April 17, 2016
Nasa Starbucks ako. Nakaupo. Mag-isa. Ang tagal kasi ni Kara. Manonood kasi kami ng sine.
3:43 pm. Dumating na si Kara.
Ako: Kara! Late ka na naman.
Kara: Pasensya nga naman. :)
Ako: *pabulong* Sino 'yang kasama mo, boyfriend mo?!
Kara: Baliw hindi noh. Si Warren 'yan.
Nagulat ako. As in! Nanlaki ang mata ko. Malaki na ang pinagbago ni Warren. Mas matangkad na siya kumpara dati. Awkward pa din kami sa isa't isa. 'Di ako makatingin sa kanya. Siguro dahil meron pa akong feelings para sa kanya.
Umupo na kaming tatlo sa table. Umorder na si Kara sa counter.
Warren: So, kamusta ka na Jasmine?
Ako: Ayos naman. Kayo? I mean... kayo ni Shiela?
Warren: Ahm.. nako, matagal na kaming wala. :) Ikaw, may nagpapasaya na ba sa'yo?
Ako: Oo. :)
Warren: May boyfriend ka na?
Ako: Wala. :) 'Yung pag-aaral ko ang nagpapasaya sa'kin. :)
Warren: Ah. Akala ko eh.
Ako: Ikaw, may asawa ka na siguro noh?
Warren: Wala ah.
Ako: Ah. Bakit naman? Nasa tamang edad ka na naman ah.
Warren: Baka kasi we could give it another shot...
Ako: ♥♥♥
BINABASA MO ANG
Diary ng Hopeless (COMPLETED)
Teen FictionIto ay tungkol kay Jasmine na isinusulat ang mga nangyayari sa kanya buong araw. Ang diary na ito ay naglalaman ng mga kilig moments, nega-thoughts, at mga inspirational quotes. In short, ang Diary na ito ay tungkol sa crush ni Jasmine na si Warren...