March 27, 2013 ♥

384 7 1
                                    

March 27, 2013

Dear Diary,

Dadating daw yung kapatid ni Kuya Jeff. (Kapit-bahay at Family Friend namin) Si Kuya Garry ang kapatid ni Kuya Jeff. May asawa na at dalawang anak. Galing sila ng Quezon Province. Dito rin daw sila sa compound namin titira. May bakanteng bahay kasi dito.

4:17 pm. Dumating na sina Kuya Garry, Ate Ronalyn (asawa ni Kuya Garry), Trixie (panganay na anak nina Kuya Garry at Ate Ronalyn), si Aaron na buhat-buhat naman ni Ate Ronalyn (bunsong anak) at isang lalaki. Sobrang pogi niya. Medyo may hawig siya kay Zayn Malik ng One Direction. Hindi ko siya kilala. Pero narinig k okay Kuya Jeff na kapatid pala ito ni Ate Ronalyn.

Agad-agad akong pumunta sa harap ng computer at nagpost sa 1Directioners Philippines. (Fandom ng One Direction)

“Guys! May new neighbor kami, look a like ni Zayn. Di ko pa nga lang alam ang pangalan.”

Makaraan ang ilang minuto, ang dami ng nagcomment. Na picturan ko daw at itanong ko ang pangalan.

8:06 pm. Nakain ako sa terrace namin. Tanaw-tanaw ko ang mga bagong lipat. Nag-aayos pa din sila ng mga ibang gamit. Hanggang sa narinig kong tinawag ni Kuya Garry si Zayn-look-alike sa pangalang “Ren.” Nakaramdam ako ng sobrang saya sa loob ko. Finally, alam ko na ang pangalan niya. Agad ko naman itong inupdate sa 1Directioners Philippines.

10:57 pm. Nakahiga na ako sa kama ko. Naiisip ko pa din si Ren. Hay.. ang gwapo niya talaga. Hindi siya masyadong maputi. Nakataas ang buhok. Makapal ang kilay. Lean lang ang katawan niya. Mukhang nagbabasketball siya. Tapos nakakatunaw yung dimples niya. Sana talaga makaclose ko siya.

Sige, see you tom na lang. Tulog na tayo mga kaibigan. :)))

Diary ng Hopeless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon