Nagsimula na naman ang araw ni Christian na tila may mabigat na pakiramdam. Mula pa noong huli nilang pag-uusap ni Irene, parang may kumakain sa kanyang isipan. Hindi na ito ang mga karaniwang hiling ni Irene ng pera o ang malamig na tono nito—may mas malalim na dahilan, isang bagay na nagsasabing hindi na tama ang lahat.
Nasa studio si Christian nang bigla niyang marinig ang tunog ng kanyang telepono. Sunod-sunod ang mga mensahe ni Irene. Nagrereklamo ito na kulang na naman ang ibinigay niyang pera, at binabantaang baka maghanap na ito ng iba kung hindi pa siya kikilos.
Napakuyom si Christian, pinipilit na pigilan ang sakit na nararamdaman. Ibinigay na niya ang lahat kay Irene, sinikap niyang pasayahin ito, pero parang laging may kulang. Hindi niya alam kung saan siya nagkulang o talagang hindi lang siya sapat para kay Irene. Pakiramdam niya, unti-unti na siyang nawawala sa isang relasyon na dapat ay nagbibigay ng saya.
Sa kabilang banda, nasa opisina si Vrix, seryosong nakikinig sa secretary niyang si Ben. "Sir, nakapag-background check na kami kay Irene," sabi ng secretary, handing over the documents.
Kinuha ni Vrix ang mga papeles at mabilis na binuklat ito. Pagkatapos ng ilang sandali, nagdilim ang kanyang mukha. Nalaman niya na may ibang boyfriend si Irene, at hindi niya maiwasang magalit. Paano nagagawang saktan ni Irene si Christian ng ganito?
Mabilis siyang nagpigil ng galit, ngunit hindi niya maitatago ang masidhing pagnanais na protektahan si Christian. Kailangan niyang kumilos bago pa lalong masaktan si Christian.
Habang naguguluhan si Christian sa studio, biglang bumukas ang pinto at pumasok si Perlas, magulo ang buhok at halatang galit na galit.
“Sid! Alam mo ba kung gaano kabitch si Irene?” bungad ni Perlas, tila handang lumaban ng isa pang round.
“What happened to you? Para kang nagpagulong sa kalsada!” tanong ni Christian, pilit na binabago ang tono ng usapan, pero alam niyang hindi ito matatapos nang ganoon lang.
Kitang kita ang inis sa mukha ni Perlas na wari mo ay handa talaga itong makipag-away.
“Nakita ko si Irene kanina... at nahuli ko siyang nakikipaghalikan sa ibang lalaki!” galit na kwento ni Perlas. “Syempre, di ako nagpigil. Kinompronta ko siya, tapos nagkasakitan pa kami. Putsa, Sid! Kung di lang ako mapipilayan, baka nadurog ko na ‘yung mukha niya!”
Napakabigat ng mga sinabi ni Perlas sa puso ni Christian. Dati-rati, siguro ay basag na siya, pero ngayon, tila mas handa na siyang harapin ang katotohanan.
“Alam mo, parang hindi na ako nasasaktan gaya ng dati,” malungkot na tugon ni Christian, ngunit may halong determinasyon sa kanyang boses. “Siguro... ready na rin akong bitawan siya, tulad ng gusto niya.”
“Finally, Sid! Don’t be a fool. Alam mong wala na talaga ‘yang si Irene. Hindi siya worth it!” buwelta ni Perlas, nakatitig nang mariin kay Christian, halatang desperado na makita ang kaibigan na maging masaya.
“I will, Ate Pat. I will,” sagot ni Christian, mas mabigat ang loob ngunit alam niya na tama ang gagawin niya.
Habang iniisip ito ni Christian, may isang mabigat na pakiramdam na unti-unti na siyang handang bumitaw, isang desisyon na sa tingin niya’y matagal nang nararapat gawin.
Nang kumalma na si Perlas ay nagpaalam na rin naman itong umuwi. Magkaharap lamang ang condominium building nila kaya naman mabilis lang para sa isa't isa ang pumunta sa condo unit ng isa.
bumuntong hininga si Christian at nagsend ng messages kay Irene.
Naupo si Christian sa isang mesa sa coffee shop malapit sa lugar ni Irene. Kinakabahan siya habang hinihintay ang pagdating ni Irene. Ito na ang araw na kailangan niyang harapin ang katotohanang hindi na talaga sila magkaintindihan. Kailangan na nilang maghiwalay.
Pagdating ni Irene, umupo ito sa harap niya nang walang emosyon. "Hi," bungad niya, malamig at walang gana.
"Irene... kailangan nating mag-usap," panimula ni Christian, pilit na pinapanatili ang kanyang boses na kahit papaano ay matatag pero may halong kaba.
“About what?” tanong ni Irene na para bang alam na niya ang sasabihin ni Christian.
"Tungkol sa atin," sagot ni Christian. "I think it's time we end this."
Sandaling natahimik si Irene bago muling nagsalita, “Alright. If that's what you want.”
Nagulat si Christian sa bilis ng pagsang-ayon ni Irene. "You’re not going to fight me on this?"
"No," sagot ni Irene nang walang pag-aalinlangan. "I'm tired, Christian. The business, the relationship—none of it matters to me anymore. Here," sabay abot ng mga papel. “You can have the business. It’s not that big anyway. It’s yours now.”
Nakatulala si Christian habang iniabot ni Irene ang mga dokumento—ang titulo ng property at lahat ng may kinalaman sa negosyo. Para bang walang halaga ang lahat ng ito sa kanya.
Matapos ang ilang sandali ng katahimikan, naglakas-loob si Christian na magtanong, "Can we still be friends?"
Tumingin si Irene sa kanya, ang mukha’y wala pa ring emosyon. "Our families are friends. It would be weird if we aren't," sagot niya, na para bang isang simpleng bagay lang iyon.
Nakatitig lang si Christian sa mga papel na nasa kamay niya. Hindi siya makapaniwala na ganoon lang kadali para kay Irene ang lahat. Ngunit habang iniisip niya ito, unti-unting bumalot sa kanya ang pakiramdam ng kaluwagan. Sa wakas, malaya na siya.
BINABASA MO ANG
Vrixian: The Missing Piece
RomanceDISCLAIMER: This fanfiction is a work of fiction inspired by the real-life couple Christian and Vrix, collectively known as Vrixian. It is not officially affiliated with or endorsed by them. All characters, settings, and scenarios in this story are...
