After nung dinner kasama ang pamilya ni Elizabeth hindi na ulit ako umuwi pa sa bahay.
Pinahahanap ko na din sila. Kung sakali man na ako ang ama nung pinagbubuntis noon ni Elizabeth, gagawin ko ang lahat makuha lang sila ulit.
"Akala ko ba hindi na hahanapin pa?!" Parang nang aasar na tanong ni Charles
"Hindi pwedeng hindi" seryoso kong sagot.
"Five years na ang nakalipas, sa tingin mo tatanggapin ka pa n'ya?"
Napalingon ako sa nagsalita si Spencer pala. Minsan hindi ko alam kung tao ba mga ito, nasulpot na lang dito sa opisina ko.
"Wala ba kayong opisina at andito kayo lagi nakatambay?" naiinis ko na tanong
" Change topic ah!" Nakangising saad ni Charles
"Gagawin ko ang lahat para bumalik s'ya sa akin"
"Nice" nakangisi nilang saad
Kung meron man s'yang asawa, ayos lang edi aagawin ko sya. Kasi unang una akin si Elizabeth.
Mahanap lang kita, hinding hindi na kita pakakawalan pa Elizabeth.
..............
Dahil walang pasok andito ako sa bahay magkasama kami ngayon ni Xander.
Nag aayos ako ng mga gamit nila nung may kumatok sa pinto."Nanay may tao po, pagbubuksan ko po ba?" rinig na tanong sa akin ni xander
Lumabas muna ako para ako na magbukas, baka mamaya masamang tao pala ito makuha pa yung anak ko.
Nasa sala kasi s'ya nanonood." si mama na lang anak" sagot ko sa kanya tsaka pumunta sa pinto at pinagbukas pero halos takasan ako ng lakas dahil sa nabungaran ko.
"Its been a while Blythe" nakangisi nya pang saad sa akin.
Hindi ito maari. Paano nya kami nahanap? May tumulong ba sa kanya or may nagsabi.
"Hindi mo man lang na ako papasukin sa bahay mo?" Tanong nya sa akin, kumunot ang noo ko at nagpalinga linga baka kasi kasama nya si Everett.
"Kalma, di ko kasama si Salazar" parang nang aasar nya pang saad
"Paano mo nalaman na andito ako" tanong ko sa kanya
"Pwede ba papasukin mo muna ako"
"May anak ka na pala"
Hindi ko alam kung patanong yun or what.
"Nanay, sino po s'ya?"
Hindi ko namalayan na katabi ko na pala yung anak ko.
Napabilang ang tingin nya sa anak ko at halata sa mukha nito ang pagkagulat.Kung sakali man na sabihin nya ito kay Salazar, sinisigurado ko pagbubuhulin ko silang dalawa.
"Manghihinge daw yan nak ng malunggay kaso wala naman na tayong malunggay kasi diba pinutol na ni nanay " rason ko, hindi nya pwede malaman na kaibigan ito nung tatay nya
" Nanay diba po sabi mo bad ang nagsisinungaling"
Napabuga na lang ako, ito ang mahirap sa anak ko eh. Alam na alam kung nagsisinungaling ako o hindi.
"Sorry anak, kaibigan kasi yan nung tatay mo eh" saad ko sabay iwas ng tingin
" Sorry po Mister pero wala po kaming malunggay, kay aling maria po meron madami po dun"
Ehh? Anyare sa anak ko. Napatingin sa akin si Elliot sabay ngisi.
"Ang creepy nyo po magsmile" singit pa ni xander
Gusto ko na matawa kaso nasa harap ako nitong anak ko.
"Di makakaila anak yan ni Salazar"
Sinamaan ko s'ya nang tingin. Kung ano ano lumalabas sa bibig eh.
"Nak, dun ka muna sa loob mag uusap lang kami"
"Opo nanay"
Pinagmasdan ko muna sya bago ibinalik ang tingin kay Elliot.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Final na, di mo talaga ako papasukin?"
Napatampal ako sa noo ko, gusto nya talaga makapasok dito??
"Pumasok ka na nga!!" napilitan ko na pagpapasok sa kanya dito sa bahay.
Naasar ako kapag nangiti s'ya parang timang lang eh. Akala mo kinapogi nya na yan.
"Parang galit ka yata" parang nagtatampo nyang saad pero pinagtaasan ko lang sya ng kilay.
"Paano mo nalaman na andito kami?"
" Connections" tipid na sagot nya.
"Sasabihin mo ba ito sa kaibigan mo? Subukan mo lang at huntingin talaga kita" banta ko sa kanya
"Actually pinahahanap ka na nya nga eh, and wala sa vocabulary ko na sabihin sa kanya na andito ka"
"Masaya na kami dito ng anak ko, ayoko na masira pa ito" saad ko sabay iwas ng tingin
"Kung ano man yung reason mo at iniwan mo s'ya sana mapag usapan nyo yun balang araw. Dadating ang panahon na hahanapin ng anak mo yung tatay nya" mahabang lintya nya
Tama s'ya pero ayoko. Hindi nila alam kung anong hirap yung pinagdaanan ko mapalaki lang ng maayos ang anak ko.
Hindi nila alam kung ano ang mga ginawa ko para lang wag mawala sa akin yung anak ko.
At hindi ko na gugustuhin pa na bumalik kung saan ako nanggaling. Kinasusuklaman ko sila.
"Pwede ko ba makabonding yang anak mo?" Tanong nya
"Kung gusto nya, bakit hindi?"
Tumayo sya at lumapit kay xander. Alam ko na kailangan pa rin ni Xander ang kailangan ng isang tatay pero kaya ko naman siguro yun punan diba? Ayoko lang na masaktan ang anak ko kapag pinakilala ko sya sa tatay nya at di ito tanggapin.
![](https://img.wattpad.com/cover/379468536-288-k253816.jpg)
BINABASA MO ANG
Everett Salazar (Troupe of Taguan ng Anak Series #1)
General FictionDahil sa maling akala nasira ang relasyong iningatan at pinaglaban. Dahil sa emosyon nakagawa ng isang maling desisyon na pinagsisihan.