Chapter 13

233 2 0
                                    

Kapag naalala ko yung nangyare sa akin noon, pagkamuhi ang nararamdaman ko sa kanila. Sa pamilya ko at kay Everett. Tapos ngayon malalaman ko kay Elliot na nagpapatulong syang hanapin kami.

Bakasyon na ngayon kaya lagi na akong nasa bahay. Si alice nasa ibang bansa kasama yung fiance nya.

"Tahhoooooo!"

"Nanay, andyan na po yung magtataho" nakangiting saad ng anak ko.

Bumaba na kami para bumili, isa ito sa kinahiligan nya na kainin. Nung minsan nga na nagawi dito si Elliot pinakain syang taho ni xander, at ayun nagkadaduwalduwal. Akala mo naman kung anong pagkain ang pinakain sa kanya.

"Thank you po manong" nakangiti nyang saad

Nung nakabayad na ako umakyat na ang anak ko. Maglalaba pa kasi ako. Pansin ko kay manong parang nag iba yung itsura nya. Tapos balot na balot na parang akala mo eh tirik na tirik na ang araw. Hindi ko na yun pinansin at sumunod na sa anak ko.

Kaso nakakailang hakbang palang ako nung magsalita sa manong magtataho

"Elizabet!"

At halos takasan ako ng lakas dahil sa pagbanggit nyang iyon. Isang tao lang ang tumawag nyan sa akin. Hindi na ako lumingon pa at dali daling pumasok sa loob mg bahay namin.

Paano nya kami nahanap? Sinabi ba ni Elliot na andito kami? After nung panloloko na ginawa nya magpapakita pa talaga sya sa akin. At nag ala magtataho pa talaga sya. Kaya pala nitong nakaraan halos hindi na nagsasalita kapag kinakausap sya ng anak ko lalo na kapag nagpapasalamat dahil binigay na yung taho.

.......................................

Finally i already find them. Dalawang linggo matapos ko malaman na nasa Nueva Ecija sila, pinuntahan ko na agad. Araw araw akong nakabantay sa bawat kilos nila.

Nalaman ko na mahilig pala sa taho ang bata na kasama nya. Nung una hindi ko masyadong kita ang mukha nung bata pero nung nagpanggap ako na naglalako ng taho di makakaila na anak ko nga talaga sya.

Gusto ko na silang makasama, gusto ko nang mayakap ang anak ko. Kaya ngayong araw disedido na akong magpakilala sa kanya. Gaya ng lagi kong ginagawa, sumigaw na ako sa tapat ng bahay nila

"Nanay, andyan na po yung magtataho" nakangiting saad ng anak namin

Inabot ko na sa kanya ang taho at binayaran nya na ako ng bente pesos. Naunang umakyat ang anak namin. Nakakailang hakbang palang sya nung magsalita na ako.

"Elizabeth!" Pagtawag ko sa kanya, huminto sya ngunit hindi lamang lumingon bagkus dali daling umakyat sa bahay nila.

After ko mapagbintahan sila ng taho, ibinalik ko na kay manong yung taho at binayaran ko sya. Ganun lagi ang ginagawa ko sa loob ng dalawang linggo.
Umuwi muna ako sa hotel na pinagstayan ko para makaligo na at para magpakita na talaga sa kanila.

Habang nag aayos ako, napabaling ang tingin ko sa cellphone ko dahil panay ang tunog nito. Mukhang nag iingay na naman sila sa GC.

+9🫰UNREAD MESSAGES

Si Elliot ang nagpangalan sa GC na yan dahil malakas na naman ang sapak sa ulo. Ang corny nung name ng GC parang mga hindi professional ang member dito.

🫰

EA: alam nyo?
SR: ano?
CM: oo, alam ko na

Hindi na ako nag abala pa na mag back read dahil wala namang kwenta yung pinag uusapan nila

EA: paano mo nalaman? Oi si @ Salazar nagseen

Nagreply lang ako ng thumbs up.

EA: pre, pabili akong taho
SR: tindero ka ng taho, Pre?

Nag haha react lang yung dalawa sa tanong ni spencer.

You: ubos na

EA: ganda pa rin ni bylthe noh?
SR: wow! Nagkita na kayo, pre?
CM: anakan mo na para di na makaalis pa

May anak na nga. Dagdagan ko na lang. Napailing ako sa nasabi ko

EA: ang ganda na tapos masarap pa magluto tapos ang bait bait pa nung....

Hindi na tinapos ni Elliot yung message nya.

You: damn you, Alcantara! Alam mo pala kung nasaan ang mag ina ko tapos hindi mo sinabi😡

EA: chill lang pre, look oh may galit na kwek kwek na ang message mo.
You: makabalik kang talaga ako dyan sa manila, sapak ang aabutin mo sa akin
EA: planohin mo muna pano mapapabalik sayo si Bltyhe.
CM: gago may anak ka na, salazar?
EA: meron na yang anak, kaya nga nag ala magtataho kasi mahilg sa taho si xands, HAHAHA
SR: nataguan ka pala ng anak

Dahil sa inis ko, nag left ako sa GC na yun. Kaso ang mga ogag, binalik ako. Hindi na lang ako nagseen at nilagay sa archive ang GC na yun.  Mas may importante pa akong kailangan kausapin.




(A/N. Malapit ko na po itong matapos. After nito sunod ko na po yung kay Elliot. Thank you sa pagbabasa🫶.)

Everett Salazar (Troupe of Taguan ng Anak Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon