Prologue

465 5 0
                                    

Alas singko palang ng umaga gising na ako para maghanda ng makakain namin. Inayos ko na rin ang mga gagamitin ko para sa trabaho.

"Bess, wala ka bang plano na ipaalam sa kanya na may anak kayo?"

Napalingon ako, si Alice pala.
Kailangan pa ba? Masaya naman na kami eh, kahit papaano nabibigay ko ang gusto ng mga anak ko.

"Ali, hindi naman na  niya kailangan malaman eh"

Mag isa kong tinaguyod ang anak ko. Akin lang ang anak ko at hinding hindi nya malalaman na may anak sya.

"Paano pala kung isang araw magkita kayo or makita nya si Alex?"

"Hindi nya makikita kasi gagawin ko ang lahat para di sila magkita."

"Mauna na akong umalis ah" paalam nya sa akin.

"Mag-ingat ka ah"

Kami lang ng anak ko ang magkasama dito minsan kasama namin si Alice kapag naisipan nya na dito matulog.

Since alas otso pa pasok ko, ginising ko na yung anak ko para makapag almusal na. Hinding hindi maipagkakaila na kanya itong anak. Lahat nakuha ng tatay nya. Hinalikan ko muna sya sa noo bago ginising.

"Nak" malumanay kong saad

"Nak, wake up na po. Si Mr. Sunshine nag pakita na"

Unti unit nyang dinilat ang mga mata nya.

"Good morning nay!"

Masigla nyang bati sa akin

"Good morning too baby ko"

"Liligpit ko po muna ito nay"

Apat na taon palang si Xander tinuturuan ko na sya ng nga bagay na pwede nya ng matutunan. Gaya ng simpleng pagpatunonh nitong mga unan na nagamit  nya.

"Very good talaga ang baby ni nanay na yan, halika nga dito kikiss ka ni nanay" paglambing ko sa kanya

"Nanay hindi pa po ako nagtoothbrush, amoy panis na laway pa po ako" sambit nya sabay takip ng bibig.

"Naku ito talagang anak ko, ayaw mo na ba ng kiss ko?" Kunwaring pagtampo ko

Lumapit sya sa akin sabay halik sa pisngi ko.

"Ay oo nga amoy panis na laway ang baby na yan"

"Nanay naman"

"Syempre biro lang anak,  halika nga dito at yayakapin ka ni nanay"

Lumapit naman sya sa akin.

"Lagi mo tandaan na mahal na mahal ni nanay" malambing na saad ko

"Mahal din po kita nanay"

"Oh sya tara na mag almusal at may pasok ka pa diba"

Tumayo na sya at pumunta sa lalagyan nya ng towel. Inayos nya na rin ang damit na susuotin nya. Mga ganitong bagay ay maasahan na talaga sya.

"𝑇𝑎𝑎𝑎ℎℎℎ𝑜𝑜𝑜𝑜𝑜𝑜𝑜!"

Rinig kong sigaw nung magtataho sa labas.

"Nay, i want taho po" magalang nyang sambit.

"Sige, wait mo dyan si nanay at bibili ako"

Bumaba na nga ako para bilhan sya ng taho. Every morning nakahiligan nya ng magpabili ng taho.

"Manong isang tig sampu nga po"

"Para ba ito kay alex?" Pagtanong nya

"Opo, sarap na sarap nga po sya sa taho nyo" masigla kong saad

"Matamis kasi, ganun siguro kapag mga bata mahilig sa matamis"

Inabot ko na kaya manong ben yung bente.

"Thank you po manong!"

"Byee manong bukas po ulit" sigaw ni xander sa may bintana

Kumaway lang sa kanya si manong. Umakyat na ulit ako para makapag almusal na kami

"Yeheey, i have taho!"

Masigla nyang sambit sabay may pagtalon pa.

"What well you say to nanay?"

"Thank you nanay!"

Masigla nya pang saad.

"Always welcome anak" saad ko sabay abot nung taho nya

Tahimik lang kaming kumakain ng magsalita si xander.

"Nanay, bakit po kailangan habulin yung taho kapag nakalayo na?"

"Kasi nak baka gusto mga bumili" sagot ko

"Eh bakit po kapag umaga lang sya nagtitinda, hindi po ba pwedeng sa gabi magtinda din ng taho?"

"Kasi sa gabi nak, balot yung tinitinda and may mga taho naman na tinitinda sa mall nga lang" pag explain ko dito.

ang bata bata pa nito may ganyan ng nalalaman.

"Im done na po nanay"

"Brush na ng teeth"

Umalis na sya sa upuan nya at pumunta na sa CR. Nasa kindergarten na si Xander at dun din ako nagtratrabaho.

Ganitong buhay lang ang gusto ko. Malayo sa problema. Wag sanang magkrus ulit ang landas namin ni Salazar dahil gagawin ko ang lahat wag lang mapasakanya ang anak ko. 

I'm Blythe Elizabeth Falcon, at the young age nag kaanak na at gagawin ang lahat wag lang syang makuha sa akin ng isang Astor Everett Salazar.

Everett Salazar (Troupe of Taguan ng Anak Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon