April 5, 2013 ♥

172 6 0
                                    

April 5, 2013

Dear Diary,

12:18 pm. Kakagising ko lang. Inutusan ako ng nanay ko na isampay sa labas ng bahay yung tuwalyang ginamit ng kapatid ko para matuyo agad.

Paglabas ko, nandun si Warren. Nakaupo sa terrace nila. May kausap sa phone. Aww.. baka girlfriend niya. :’/

2:52 pm. Napalabas ako ng bahay dahil bibili ako sa tindahan at para na rin makasimoy kay Warren.

Tumingin ako sa bintana ng kwarto niya. Tulog siya. Topless. Nakablack na shorts. At nakadapat siya. Grabe! Nakaharap, nakatalikod, nakaside-view, kahit anong anggulo, ang pogi pogi niya sa paningin ko. Ewab ko ba! Nung una, attraction lang naman yung nararamdaman ko. Pero ngayon, yung tipong ngitian niya lang ako para na akong bagong tao. Inlove na ba talaga ko?

3:29 pm. Lumabas ako ng bahay. Hahanapin ko kasi yung bunso kong kapatid na si Jared. Kanina pa kasi naglalaro sa labas. Bigla kong nakita si Warren. Gising na siya. At nakaupo sa terrace nila. Hindi pa siya naliligo. Nagka-eye to eye contact na naman kami. Tapos nginitian niya ako. Nagulat ako, tapos kinilig pero tinago ko ang kilig ko. Ngumiti na lang ako kay Warren pabalik.

4:14 pm. Aalis ako. Pupunta ako ng Pavillion Mall. May bibilin kasi ako sa Artwork. Pumunta ako sa labas ng bahay para kunin yung tuwalya ko sa sampayan. Nasa labas si Warren. Ehemeged, ang pogi! As usual, hindi pa din siya naliligo. Suot niya pa din ang green na sando. Lichi! Litaw na litaw yung biceps niya. Gusto kong hawakan na lang bigla kaya lang, nakakahiya. Hahaha! Magmumukha naman akong sira-ulo kapag ginawa ko ‘yon. Hahahaha!

4:32 pm. Nakaligo at nakabihis na ako. Lumabas na ako ng bahay. Nasa kalsada si Warren. AT hindi pa din siya naliligo.

Dumaan ako sa gilid ni Warren. Pasimple ko siyang inamoy pero.. hindi siya mabaho. Bagkus, ang presko presko ng amoy niya. Nakaka-seduce. :’))

Naghahanap pa naman ako ng bagay na nakaka-turn off sa kanya para mapigilan ko ang nararamdaman ko sa kanya pero ang nahanap ko lang ay mga bagay na magtutulak sa’kin para mas lalo ko siyang magustuhan at mahalin. :”””>

10:16 pm. Manonood kami ng Singing Contest sa kabilang baranggay. Dun pa din sa Baranggay na pinuntahan naming kagabi. Sa Brgy. San Vincente. Kasama ko si Kuya Aison (Tito ko) Si Kuya Jeff (Kapit-bahay naming) Si Kuya Ithon (Kapatid ni Kuya Jeff) at si Warren. Dapat kasama naming si Kara. Kaya lang maaga siyang natulog. ;”>

Natuwa ako ng pasimple noong nalaman kong di makakasama si Kara. :D Kasi kung kasama siya, malamang sila lang ni Warren ang magkausap. At ako, echapwera na naman. :@

10:23 pm. Dumating na kami sa Singing Contest, Kung nasaan si Warren, doon din ako. Kung hindi ko siya kalapit, katabi ko siya. Pero s’yempre, di ako nagpapahalata. Ang hot na nga ng weather, ang hot pa ng suot ni Warren. White sando with matching fitted na black shorts. Bagong ligo pa siya. Amoy na amoy ko pa yung shampoo niya. Clear. :”> Kilig much!

12:16 pm. Medyo nangalay na ang mga binti namin sa kakatayo. -__- Kaya umupo muna kami sa gilid. Nauna akong umupo ar nagdasal ako na sana, tumabi sa’kin si Warren. :)))))

12:17 pm. TUMABI NGA SA’KIN SI WARREN! EHMERRRRGERD! :”””> :”)

12:19 pm. Biglang nagsalita si Warren. Thank God, kakausapin niya ko! :”>

Warren: Saulado mo ‘tong San Vicente? :o

Ako: Oo, kahit hanggang kabilang Barangay pa. Dito na kaya ako lumaki. Sa Biñan. :D

Warren: Buti ka pa. Wala akong alam ditto eh. :(

Ako: Sus! Kasama mo naman kami oh. :’D

Warren: Basta ha, ditto ka lang sa tabi ko. Baka mawala ako, andami pa naming tao. :)

KINILIG AKO! :”> Pero tinago yon. ♥

Ako: Oo, ako bahala sa’yo. :)

1:12 pm. Umuwi na kami, hindi na naman tinapos yung Singing Contest.

Habang naglalakad pauwi, kasabay ko si Warren. Nagkukwentuhan kami at nagtatawanan. :”> Patok sa kanya yung mga jokes ko. Ehemeged! At siya, kahit korni yung jokes niya, tuwang tuwa ako. :”>

Ansaya ko talaga ngayon, kahit alam  kong kaibigan lang ang tingin niya sa’kin. :)) Sige na, good nights na . :’*

Diary ng Hopeless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon