Part 20 🔞

1.8K 39 1
                                    

--- WEDDING ---

Dumating na ang araw ng aming kasal ni Mikha-ang araw na matagal na naming pinangarap

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dumating na ang araw ng aming kasal ni Mikha-ang araw na matagal na naming pinangarap. Puno ang simbahan ng mga mahal namin sa buhay. Kasama namin si Cole, na tumulong sa amin noong panahon ng pagsubok, at si Maloi, na naging parti din ng buhay ni Mikha kahit may mali sa nakaraan nila.

Habang naglalakad ako patungo sa altar, hindi ko maiwasang mapansin ang saya sa mga mukha ng mga tao, lalo na kina Cole at Maloi. Nasa kanila rin ang parehong ngiti na nasa amin ni Mikha-yung tipong alam mong nahahanap na nila ang taong makakasama nila habang buhay.

Pagdating ko sa altar, tiningnan ko si Mikha. Ang mga mata niya ay punong-puno ng pagmamahal, at habang hawak niya ang kamay ko, ramdam ko ang init at katiyakan na ang lahat ng pinagdaanan namin ay sulit.

"Babii, ang ganda mo," bulong ni Mikha, hindi maitatago ang saya sa kanyang mukha.

Ang seremonya ay dumaan na puno ng damdamin. Nang palitan namin ang mga pangako, ramdam na ramdam ko ang bawat salitang binibitawan niya. "Sa hirap at ginhawa," sabi ni Mikha, "pipiliin kitang mahalin araw-araw."

"At ako," sagot ko naman, "ay pipiliing manatili sa tabi mo, mamahalin ka ng buong puso, at ipagmalaki ka sa lahat ng oras."

Priest:

"Ikaw, Mikha Jade Lim, tinatanggap mo ba na maging-" Hindi pa natatapos ang pari sa pagsasalita nang biglang sumagot si Mikha nang malakas, "I DO, FATHER! I DO!"

Napakunot ang noo ng pari at ngumiti, pabirong sinabi, "Teka lang, iho! Masyado ka namang nagmamadali, hindi pa ako tapos magsalita."

Nagtawanan ang lahat, habang ako naman ay napakurot kay Mikha sa tagiliran, napapailing pero natatawa rin.

Sa huli, nagpatuloy ang pari, "And now, I announce you, Mr. and Mrs. Lim!"

Tumingin ang pari kay Mikha, sabay biro, "This is it, iho, you may now kiss your bride."

Si Mikha, sa kanyang tipikal na masayang ugali, biglang yumuko at hinagkan ako ng mabilis at malambing, na naghatid ng panibagong tawanan sa mga bisita.

"Ms.Mariah Queen Arceta Lim, i can't wait sa honeymoon natin, bulong nito at Kumindat.

Hindi ko naman mapigilan ang matawa at biniro ko itong,"gusto ko 50 rounds, napagak labi naman itong nakatingin sakin.

"MABUHAY ANG BAGONG KASAL!!! Sigaw ng mga bisita, habang naglalakad na kami palabas ng simbahan.
.
.
.
.
.


RECEPTION


Matapos ang kasal, lahat kami ay nagtipon sa reception. Masaya ang lahat, may tawanan, at may halong lambingan sa bawat sulok. Si Cole at Maloi ay magkatabi, at halata ang saya at lambing sa mga kilos nila. Parang kami ni Mikha noong una kaming nagsimula-puno ng excitement, kalibogan at pagmamahal.

Habang nagtatawanan kami ni Mikha, biglang tumayo si Cole at tinawag ang atensyon ng lahat.

"Ehem, ehem," sabi ni Cole, nagpapansin sa mga bisita. "Gusto ko lang magpasalamat kay Mikha at Aiah sa pag-imbita sa amin. Pero... may isa pa akong nais gawin."

Nagkatinginan kaming lahat, at napangiti si Maloi, halatang kinakabahan.

Bigla na lang lumuhod si Cole sa harapan ni Maloi, hawak ang isang maliit na kahon. "Maloi, alam ko na hindi tayo palaging magkasama, pero mula nang makilala kita, alam kong ikaw ang gusto kong makasama habang buhay. Will you marry me?"

Nagtawanan ang lahat, at halos magulat si Maloi, na hindi makapagsalita sa tuwa. "Oo, syempre!" sagot niya, at yumakap kay Cole habang umiiyak sa saya.

Nagtawanan at nagsaya ang lahat, habang pareho kaming tumayo ni Mikha at pumalakpak para sa bagong engaged couple.

---

Sa gabing iyon, habang magkasama kaming sumasayaw ni Mikha sa ilalim ng mga ilaw, tinitingnan ko si Cole at Maloi, na masaya ring nag-uusap at nagpaplano na ng kanilang hinaharap.

Sa gabing iyon, habang magkasama kaming sumasayaw ni Mikha sa ilalim ng mga ilaw, tinitingnan ko si Cole at Maloi, na masaya ring nag-uusap at nagpaplano na ng kanilang hinaharap

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Parang hindi ako makapaniwala sa lahat ng nangyari. Hindi lang namin nahanap ni Mikha ang isa't isa, pati na rin sina Cole at Maloi. Nagsimula ang gabi sa isang kasal, at natapos sa isang bagong engagement. Parang lahat ng kwento namin ay nagsama-sama sa isang masayang wakas.

Habang yakap-yakap ako ni Mikha, bumulong siya, "Babii, ngayon, masaya na ako. Hindi lang dahil sa atin, pero dahil pati sina Cole at Maloi, nakita na rin nila ang kanilang forever."

Ngumiti ako, at hinaplos ko ang pisngi niya. "Oo, Babii. Tapos na ang lahat ng mga pagsubok natin. Ito na ang simula ng ating masayang buhay-kasama ang mga kaibigan natin, at ang pagmamahal na walang hanggan."

"Kasama naba ang pagiging daddy at mommy natin babi,? Malanding sabi nito ng nakangiting nakakaloko.

"Kahit isang basketball team pa babi, bsta ikaw dapat kayanin mo ang 50 rounds, pabiro kung sabi dito at nagtawanan nalang kami.
.
.
.
.
.
.
.
.

---------------------------------

Sana ikaw ikasala nadin 😂😂😂😂

🔞 Water Lilies ( MIKHAIA ) 🔞Where stories live. Discover now