April 4, 2013 ♥

172 5 0
                                    

April 4, 2013

Dear Diary,

12:00 nn na ako nagising. Pagkabangon ko sa kama, umupo agad ako sa set. Nakabukas pa naman yung pintuan namin. Kaya tanaw ko siya habang nakaupo siya sa bintana ng kwarto niya. Agad-agad akong naligo. Tapos nagbihis at nag-pulbo sa harap ng salamin. Tapod inayos ko din yung buhok ko. Lumabas ako sa terrace para isampay ang ginamit kong tuwalya, nagka-eye to eye contact na naman kami. Grabe. :))

3:38 pm. Di ko pa din siya nakikita. Hay.. sabi ng Ate niya, natutulog daw siya. Kaya sumilip ako sa bintana ng kwarto. Nakita ko siya. Nakadapa at natutulog katabi niya yung pamangkin niya. Hay.. kailan kaya siya gigising.

3:42 pm. Yung bahay namin katapat ang bahay nina Kuya Aison. (Tito ko) Katabi naman namin sa kanan ang bahay nina Kuya Jeff (Tito ni Warren) Katabi ng bahay nina Kuya Jeff ang bahay nina Kara. (Tropa ko.) At kaharap naman nina Kara ang bahay nina Warren. Pumasok ako sa bahay para kunin ang cellphone ko. Biglang paglingon ko sa pinto nina Kuya Jeff, tanaw na tanaw ko si Warren na nakahiga sa sofa nila Kuya Jeff. Bukas kasi ang pinto nila Kuya Jeff. Kitang kita ko si Warren. Nakasando na white at nakared na shorts. Tanaw na tanaw ko yung tuhod at braso niya. Hay.. ansaya. Ü

6:23 pm. Kakatapos ko lang magcomputer. Pag labas ko ng gate, nakita ko siya. Bagong paligo. Nakaupo sa terrace nila. Naka-stripes na tshirt at black na shorts. Kaya nagpasya akong bumili sa tindahan para mapadaan ako sa harap niya. Grabe! Nagzu-zoom in yung mukha niya sa paningin ko. Siet! :">

8:02 pm. Kakadating lang namin. Kumain kasi kami sa labas. Eksaktong eksakto yung dating namin kasi nasa labas sina Warren kasama yung dalawa niyang pinsan at 3 yr old na pamangkin. Hindi ko alam kung anong pinag kukwentuhan nila pero tawa sila ng tawa. Ang pogi talaga niya. Lalo pang nalabas yung dimples niya kapag tumatawa siya. Ehmeged!

8:50 pm. Merong parada ng mga bakla sa kabilang baranggay. Kaming tatlo nina Kara at Louie, manonood kami. Nagulat ako kasi bigla kaming tinawag ni Kuya Jeff. "Oy, sabay naman kami. Manonood kami nina Warren." Bigla akong nanginig. Iba't ibang emosyon ang naramdaman ko. Tuws. Kilig. Kaba. Basta andami.

9:02 pm. Nakarating na kami sa Miss Gay. Akala ko magiging masaya. Kasi mas komportable si Warren na kausapin si Kara. Hay... friendzone.

10:19 pm. Nasa Miss Gay pa din kami. Nahuhuli ko si Kara na susulyap kay Warren. At si Warren naman ay susulyap din pabalik. Pagkatapos ay sabay silang ngingiti. Grabe. Nadudurog ang puso't damdamin ko. Ansakit sakit.

10:34pm. Wala na. Magkatabi na sila ngayon. Nagtatawanan at sobrang saya. Hay. Ang hirap.

11:34pm. Dumating yung time na nagkukulbitan at nagkikilitian na sila. Ansakit. Wala akong masabihan ng nararamdaman ko. Kasi baka hindi naman ako pakinggan ni Louie at baka ipagsabi pa siya. Ayoko lang malaman nila. Masaya at nagtatawanan pa din si Kara at Warren. Samantalang ako. Nakasimangot at tahimik. Pinapatawa ako ni Louie. Pero di ko magawang ngumiti o tumawa. Hay..

12:01 am. Umuwi na kami. Habang naglalakad kami, tuloy pa din sa kilitian si Kara at Warren. Tapos ako, kunwari nagtetex na lang. Ansakit talaga. :| Sige, bukas na lang ulit.

Diary ng Hopeless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon