Part 17 🔞

1.9K 40 3
                                    

---AIAH

Maaga akong natapos sa trabaho ngayon. May ilang mga meeting pa sana akong kailangan asikasuhin, pero pinasa ko na ang mga iyon kay Cole. Yes, si Cole, bumalik ulit sa office at ngayon ay partner na siya ng company ko. Dahil nasa vacation leave si Ms. Recalde, ang secretary ko, malaking tulong ang pagbabalik ni Cole para maibsan ang workload ko.

Naisip ko na since wala akong ibang gagawin, magtutungo na lang ako sa shop ni Mikha para sorpresahin siya. Wala namang espesyal na okasyon, pero gusto ko lang makita ang ngiti niya pagdating ko nang hindi niya inaasahan.

Pagdating ko sa shop, bumati sa akin ang mga staff. "Good afternoon, Ms. Arceta," sabi nila sabay ngiti. Binalik ko ang kanilang pagbati ng isang matamis na ngiti.

Agad kong tinanong ang isang staff na naka-assign sa cashier. "Asan ang pogi mong boss?" biro ko, habang tumingin ako sa kanya.

Nagulat ako sa reaksyon ng staff. "A-e... nasa o-office niya po," sagot niya, utal-utal, sabay kagat sa kanyang mga daliri. Tila may kaba sa kilos niya, pero hindi ko na iyon pinansin. Baka pagod lang o may iniisip. Diretso na akong naglakad papunta sa opisina ni Mikha.

Nakaawang ang pinto ng office niya, kaya dire-diretso na akong pumasok. Ngunit sa pagtulak ko ng pinto, para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko.

Si Mikha... may kasamang babae sa loob. Nakaupo ito sa mesa niya, masyadong malapit... halos magkadikit na ang kanilang mga katawan. Sabay silang humahaling habang nakapatong ang hubad na katawan ng babae kay mikha.

Hindi ko alam kung paano ako makagalaw sa sandaling iyon, para bang nabalot ng kaba ang buong katawan ko. Nakaramdam ako ng panginginig. Tila bumagal ang oras.

Pinilit kong pumikit at huminga nang malalim, ngunit bumalik sa akin ang imahen nila, mas malinaw at mas masakit.
.
.
.
.
.
Nightmare:

.

Bigla akong napabalikwas mula sa pagkakatulog, hingal at pawis na bumabalot sa buong katawan ko. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako habang nasa meeting. Ang bigat ng dibdib ko, parang hindi ko maalis ang kaba na nararamdaman ko. Sa panaginip, nakita ko si Mikha... at may ibang kasama.

“Hindi totoo 'yun... hindi totoo,” bulong ko sa sarili ko habang sinusubukang pakalmahin ang sarili. Nakatingin ako sa paligid, bumalik ang realidad. Nasa opisina ako, hindi sa shop. Ngunit hindi ko mapigil ang takot at kaba na dulot ng panaginip.

Bumalik ako sa pagkakaupo at pinilit mag-focus sa trabaho, ngunit ang imahe ng nakita ko sa panaginip ay patuloy na bumabalik sa isip ko. Ano nga ba ang nangyayari kay Mikha ngayon?
---

Pagkatapos kong magising mula sa nakakatakot na panaginip, hindi ako mapakali. Hindi ko matanggal sa isip ko ang nakita ko—si Mikha at ang babae sa opisina niya. Kahit alam kong panaginip lang iyon, parang totoo ang lahat, at hindi mawala ang bigat sa dibdib ko.

Kinuha ko agad ang cellphone ko at tinawagan si Mikha. Kailangan kong malaman na okay siya, na ang lahat ng iyon ay hindi totoo.

“Hello, Babii?” sagot niya sa kabilang linya, masaya ang boses niya. “Uy, bakit bigla kang tumawag? May nangyari ba?”

Huminga ako nang malalim, pilit na pinapakalma ang sarili ko. “Wala naman, gusto lang kita kamustahin. Okay ka lang ba diyan sa shop?”

“Okay naman. Wala namang ganap. Busy lang kami rito,” sagot ni Mikha. “Bakit parang aligaga ka? May problema ba?”

"Ha? Wala, Babii. Gusto lang kita marinig," sabi ko, pilit na pinapakalma ang boses ko para hindi niya maramdaman ang takot at kaba na nararamdaman ko. "Na-miss lang kita."

Narinig kong tumawa siya nang mahina. "Miss mo agad ako, ha? Nasa work ka pa, hindi pa kita masusundo. Pero don’t worry, mamaya magkikita rin tayo."

“Oo nga, excited na nga ako,” sagot ko, pilit na pinapawi ang mga alalahanin mula sa aking panaginip. Pero kahit naririnig ko ang boses ni Mikha, hindi pa rin nawawala ang kaba sa puso ko.

"Basta, Babii, ingat ka diyan ha?" dagdag ko, mas malumanay pero ramdam pa rin ang pag-aalala sa boses ko. "I love you."

“I love you too, Babii. Mamaya na lang, okay? Huwag kang mag-alala, nandito lang ako,” sagot niya bago kami magpaalam.

Pagkatapos ng tawag, pinilit kong bumalik sa trabaho, pero hindi ko pa rin matanggal sa isip ko ang panaginip.

---

"Kalma, Aiah. Wag praning," bulong ko sa sarili ko habang tumitig ako sa aking reflection sa salamin. “Hindi na kayo gaya ng dati na sa kama lang umiikot ang relasyon. Iba na ngayon. Iyong-iyo na siya,” paulit-ulit kong sinabi para kumbinsihin ang sarili ko.

Sa totoo lang, hindi ko maikakaila na noong una, ang lahat ng sa amin ni Mikha ay libog lang. Galing siya sa mga relasyong walang patutunguhan, at ako naman, nahulog agad kahit alam kong hindi siya seryoso. Para bang hindi buo ang relasyon namin, puro init lang pero walang direksyon.

"Ngayon, iba na. Mahal ka niya, hindi lang dahil sa sex na atraksyon, kundi dahil sa kung sino ka." Pinilit kong ngumiti, pilit na inaayos ang takbo ng isip ko. "Hindi na siya ang dating Mikha na naglalaro lang.

Pero kahit anong ulit ko sa mga katagang iyon, naroon pa rin ang konting alinlangan. Yung takot na baka bumalik siya sa dati. Nakatatak pa rin sa isipan ko ang mga oras na iniisip ko kung sino ang kasama niya kapag hindi kami magkasama.

Huminga ako nang malalim, sinubukang ibalik ang kontrol sa mga iniisip ko. Hindi ko dapat hayaang sirain ng takot at insecurities ang relasyong namin.

"Kaya mo 'to, Aiah," bulong ko, “magtiwala ka sa kanya. Hindi na siya gaya ng dati. Mahal ka na niya nang totoo.”

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at kinuha ang bag ko. Magsusurpresa ako kay Mikha sa shop, para mapawi ang mga walang basehang takot na bumabalot sa akin. Gusto kong makita ang mga mata niya, yung totoo at mapagmahal na tingin na palagi niyang ibinibigay sa akin. Iyon ang magpapaalala sa akin na ako lang ang mahal niya.
.
.
.
.
----------

Sasaktan ko si Aiah sa next page .😂😂😂

🔞 Water Lilies ( MIKHAIA ) 🔞Where stories live. Discover now