April 3, 2013 ♥

190 6 1
                                    

April 3, 2013

Dear Diary,

Excited akong gumising kaninang umaga. Kasi makikita ko na naman siya. Pitong araw na ang nakakalipas buhat nung lumipat sila dito sa Compound namin. Bumangon ako kaagad tapos kumain, naligo at nagbihis. Nagwalis-walis ako sa harap ng bahay namin. Pero ang goal ko lang naman ay masulyapan ang lalaking nagpapasaya sa'kin. Si Warren. Dumaan ako sa harap ng bintana nila. Kasi pag dumaan ka sa bintanang yon, makikita mo na ang kwarto ni Warren. Pagdaan ko dun, wala siya. Nataranta ako. Bakit wala siya sa bahay nila? San naman siya pupunta? Hay.. pumasok na lang ako ng bahay at nagcomputer.

12 nn. Kumain na kami, hindi ko pa din nakikita si Warren. Kaya nagcomputer na lang ako.

1pm. Maya-maya, nasawa akong magcomputer. Binuksan ko na lang yung aircon at natulog ako.

3:30 pm. Nagising na ako. Humarap ako sa salamin. Nagsuklay. Tinanggal ang mga muta at nagpulbos. Shempre, kailangan maayos ako. Baka nandyan na si Warren e. Lumabas na ako ng bahay. Tumambay ako kasama ang mga kaibigan ko. Si Kara at Louie. Pinapanood lang namin yung mga bata na naglalaro ng langit lupa. Hanggang sa nagulat na lang ako. Dahil pagdaan ko sa bintana ng kwarto ni Warren. Nakita ko na siya! Nakadapa at natutulog. Topless at naka-black na shorts. Kinilig ako, promise.

Inutusan ako ng nanay ko na bumili ng pansit-bihon kay Mang Felsar.

4:20 pm. Nakabalik na ako galing sa pagbili ng pansit-bihon. Habang kumakain kami sa terrace, isinakto ko yung pwesto ko kung san madali kong makikita si Warren. At di naman ako nabigo, dahil nakadungaw siya sa bintana nila.

4:40pm. Nakatambay kami nina Kara at Louie sa harap ng bahay nina Kara na katapat naman ng bahay nina Khail. Biglang lumabas si Khail ng bahay. Topless. Basa pa ang parte ng dibdib niya. May abs siya pero di sobrang kita. Kinuha niya ang sando niya na nasa sampayan. Nagka-eye to eye contact kami. Awkward.

10:40 pm. Nandito ako ngayon sa harap ng bahay nina Warren. Kasama ko ang mama ko. Gusto niya daw kasi ng sariwang hangin habang nagkakape siya. Tanaw na tanaw ko si Warren. Naka-kulay white siya na sando at nakared na short. Nanonood siya ng T.V. Sa di ko inaasahang pagkataon, nagka-eye to eye contact na naman kami. Alam niyo yon, yung saktong pagkakatagpo ng paningin namin, sabay kaming lilihis ng tingin. At magpapanggap na parang walang nangyari. Hay.. baka mamaya, nahahalata niya na'ko. Biglang lumabas si Warren ng bahay nila. Buhat-buhat niya yung pamangkin niya. Umiiyak. Nakaisip ako ng bright idea. Nilapitan ko si Warren at si Baby Aaron. "Aaron.. bakit naiyak si Aaron ha? Gabi na oh. Tulog ka na..." sabi ko kay Aaron. Para-paraan makalapit lang kay Warren. Haha. "Oh matulog ka na daw sabi ni Ate Jasmine oh... tulog napo.." Napangiti ako bigla. Omaygahd! Alam niya pala pangalan ko, waaaah! "Oh sige na.. tutulog na si Ate Jasmine.. goodnight Aaron.." "Goodnight na daw Aaron oh.. sige na Jasmine, goodnight." "Goodnight din." nginitian ko siya. Agad-agad akong umuwi at dumiretso sa kwarto ko. At don ko binuhos ang kilig ko.

Siya, hanggang dito na lang muna. Bukas na lang ulit. :)

Diary ng Hopeless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon