Nung gabing pumunta dito si Everett hindi na yun nasundan pa. Sana nga hindi nya na kami guluhin pa. Naglilinis ako ng bahay ng may marinig akong tunog ng sasakyan kaya sinilip ko muna sa bintana kung sino yun.
"Nanay, mukhang may bisita po tayo" saad ng anak ko sabay nakisilip sa may bintana
"Titoo Elliot" nakangiting sigaw ng anak ko nung makita nyang isa si Elliot sa bumaba sa sasakyan...
Dali dali syang bumaba sa upuan para mapuntahan lang si Elliot.
"Careful anak"
Natatakot kasi ako at baka mahulog sya sa hagdan.
Nakangiting sinalubong ni Xander si Elliot habang yung tatlo nyang kasama ay para lamang poste sa mata ng anak ko."Tito sino po yang kasama mo?" curious ba tanong ng anak ko
"Mga kaibigan ko sila, xands" sagot nya naman
"Ay, nga pala meron akong pasalubong sayo"
Pinakita nya yung daladala nyang laruan na kotse.
"Wow! Ang ganda naman po nito tito, thank you po" masayang saad nito sa tito nya
Napadako ang tingin ko sa tatlo, lalo na kay Everett. Alam ko na nasasaktan sya dahil sa pangyayare na nakita nya. Hindi ko pa kaya ipagtapat sa anak ko na sya ang tatay nito .
"Tara po tito, try po natin ito? Pwede po ba nanay?" baling na tanong nya sa akin
"Oo naman anak, sayo naman yang laruan na yan basta iingatan mo yan ah at wag pakalat kalat"
Umalis na nga yung dalawa at kami na lang apat ang andito.
"How are you, Bltyeh?" basag sa katahimikan ni Spencer
"Im fine naman, kayo kumusta kayo ni Charles?"
"Well, we're fine naman 'tho may mga bagay na need pa maayos" sabay tingin kay Everett
"Ay diba Education ang kinuha mo na kurso noon? Natapos mo ba ito?" tanong ulit ni Spencer
"Oo, pero tumigil ako ng isang taon dahil pinagbubuntis ko si Xander and one month palang nun si xander nung nagpasya akong tapusin ang pag aaral ko and luckly pumasa naman ako sa Exam at may lisensya na bilang isang guro sa Elementary" mahabang sagot ko
"Wow! Congrats ah" proud na saad nung dalawa
"Maiiwan muna namin kayo dyan ah, dun muna kami sa anak nyo. kailangan nyong mag usap para maayos ang gulo na nangyare" huling saad ni Charles at iniwan nya na kami.
Katahimikan muli ang bumalot sa munting sala.
Napabuntong hininga ako, alam ko naman na may karapatan sya sa anak namin. Hindi ko sya pipigilan na makilala ang anak namin."Gusto mo bang makita yung mga baby pictures ni xander?" pagsisimula ko
Yung lungkot na mukha nya ay bigla na lamang umaliwalas dahil sa pagkakangiti.
"Pwede ba?"
Tumango lang ako at niyaya syang umupo sa upuan. Kinuha ko na yung isang album picture na naglalagay ng mga pictures ni xander. Pati yung ultrasound ay andun. Inabot ko na ito sa kanya at habang tiningnan nya ito bigla na lamang syang umiyak.
"Ito yung mga sandali na sana kasama ko kayo." hindi nya mapigilang sambit.
Nanatili lang akong tahimik at pinagmamasdan sya.
"Sana kasama mo ako nung ipinagbubuntis at nung ipinanganak mo ang anak natin para nakita ko kung paano sya lumaki"
Napaiwas ako ng tingin. Kung hindi ka lang sana nagloko noon hindi ko naman itatago ang anak mo.
![](https://img.wattpad.com/cover/379468536-288-k253816.jpg)
BINABASA MO ANG
Everett Salazar (Troupe of Taguan ng Anak Series #1)
General FictionDahil sa maling akala nasira ang relasyong iningatan at pinaglaban. Dahil sa emosyon nakagawa ng isang maling desisyon na pinagsisihan.