---Naisip kong magsurpresa kay Mikha sa shop niya, kaya diretso na akong pumunta doon. Alam kong busy siya, pero gusto kong makita ang reaksyon niya kapag bigla akong dumating nang walang pasabi. Para akong na-excite bigla sa ideya.
Pagkadating ko sa shop, bumati sa akin ang mga staff gaya ng dati. "Good afternoon, Ms. Arceta!" bati nila nang may ngiti.
"Good afternoon din," sagot ko, sabay ngiti pabalik. "Nandiyan ba si Mikha?" tanong ko agad.
"Opo, nasa office niya po," sagot ng isang staff.
Agad akong nagtungo sa opisina ni Mikha. Ini-expect ko na ako ang magugulat sa kanya, pero ako pala ang masosorpresa. Pagbukas ko ng pinto, nandoon siya, nakaupo sa kanyang mesa, abalang-abala sa mga papel. Tumayo siya nang makita ako, may ngiting hindi ko mawari kung bakit mas malalim at espesyal kaysa sa dati.
"Babii! Anong ginagawa mo dito?" tanong niya, halatang masaya sa pagdating ko.
"Surpresa sana, pero parang ako ang nasorpresa," sagot ko, may halong biro habang lumalapit sa kanya. Akala ko ay normal lang ang araw na ito, pero ramdam ko na parang may kakaiba sa mga mata niya.
Bigla siyang lumapit sa akin, hawak ang kamay ko, at sabay lumuhod. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi agad pumasok sa utak ko kung ano ang ginagawa niya. Para akong natulala, at parang bumagal ang oras sa paligid.
"Aiah," sabi niya, mas seryoso kaysa dati, ngunit naroon pa rin ang init ng pagmamahal sa boses niya. "Gusto kong malaman mo na mula sa umpisa pa lang, ikaw ang gusto kong makasama. Alam kong maraming pinagdaanan tayo, pero ito ang sigurado ako-hindi na kita pakakawalan. Gusto kong makasama ka habang-buhay."
Hinugot niya mula sa bulsa ang isang maliit na kahon. Nang buksan niya ito, lumiwanag ang mukha ko sa nakita-isang simpleng napakagandang singsing.
"Mariah Queen Arceta, will you marry me?" tanong niya, mga mata niyang puno ng pagmamahal, na parang hinihintay ang sagot na matagal na niyang inasam.
Para akong nawalan ng boses. Sa dami ng iniisip ko kanina, sa takot at pangamba, hindi ko inasahan na ito pala ang magiging sorpresa ng araw ko. Unti-unting bumalot sa akin ang init ng tuwa at kilig, at walang alinlangan na sinabi ko.
"Yes, Babii... I will marry you!" sagot ko, sabay luha ng kaligayahan habang niyayakap ko siya nang mahigpit.
Tumayo agad ito at sinuot ang singsing sa daliri ko, ang mga ngiti sa kanyang labi ay hindi mawala,"Sa wakas ikaw at ako babi habang-buhay, sabi nito at humalik saking labi.
Hindi ko naman mapigilan ang pag-iyak," Ikaw tlaga Mikhalim nakakarami kana ng pakilig, sabi ko dito habang pinupunasan nito ang mga luha ko.
"I LOVE YOU BABI, sabi nitong malambing na tono.
" I LOVE YOU TOO BABI, respons ko dito at hinalikan muli ito sa mga labi niya.
Nagtawanan kaming dalawa, Sa loob ng opisina niya, doon ko na-realize-lahat ng takot ko ay walang basehan. Mahal ako ni Mikha nang higit pa sa kaya kong sukatin, at ito ang patunay ng pagbabago at pagmamahal niya sakin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
YOU ARE READING
🔞 Water Lilies ( MIKHAIA ) 🔞
Romance"AHh~~ bilis , baka maabutan tayo ! "I'm coming baby ~~~