April 15, 2013 ♥

109 3 0
                                    

April 15, 2013

Dear Diary,

Fairytails? Yan 'yung mga tipong paasahin ka lang. 'Yung aakalain mo na 'yung sarili mong istorya na nagsimula sa pangit na pagkakakilala, ay magiging happy ending sa huli. Pero ang totoo, kung gaano kapangit kayo nagkakilala, mas pangit pa don ang magiging ending ng istorya niyong dalawa. :/

Pero diba, lahat naman tayo umaasa na sana.. maging fairytail ang ating istorya. 'Yung tipong kahit againts sa inyo ang mundo, ipaglalaban niyo pa din ang pag-iibigan niyo. 'Yung kahit maraming humahadlang sa kanya ka pa din didiretso. 'Yung moment bang iintayin ka niyaa makamit lang ang matamis mong oo. 

Ngunit alam niyo ba na 2 out of 10 people lang ang nakakakuha ng mala-fairytail na ending. (Pero shempre, imbento lang 'yon.) Kaya ako... mamaya. Habang nasa court kami nina Warren, aamin na ako sa nararamdaman ko. Marahil medyo awkward kasi babae ako tapos ako ang aamin pero sa tingin ko, pag wala akong ginawang move, habang buhay na akong masasaktan. Kung mahal niya din ako edi good. Kung ireject niya ako edi mas okay kasi mas mawawakasan na ang sakit na nararamdaman ko. 

Ako. Si Jasmine Ganueldo ay naghahangad at handang lumaban sa mundo ng pag-ibig upang makamit ang mala-fairytail na istorya ng buhay pag-ibig ko. ♥

7:30 pm. trenta minutos bago ko gawin ang pag-amin ko. Katabi ko sa Warren. Kabado. Hindi mapakali. Pinagpapawisan.

7:33 pm. Namumutla na ako. Unti-unti akong nilalamon ng kaba.

7:37 pm. Nagpapawis na ang kamay at paa ko sa sobrang kaba.

7: 45 pm. Mas lalo akong pinagpawisan. Binabasa ko na ang labi ko kasi ambilis matuyo.

7:53 pm. Malamig na ang pawis ko. Tuyong tuyo na din ang lalamunan ko. 

7:59 pm. Isang minuto bago ko gawin ang pag-amin..... Naggegera na ang mga nerves ko sa sobrang kaba.

8:00 pm. 

Ako: May sasabihin sana ako Warren...

Warren: Ano 'yun? :)

Ako: Uhm ... kase.. ano... kasi...

Warren: Nako, wait lang Jasmine ha, naiihi na kasi ako. Pasensya na.

Badtrip. Bukas na lang siguro. <//3 Isang araw pa ulit para makapaghanda. 

Diary ng Hopeless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon