Chapter 10: Shifting Tides

193 7 0
                                        

Sa mga sumunod na araw, naging cycle ang pagbabago-bago ng ugali ni Vrix. Dahil dito, hindi na alam ni Christian kung ano ang magiging reaksyon niya. Minsan, tatawagan niya si Christian at makikipag-usap nang maayos. Pero kapag sumagi sa isip niya ang girlfriend ni Christian, bigla siyang nagiging malamig at may distansya. Alam niyang hindi ito tama, pero hindi niya alam kung paano mapipigilan ang sarili.

"Sir Vrix, may problema ba tayo?" minsan tanong ni Christian, halatang hindi na rin mapakali sa kakaibang ikinikilos ni Vrix.

"Wala, busy lang ako," sagot ni Vrix, pero alam niya sa sarili niya na hindi iyon ang totoo. Pilit niyang itinatago ang tunay na nararamdaman dahil sa takot na baka masira ang kung anumang mayroon sila ngayon.

Sa puntong iyon, nararamdaman na rin ni Christian ang kakaibang tensyon sa pagitan nila ni Vrix. Hindi niya alam kung may nagawa ba siyang mali o kung ano ba talaga ang nangyayari. Pero sa kabila ng lahat, nagkakaroon na rin siya ng pagdududa tungkol sa kanyang nararamdaman. Minsan, naiisip niya kung bakit ganito ang nararamdaman niya para kay Vrix, lalo na kapag magkasama sila at biglang nagbabago ang mood ni Vrix.

Sa kabila ng lahat ng ito, patuloy pa rin ang pakikibaka ni Vrix sa kanyang damdamin. Alam niyang kailangan na niyang magdesisyon. Pero paano kung mali ang magiging desisyon niya? Ito ang tanong na paulit-ulit na bumabagabag sa kanya, araw-araw.

Ang bawat araw na lumilipas ay nagiging mas mahirap para kay Vrix. Pero alam niyang hindi siya pwedeng magpatuloy sa ganitong sitwasyon. Kailangang may magbago—kailangan niyang harapin ang tunay niyang nararamdaman, anuman ang kahinatnan nito.

At sa bawat araw na lumilipas, nararamdaman niyang papalapit na siya sa puntong kailangan niyang magdesisyon. Sa ngayon, alam niyang hindi na siya pwedeng magpatuloy sa ganito. Kailangan niyang magpakatotoo—sa sarili niya, at kay Christian.

Inis na umupo si Christian at nagalumbaba. He couldn’t shake the uneasy feeling in his chest. For some unknown reason, hindi talaga siya mapakali. For the past week, Vrix had been acting strange—one moment warm and friendly, the next cold and distant. This erratic behavior left Christian confused and questioning whether he had done something wrong. Kaunti na lamang ay masasapak na niya ito. He had tried to push the thoughts away, but they kept creeping back, gnawing at him.

Lagi na lamang kasi sinasabi ni Vrix na busy lamang siya at nakikita rin naman ito ni Christian ngunit minsan talaga iba ang nararamdaman ni Christian.

One morning, Christian decided to call Perlas, who he fondly called Ate Pat, to vent his frustrations. Hindi niya ito totoong kapatid ngunit parang kapatid na rin ang turing nila sa isa’t isa. They are the definition of not related by blood but they are siblings.

As soon as she picked up, she didn’t waste a moment. She started to speak up without filter in her mouth.

“Ate Pat…”

"Sid, you sound off. Ano na naman ang nangyari?" Perlas asked, her tone both concerned and teasing.

Alam ni Perlas na may something talaga sa tono pa lamang ng kaibigan.

Christian sighed deeply, “Ate Pat, I don’t know what’s going on with Vrix.” Sumandal si Christian sa kaniyang swivel chair. “Minsan okay kami, then out of nowhere, parang nagbabago siya. Parang biglang may wall between us.”

His tone is full of frustration na hindi maintindihan ni Perlas. "Did you do something stupid again?" she quipped, not missing a beat.

Alam niya na minsan para talagang tanga itong kaibigan niya kaya naman hindi na rin siya nagtataka na may magawang kung ano ito sa harap ni Vrix.

"Hey! I didn’t do anything. I mean, at least I don’t think so," Christian defended, though he wasn’t entirely sure himself.

Perlas chuckled on the other end of the line. "Ang obvious mo minsan, Sid.” Umiiling iling ito, “Maybe he's just going through something. Baka stressed sa work or baka may personal issue siya. Give him space pero wag mong hayaang malayo siya ng sobra."

Vrixian: The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon