April 10, 2013 ♥

120 4 0
                                    

April 10, 2013

Dear Diary,

11:17 am. Kakagising ko lang. :) Pagod eh. Syempre. Galing swimming. :D Ang hapdi nga ng braso ko. Sunburn pa. Malas. Pero napawi lahat ng pagod ko dahil nakita ko si Warren. :”> Nagsasampay ng nilaban niya. Ehmeged! Ansipag ng baby ko. XD Hahahaha. :”>

2:31 pm. Kakatapos ko lang magcomputer. At kasalukuyan kaming nasa labas ng dalawa kong kapatid. :) Naghaharutan lang. X) Tapos pagdaan namin sa bintana ng kwarto ni Warren, sumilip ako. :’) Tapos nakita ko si Warren. Tulog. :”””> As usual, topless. :’) Ang hot na ng weather, ang hot pa ni Warren. :”>

3:04 pm. Umalis na ako sa bahay. Gagala kasi kami ng mga tropa ko. :’) Masyado naming namiss ang isa’t isa. :”> Grabe nga eh. Sinakripisyo ko yung mga oras na dapat makikita ko si Warren, makasama lang sila. :) Answeet diba. Hahahaha. :)) Mabait kasi akong kaibigan. Hahahaha. Kumain kami ng isaw at uminom ng pepsi blue at root beer. Grabe, halos nagala namin ang buong subdivision kung saan andun yung school namin. :) Tapos mga 5:30, umuwi na ako. Malayo pa kasi ang bahay ko. :D

6:32 pm. Ganap na akong nakauwi sa bahay. As in! :) Nakaupo na ako dito sa sofa oh. Balak ko ng oumunta sa court. Baka kasi nagsisimula na ang liga. At baka nandun na ang mga friends ko. :’) Tsaka baka andun si Warren. :”> Pero gutom ako eh. Haha. Kaya kumain muna ako ng biskwit na nakuha ko sa lamesa. :)) yum yum!

6:39 pm. Habang nakain ako ng mahiwagang biskwit, narinig ko ang boses ni Warren. :”””> Pero hindi ako lumabas ng bahay. Kasi pagod talaga ako kakagala kanina. :”<

6:48 pm. Lumabas na ako ng bahay. :) Nakita ko kasi si Warren, palabas ng compound. :”> Nako! Baka pupunta na siya ng court. Kaya sinundan ko siya. Dapat kumanan siya para pumuntang court. Pero kumaliwa siya. Kaya bumalik na lang ako. Hahaha. Stalker na stalker eh. XD

6:57 pm. Bumalik na siya. Nakita ko siya, nakaupo sa bintana ng kwarto niya. Naka-fitted na red tshirt at shorts na dark blue. Pogeshet! :”””>

8:20 pm. Kakadating ko lang sa court. Nakaupo ako sa bleachers. Katabi ko si Steph at Kara. Sabi ni Ate Ronalyn, andito daw si Warren. Pero bakit hindi ko pa siya nakikita? :/

Hinanap ko siya ng hinanap hanggang sa makita ko na siya. :”> Tapos nakita niya din ako. :”> Nagkatitigan kami tapos binati niya ako sa pamamagitan ng pagtango, pagtaas ng kilay at pag-ngiti. :”>

8:32 pm. Nakita ni Steph si Warren. Crush ni Steph si Warren. </3 At nung swimming niya pa yun sinasabi. Ang macho daw kasi. Nako… hindi ko lang talagang masabi sa kanya na ang kapal ng mukha niya. Eh ang itim itim niya nga eh. Tapos jejemon pa. >_< Panira ng gabi eh!

8:50 pm. Habang nakatayo ako at nanonood ng liga ng basketball, biglang may kumulbit sa’kin. Si Warren. :”””> Wala daw kasi siyang makausap sa kinauupuan niya. Kaya lumapit siya sa’kin. Habang nag-uusap kami at nagtatawanan, text siya ng text. Napaisip ako bigla.. Kung TM lang din si Warren.. kung hindi lang talaga Talk ‘N Text si Warren, siguro.. magkatext kami. :(

Nang biglang nabasag ang ilusyon sa utak ko..

Warren: Ano mas mura? Smart o TM.

Ako: TM! :)))) Dun 30 pesos lang 5 days na. :)

Warren: Ah okay. :D

Ako: Bakit? Mag-T-TM ka na?

Warren: Balak ko sana. :)))

Ako: Ge lang, text text tayo. :)

Warren: Sige, ikaw una kong sasabihan ng number ko pag nakaTM na ko. :’)

KAKELEEEEEEEEEG! :”””>

9:17 pm. Umuwi na kami. Nakadungaw si Warren sa bintana ng kwarto niya. At ako, nakadungaw sa bintana ng sala namin.

Warren: Goodnight. :) *kumindat pa!*

Ako: *blush* Goodnight din. :) *talikod* *takbo sa kwarto* *nagtatalon sa kilig!*

Goodnight guys! :*

Diary ng Hopeless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon