Maagang nagpunta si Christian sa studio, umaasang magiging normal ang araw niya. Ilang araw rin siya hindi nakapunta sa studio niya gawa ng offer ng Big Gym at kailangan niyang bumawi. Ngunit habang sinusubukan niyang mag-settle sa kanyang desk, hindi niya maiwasang isipin ang patuloy na pagbabago sa ugali ni Vrix. Minsan, mabait ito at parang wala silang problema, pero sa ibang araw, bigla na lang itong lumalayo at nagiging masungit. Nalilito na si Christian, at hindi niya alam kung ano ang gagawin.
Naiinis na napakamot siya ng ulo niya nang magsalita si Perlas.“Sid, mukhang tahimik ka na naman ngayon ah. Ano na naman ang iniisip mo?” tanong ni Perlas habang nilalapag ang dala niyang kape sa mesa ni Christian.
Nilonhon siya ni Christian, “Wala,” mabilis na sagot ni Christian, pero halata sa kanyang mukha na may iniisip siyang malalim.Minsan talaga ayaw ni Christian na magsalita kay Perlas dahil alam niya ang ugali nito.
“Huwag ako, Sid. I know you." Tumaas ang kilay ni Perlas. "Hindi ka mapakali dahil kay Vrix, no?" Isang nakakalokong ngiti naman ang binigay nito. "Ano ba kasing problema mo?” tinukso ni Perlas, sabay upo sa upuan sa harap ni Christian.
Hindi kaagad nakasagot si Christin. Umiwas siya ng tingin. In the end, he spill it out. “Ewan ko ba, Ate Pat." Napabuntong hininga siya at saka nangalumbaba. "Parang nag-iiba yung trato niya sa akin. Alam mo, yun?"
"Hindi," kaagad na sambit ni Perlas at nakatanggap naman siya nang masamang tingin kay Christian. "Okay, fine. Sige na nga, tuloy mo na."
Christian clicked his tongue. "Minsan, okay kami, tapos bigla na lang siyang nagiging masungit,” sagot ni Christian, puno ng pag-aalinlangan.
Tumaas ang kilay ni Perlas, “Eh, bakit ka naman affected? Ano bang pakialam mo kung masungit siya o hindi?” tanong ni Perlas, habang tinititigan si Christian, parang sinusubukang basahin ang iniisip niya.
Pakiramdam ni Perlas ito ang unang beses na nakita niya si Christian nang ganito.“Hindi ko alam, Ate Pat." Hinilamos naman niya ang kaniyang palad sa kaniyang mukha. "Nakakainis lang kasi. Parang ang hirap niyang basahin. Minsan ang bait niya, tapos bigla na lang parang may pader na namamagitan sa amin,” paliwanag ni Christian, ang frustration ay malinaw sa kanyang boses.
“Alam mo, Sid," Perlas paused and she leaned forward. "Para ka lang teenager kung mag-react. Nasabihan na kita tungkol diyan. Pero dahil ayaw mo makinig, bakit hindi mo na lang siya i-ignore?" Ngumisi ito, "Tingnan natin kung anong magiging reaksyon niya,” suhestiyon ni Perlas habang inaayos ang kanyang buhok.
Christian frowned almost immediately. “Ignore? E paano kung lalo lang siyang magalit?” nag-aalala si Christian, iniisip kung tama ba ang payo ni Perlas.
Tumawa si Christian. "Eto naman si sulsol." Naiiling ito, “Eh di magalit siya. Kung totoo nga ang sinasabi mo, na parang may kakaiba sa kanya, baka magising siya kapag nakita niyang hindi ka na affected. Sige na, subukan mo,” sabi ni Perlas na may mapanuksong ngiti.
“Pero Ate Pat—” nagsimula si Christian, pero agad siyang pinutol ni Perlas.
“Naku, Sid, ang dami mong excuses. Subukan mo lang. Wala namang mawawala sa’yo. Saka baka ikaw lang din naman ang nag-iisip ng kung anu-ano,” sabi ni Perlas habang tinutulak si Christian na kumilos.
Napabuntong-hininga si Christian. “Okay, fine. I’ll try it. Pero kung lalo siyang magalit, kasalanan mo ‘to,” biro niya, na may halong kaba sa puso.
“Nako, kung magalit man siya, ibig sabihin lang niyan, effective ang plano ko,” sabi ni Perlas na may kalokohang ngiti.
Nanatili si Perlas ng ilang oras pa habang nag-aayos si Christian ng mga ibebenta sa gabi. Ang kaniyang mga admin ay may kani-kaniyang gawain kaya naman ang pag aayos sa kaniyang ibebenta ang naiwang trabaho sa kaniya.
Sa sumunod na mga araw, sinubukan ni Christian na i-ignore si Vrix at umasta na parang hindi siya apektado sa pabago-bagong ugali nito. Kung dati’y palagi siyang nakikipag-usap kay Vrix at nagtatanong tungkol sa trabaho, ngayon ay tinatapos na lang niya ang kanyang mga tasks nang hindi masyadong pumapansin sa paligid.
Tuwing lalapit si Vrix para makipag-usap o magtanong, sinasagot ito ni Christian nang maayos pero walang gaanong emosyon. Halatang naiinis si Vrix sa bagong ugali ni Christian, pero hindi ito nagkomento. Sa halip, lumayo si Vrix at naging mas tahimik, na para bang hindi na ito komportable sa presence ni Christian.
Sa sumunod na mga araw, sinubukan ni Christian na i-ignore si Vrix at umasta na parang hindi siya apektado sa pabago-bagong ugali nito. He used to always talk to Vrix and ask about work, now he just finishes his tasks without paying much attention to his surroundings.
This is new to him but he needed to. After all, he wanted to see what his boss would react to.
Tuwing lalapit si Vrix para makipag-usap o magtanong, sinasagot ito ni Christian nang maayos pero walang gaanong emosyon. Halatang naiinis si Vrix sa bagong ugali ni Christian, pero hindi ito nagkomento. Sa halip, lumayo si Vrix at naging mas tahimik, na para bang hindi na ito komportable sa presence ni Christian.
During the lunch break, Christian sat with some co-workers, talking and sharing stories. He couldn't help but look back at Vrix, who seemed quieter than before. He saw Vrix look at him, but immediately looked away.
Ang katrabaho naman na laging kasama ni Christian ay nagtataka sa nangyayari. “Christian, hindi ka ba lalapit kay Sir Vrix? Kanina pa siya tahimik d’yan ah,” tanong ng isa sa mga katrabaho ni Christian, na nag-aalala rin sa kakaibang behavior ni Vrix.
“Hayaan mo siya. Baka busy lang,” sagot ni Christian, pilit na ipinapakitang hindi siya naaapektuhan.
After the break, Christian returned to his desk and worked as if nothing had happened. But inside, he feels a strange tension between him and Vrix. He didn't know how long he could handle this situation, but he knew he had to be strong.
Isa rin sa dahilan ni Christian ay kailangan niya matapos ang design na pinayagan ni Vrix na mapasama sa item. Need niya na matapos na niya ito agad.
When the afternoon came, after a whole day of avoiding Vrix, Perlas suddenly called. "Oh, what news? Is my advice effective?”
“Ewan ko, Ate Pat. Parang wala lang sa kanya. Mas tahimik nga siya ngayon eh,” sagot ni Christian, na medyo nadidismaya.
“Relax ka lang, Sid. Give it some time. Hindi naman agad-agad ‘yan,” paalala ni Perlas. “Pero alam mo, kung hindi man effective, at least nag-effort ka para malaman kung ano ang totoo. ‘Di ba?”
“Yeah, I guess,” sagot ni Christian, ngayon ay napapaisip na rin kung tama ba ang kanyang ginagawa.
“Good. Basta, keep your cool. Tingnan natin kung paano siya mag-react sa mga susunod na araw. Malay mo, baka matulungan ka ng konting distance para malaman mo kung ano ba talaga ang nararamdaman mo para kay Vrix,” sabi ni Perlas na medyo seryoso na.
“Okay, Ate Pat. Thanks. Pero next time, pwede bang wag na tayo mag-bicker? Nakakapagod eh,” pabirong sabi ni Christian, pero halatang nabawasan na ang kanyang kaba.
“Sus, kaya mo ‘yan, Sid. Ang drama mo masyado. Basta tandaan mo, huwag kang masyadong magpa-apekto. Sa love, kailangan minsan may mind games din,” sabi ni Perlas bago nila tinapos ang usapan.
Habang tumatagal ang araw, patuloy si Christian sa kanyang plano na i-ignore si Vrix. Ngunit habang ginagawa niya ito, hindi niya maiwasang mapansin na parang unti-unting nagiging distant si Vrix. Hindi na ito kagaya ng dati na madalas siyang kausapin o tulungan sa mga gawain.
A few more days passed, and while Christian tried to ignore the change in Vrix, he also gradually realized that their old closeness was disappearing. Minsan, pinipilit ni Christian na i-ignore ang pakiramdam na ito, pero mas lalong lumalalim ang kanyang pagkalito.
Pagdating ng gabi, iniisip ni Christian ang mga nangyari sa araw na iyon. “Bakit nga ba ako affected ng ganito?” tanong niya sa sarili, na parang hindi na maintindihan ang sariling damdamin.
![](https://img.wattpad.com/cover/374930852-288-k856627.jpg)
BINABASA MO ANG
Vrixian: The Missing Piece
RomansaDISCLAIMER: This fanfiction is a work of fiction inspired by the real-life couple Christian and Vrix, collectively known as Vrixian. It is not officially affiliated with or endorsed by them. All characters, settings, and scenarios in this story are...