ko. :’)
Warren: Uuwi ka na? :)
Ako: Oo, kakain muna ako pero babalik din ako pagkakain ko. Ü
Warren: Sabay naman tayo oh. :D
Ako: Sige. :))))))
Sabay kaming naglakad ni Warren. Nagkwentuhan. :”> Tapos kumportable na din siya sa’kin magjoke. Minsan naman have yang joke niya kaya natatawa ako. At minsan waley din, kaya inaasar ko siya. Answeet daba!
Pagdating naming sa Compound ay naghiwalay na kaming dalawa. Pumasok na siya sa bahay nila at pumasok na ako sa bahay namin. Kumain na siya at kumain ako. Tapos na siyang kumain at tapos na din akong kumain kaya ayun, bumalik na kami sa Court.
10:52 pm. Nanonood kami ng liga. Katabi ko si Warren sa kaliwa at katabi ko si Louie sa kanan. :’) Nagkukwentuhan kaming apat. Random things lang. :)) Kung anong maisip.
19 years old na pala si Warren. Tapos na siya ng Highschool pero ‘di pa siya nakakatuntong ng College. Pagka-graduate kasi niya ng 4th year highscool, nagtrabaho na daw siya bilang isang crew sa Jollibee. Tsaka medyo playboy pala si Warren. Kasi ngayon, dalawa pala ang girlfriend niya. Isang taga-Caloocan at isang taga-Parañaque. Ewan ko ba, hindi ako naturn-off sa kanya. XD
12:13 pm. Tapos na ang liga. Uwian na, bukas naman ang susunod na laban. Sabay kaming umuwi ni Warren at Louie. ♥ Unang nagpaalam si Louie kasi malapit ang bahay niya sa Court. Tapos maya-maya, malapit na kami ni Warren sa bahay nila. :”) Nung mga panahong ‘yon, hinahanda ko na ang sarili ko para magsabi ng ‘bukas na lang ulit, Warren.’ Pero nagulat ako dahil…
Warren: Jasmine, bukas na lang ulit. :)
Ako: Ah sige sige. :))))
Warren: Thank you! :3
Ako: Para saan? :D
Warren: Sa kwentuhan. Ü
Ako: Ah, walang anuman. :”)
Tas ‘yun, pumasok na siya sa bahay nila. :))) At ako, naka-ngiting asong pumasok sa bahay. :””> One of the best day ever! See you tomorrow! :) Love y’all guys! Especially, Warren. :”> YIEE! KILIG MUCH! XD
BINABASA MO ANG
Diary ng Hopeless (COMPLETED)
Teen FictionIto ay tungkol kay Jasmine na isinusulat ang mga nangyayari sa kanya buong araw. Ang diary na ito ay naglalaman ng mga kilig moments, nega-thoughts, at mga inspirational quotes. In short, ang Diary na ito ay tungkol sa crush ni Jasmine na si Warren...