Hindi na ulit kami bumalik sa bahay nila Mommy. Yung parents naman ni Astor tanggap naman na ako, akala ko nga nung nakilala ko na ang mommy nya hindi papayag na pakasalan ako. At nung nalaman nya na may anak na kami, pinagalitan nya si Astor bakit daw tinakbohan ang resposibilidad sa akin kaya sinabi ko na ano naman yung may kasalanan at naniwala sa mga maling nakikita.
Andito kami sa bahay sa Nueva Ecija, pinilit ko si Astor na tsaka na kami lilipat sa Manila kapag kasal na kami.
"Nanay"
Napalingon ako sa anak ko na nag lalaro at nilapitan ito.
"Bakit nak?"
"Wala pa po ba si tatay?" malungkotna tanong nya
"Mamaya pa yun anak, diba may work si tatay"
"Hapon na po nanay, nag titinda pa si tatay ng taho?"
Gusto ko matawa dahil sa tanong nyang ito, hindi na talaga nawala sa isip nya na magtataho ang tatay nya.
"Anak hindi naman talaga yun ang work ni tatay, sa isang malakimg building sya nagwowork."
"Pwede po natin puntahan si tatay?"
Magsasalita na sana ako ng marinig ko ang tunog ng pamilyar na kotse. Dali daling tumakbo papuntang bintana ang anak ko at sinilip kung ang tatay nya na ba ito, kaya sinundan ko na lang.
"Nanay, andyan na si tatay" masigla nya ng saad at bumaba para salubungin sa may pinto ang kanyang ama.
Sinundan ko na lang sya.
"Helloo, tatay"
"Hii, nak. Hindi ka ba pasaway kay nanay?" tanong nya dito at binuhat para magpantay sila"Hindi po tatay, mabait po ako"
Tiningnan ako ni Astor, naninigurado kung nagsasabi ng totoo ang anak nya. Minsan kasi nagpapsaway sya at sinasabi nya na hindi para di lang kagalitan ng tatay nya pero pinaalala ko naman na bawal ang magsinungaling.
"Oo naman, good boy yang anak mo. Bakit daw nga ang tagal mo umuwi samantalang hapon na eh nagtitinda ka pa daw nga taho" medyo natatawa kong saad
"sa susunod isasama ko na kayo sa work ni tatay" saad nya sabay tingin kay xander
"Talaga tatay?!"
Ngumiti lang sya at pumunta na kami sa sala.
"Punta tayong manila para masukatan na tayo ng damit para sa kasal" saad nya sabay yakap sa akin.
Tumango lang ako sa kanya.
"Mahal na mahal ko kayo" malambing nyang saad
"Mahal ka rin namin ng anak mo"
Niyakap nya pa ako at sabay halik sa noo ko. Sobrang saya ko kasi after five years ito na kami ikakasal na sa susunod na buwan. Minamadali talaga dahil sayang daw kung patatagalin pa eh dun naman na ang bagsak.
Yung tatlo nya palang kaibigan busy sa buhay. Minsan lamg sila dito pumunta para makipaglaro kay Xander. Mas naging close na si xander at ang tatay nya. Binawi nga ni Astor ang limang taong pagkawalay namin sa kanya.
.....................................................
Nung una akala ko hindi sya tatanggapin yung alok ko na magpakasal. Sa nakalipas na limang taon wala akong ibang minahal kundi sya. Malapit na kaming maging isang pamilya. At sinisigurado ko aalagaan ko sila.
"Congrats!" nakangiting bati sa akin ni Elliot
"Thanks pare" saad ko sabay nakipagkamay sa kanya
"Kumusta naman pagiging tindera ng Bangus?" natatawang tanong ni Charles sa kanya.
"Worth it naman" nakangiting sagot ni Elliot
Kung ako nagtinda ng taho noon, ito namang si Elliot bangus ang tinitinda para sa kanya bumili ang mag ina nya. Recently lang namin nalaman na may anak pala sila nung asawa nya.
Kagagohan kasi ayan iniwan ng asawa. Hindi ako gagawa ng ikakasira ng pamilya namin. Tama na ang limang taon na nawalay sila sa akin. Ayoko na mataguan ng anak.(A/N. Dalawang chapter na lang po End na nito. Sisimulan ko na ang Series#2, i'll do my best para kahit papaano maayos yung kwento ni Elliot. Happy Reading🫶)
![](https://img.wattpad.com/cover/379468536-288-k253816.jpg)
BINABASA MO ANG
Everett Salazar (Troupe of Taguan ng Anak Series #1)
General FictionDahil sa maling akala nasira ang relasyong iningatan at pinaglaban. Dahil sa emosyon nakagawa ng isang maling desisyon na pinagsisihan.