"Hindi mo na ba talaga hahanapin ang Ex mo?" bungad na tanong sa akin ni charles.
"Why would I?" inis na tanong ko.
She left me with out a valid reason tapos hahanapin ko pa sya, No! Never!
"Chill lang" sambit nya sabay taas ng dalawang kamay na parang sumusuko ka.
Masaya na ako sa buhay ko ngayon, kung hahanapin ko pa sya para lamang akong naghanap ng reason para masaktan na naman ako.
Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako dahil niloko nya ako. Ibinigay ko ang lahat sa kanya, minahal ko sya higit pa sa buhay ko tapos ganito yung ibinalik nya.
"Bakit ka na naman ba andito?" tanong ko sa kanya.
"Makikichismiss sana" nakangisi nyang sagot.
"Alam mo kasi Mr. Everett Salazar hindi naman masama ang umamin na hinahanap mo yung ex mo" napalingon ako sa sumingit, si Elliot pala.
Andito lang ba sila para asarin ako. Hindi ako makapag focus dahil samga lintek na ito.
"Says who? Yung iniwan ng asawa kasi nagbalak na pakakasalan yung greatest love kuno dahil na nabuntis pero ending hindi naman pala sya ang ama." balik ko sa kanya.
"Foul ka na dyan pre" parang nasasaktan nyang saad.
"Bakit kasi nagpasakal este nagpakasal kung hindi pa naman pala ready na magpatali" seryosong saad naman ni Spencer.
"Na frame up lang ako mga engot"
Saamin kasing apat si Elliot palang ang kinasal pero ang gago harap harapan ba naman nambabae at dinadala sa bahay nila nagstay pa rin sa kanya. Akala ko nga nagbago na ito since ok naman sila eh. Bumawi pa nga pero nung bumalik ang Greatest love ayun nakalimutan na may asawa at ayun iniwan tuloy ng asawa nya.
"Kaya ayoko magmahal eh, nakakatanga"
Napangisi na lang ako sa sinabi ni Charles. Antayin mo lang na panain ka ni kupido dahil baka isang araw kainin mo yang sinasabi mo.
.......................
Tuwing papasok ako sa school ay sabay na kami ng anak ko.
"Goodbye Teacher Nanay" masigla nyang paalam at pumasok na sa room nila.
Paalis na sana ako nung bigla syang tumakbo at lumapit sa akin.
"Nanay, I forgot my kiss po" nakangiti nyang saad
"I love you Nanay!"
"I love you too, Anak! Go na anak pasok na ikaw" tumango lang sya at pumasok na.
Minsan ganyan ang lahing scenario namin. Minsan nga pati mga classmate nya nakikiNanay na. Okay lang naman sa akin yun as long na ikakasiya nung mga bata.
Pagpasok ko palang sa Room ay malinis na at lahat sila nakaupo na.
"Good Morning Teacher Blythe!" Magalang nilang pagbati sa akin
"Good Morning too, Section Tulip"
Nagsimula na akong maglesson sa kanila. Isang subject lang ang hawak ko sa kanila and ako din yung section adviser nila. Mababait at masisipag itong advisory class ko. Kita ko sa dedekasyon nila na gustong makapag tapos.
Nung tapos na ako sa paglesson nag paalam na ako at pupunta na ako sa susunod ko na klase.
Ganito ako every Monday to Thursday since kapag Friday kasi sa advisory class lang ako at tulungan sila kung nahihirapan ba sila sa ibang subject kasama na rin doon ang pag papangaral sa kanila.
Ginawa ko talaga ang lahat para makapagtapos at maging isang guro. Nasa Second Year college na ako nung nalaman ko na buntis pala ako.
Akala ko noon wala ng pag asa at hanggang dun na lang ako. Tinakwil ako nung mga magulang ko nung nalaman nila na buntis ako. Tanging si Alice lang ang tumulong sa akin nung panahon na yun.
Nung nanganak na ako after nag enroll agad ako. Nag hire din ako nun ng nanny ni xander. At hanggang ngayon eh sya ang nag babantay wala nga lang ngayon kasi lumuwas ng manila para bumisita samga kamag anak nya.
Masaya na ako sa buhay ko ngayon kasama ang anak ko. At wala na akong mahihiling pa.
(A/N. Hello may naedit ako sa part na ito, hindi na kasi timugma sa ginawa ko dun sa series #2. Pag natapos ko lahat ng series, maeedit ko na ito.)
BINABASA MO ANG
Everett Salazar (Troupe of Taguan ng Anak Series #1)
Ficção GeralDahil sa maling akala nasira ang relasyong iningatan at pinaglaban. Dahil sa emosyon nakagawa ng isang maling desisyon na pinagsisihan.