Part 19 🔞

1.7K 43 3
                                    

AIAH POV
---

Isang buwan na ang lumipas mula nang mag-propose si Mikha sa akin. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na magkakasama na kami habambuhay. Parang kailan lang, ang relasyon namin ay puro takot at mga tanong-ngayon, puno na ng pag-asa at kasiguraduhan ang bawat araw.

Isang magandang balita pa ang nagpadagdag sa saya ko. Pirmado na ni Jeremy ang annulment namin. Wala na, tapos na ang lahat sa pagitan namin. Hindi na muling nagpakita si Jeremy pagkatapos ng ginawa niyang pag baril kay Mikha. Para bang nawala siya sa buhay ko tulad ng hangin-

Nang matanggap ko ang mga dokumento, halos mapaluha ako sa tuwa. Ito na, ang kalayaan na matagal ko nang hinahangad. Wala na ang kadena ng nakaraan, wala na ang madilim na anino ni Jeremy sa bawat hakbang ko. Tapos na ang mga araw ng takot at pangamba, tapos na ang pagkakakulong sa isang relasyong puno ng sakit at kasinungalingan.

Sa wakas, magbabago na ang lahat.

Ngayon, nasa akin na ang kalayaan-isang kalayaang hinding-hindi ko naranasan noong kasama ko si Jeremy. At higit sa lahat, ang kalayaan ko ay mapapalitan na ng isang maliwanag na hinaharap. Isang hinaharap kasama si Mikha, ang taong nagpabalik ng tiwala ko sa pag-ibig.

Sa tuwing iniisip ko si Mikha, hindi ko maiwasang ngumiti. Siya ang liwanag sa lahat ng naging madilim kong nakaraan. Hindi ko kailanman inakala na magiging ganito kasaya ang buhay ko, pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko kay Jeremy. Ngayon, malaya na ako-at higit sa lahat, malaya akong magmahal muli, ng buong puso at walang takot.

Ang mga araw na darating ay hindi na tungkol sa nakaraan, kundi sa bagong simula. Kasama si Mikha, magsisimula kami ng bagong buhay. Malayo sa anino ng sakit, at malapit sa liwanag ng pagmamahalan.

Ff.

Bumaba na ako sa lobby, para antayin si Mikha. Dahil araw araw ako nitong sinusundo sa office.

Nang makita ko si Mikha na may malaking ngiti sa kanyang mukha, hindi ko na kayang itago ang emosyon ko.

"Babii, I have a surprise!" Sabay abot ko kay Mikha ang dokumento.

Tumingin siya sa akin, tila naguguluhan, at agad niyang binuksan ang dokumento. Nakita ko sa mga mata niya ang tuwa at pagkabigla.

"Ano ba to?" Tanong niya, at kitang-kita ko ang saya sa kanyang mga mata habang binabasa ang mga nilalaman ng dokumento.

Isang malakas na sigaw ang binitawan ni Mikha at agad niya akong kinuha sa mga kamay niya at inikot-ikot sa sobrang saya. "Yessss!! Finally, you are mine, Ms. Ariah Lim!" sigaw niya, at sa pagkakataong iyon, para kaming dalawang nawalan ng direksyon.

"I can't wait na makasal tayo Ms.Mariah Queen Arceta Lim, sabi nitong nakatitig lamang sakin at nakangiti.

Lahat ng mata sa paligid ay nakatingin sa amin, pero sa sandaling iyon, wala akong pakialam.

"MIKHALIM, IBABA MO AKO! PISKIT KA, NAHIHILO AKO!" sigaw ko, sabay sabing masakit na ang tiyan ko sa kakatawa."Sorry babi, masaya lang ako," sabi niya, sabay ngiti na ikinangiti ko rin.

Binaba ako ni Mikha sa pagkarga nito sakin. Habang tawa kami nang tawa, nakita ko kung gaano siya kasaya, at ganoon din ako. Hindi ko kayang itago ang saya ko,

"Okay na, Mikha, masakit na ang tiyan ko kakatawa!" pabiro kong sagot, at hinatak ko siya papalabas ng pinto.

"Tara na nga! Pinagtitinginan na tayo dito oh!" Hinatak ko siya, sabay tawa kami habang tumatakas mula sa mga titig ng mga tao.

-----------

As I made my way into the building, a familiar face caught my eye-Cole, walking in with Maloi by his side. Their easy smiles seemed to lighten the tense atmosphere I had been carrying.

"Bro! Magaling ka na ba? Kamusta ka na?" Cole's voice rang out, and before I knew it, he had his arm around my shoulders, his gesture full of warmth and camaraderie.

I smiled, nodding slightly. "Ayos na 'ko. Sana tuloy-tuloy na 'to," I replied, my tone hopeful.

We exchanged a look that needed no further words. There was an unspoken understanding between us, a momentary pause in the chaos that surrounded our lives. But it was fleeting, just like everything else these days.

"Oi! Sabi ikakasal kana Mikhalim, hirit naman ni Maloi, Congratulations in Advance Ms.Arceta maam, dagdag nito.

Sabay naman kaming nakangiting nag response kay Maloi," Wait-wait---bakit kayo magkasama.? Mikha said at takang taka,"and you are supposed to be in a vacation dba ??. Dagdag nito.

"Ah---bro! Mauna na kami ha? Madami pako gagawin sa office eh, bye Aiah, bye Jade. Pag-iwas nito sa tanong ko.

"Siraulo yun ah! Mikha said, at nag tinginan nalang kami sabay tawa.

.
.
.
.
..
.

PAPATAYIN KO NABA SILA ?😂

🔞 Water Lilies ( MIKHAIA ) 🔞Where stories live. Discover now