Chapter 20

245 1 0
                                    

At dumating na nga yung araw ng kasal namin ni Astor. Sinabi ko sa kanya ayos lang sa akin yung simple lang kasi ang importante makasal kami. Magkahalong kaba at nerbyos ang nararamdaman ko ngayon.

Si Charles ang naging Best man nya at si alice naman ang naging maid honor ko. Habang naglalakad ako papunta sa altar kung nasaan si Astor hindi ko mapigilan na alalahanin ang mga pinagdaanan namin noon.

Tama sya kung hindi ako basta na lang umalis noon matagal na sana kaming kasal pero nangyare na ehh. Pero habang nabubuhay ako gagawin ko yung makakaya ko bilang asawa nya.

Habang naglalakad kami, nagplay ang kanta na minsan ng kinanta sa akin noon ni Astor ang Palagi.

"iingatan mo sana ang anak namin alam ko naman na hindi mo ito sasaktan" saad ni mommy at daddy sabay inabot ang kamay ko kay Astor.

One week before mangyare itong kasal pumunta pala si Astor sa mga magulang ko para ipagpaalam ako na pakakasalan nya.  Pinilit din nila Mommy na makausap ako para humingi ng tawad sa mga nagawa nila pati si Esme ay umiiyak na humingi ng tawad sa akin. Napatawad ko naman na sila at alam ko na nagsisi na sila sa nagawa nila noon. Sobramg saya nga nila nung makita nila si Xander buti daw at hindi ako nakinig noon sa kanila.

"I will po, Ma" magalang na sagot ni Astor

Binaling nya ang tingin sa akin at ngumiti. Ito na yung araw na hinihintay namin, ang maikasal. Hinarap na namin ang pari na magkakasal sa amin. Nagpalitan na kami ng vows.

"You may kiss your bride" saad ng pari kay Astor

Humarap sa akin si astor at inangat ang belo ko. Naramdaman ko na lamang na dumampi ang kanyang labi sa labi ko.

"Mahal kita palagi, Misis Salazar"

"Mahal rin kita palagi, Mister Salazar"

Humarap na kami sa kanila para makapagpapicture. Walang paglagyan ng tuwa ang nararamdaman ko ngayon. Ito na kami ngayon kasal na at papalakahin pa ang pamilya.

Worth it naman pala yung pagtambay ko noon sa garden at nakita ko sila dun. Paano pala kung hindi ako nagawi dun? Makikita ko pa kaya si Astor. Hindi ko nga inakala na yung classmate ko lang nung Elementary ay magiging asawa mo na ngayon.

.............................

I did my best para sa taong mahal ko. Kahit sobra nilang nasaktan ang ina ng anak ko lumapit at pinagpaalam ko pa rin na pakakasalan ko ang anak nila kahit hindi sila pumayag.

At ngayon kasal na kami. Asawa ko na ang matagal ko ng minamahal. Paano pala kung hindi ko nun kinulit si Alice na pilitin nya si Elizabeth na sa MARS University mag aral.

"𝑆𝑖𝑔𝑒 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑛𝑎 𝑎𝑙𝑖𝑐𝑒, 𝑝𝑖𝑙𝑖𝑡𝑖𝑛 𝑚𝑜 𝑛𝑎 𝑠𝑎 𝑀𝐴𝑅𝑆 𝑈𝑛𝑖𝑣 𝑚𝑎𝑔 𝑎𝑟𝑎𝑙 𝑠𝑖 𝐸𝑙𝑖𝑧𝑎𝑏𝑒𝑡ℎ" 𝑝𝑎𝑚𝑖𝑚𝑖𝑙𝑖𝑡 𝑘𝑜 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑖𝑏𝑖𝑔𝑎𝑛 𝑛𝑖 𝐸𝑙𝑖𝑧𝑎𝑏𝑒𝑡ℎ.

"𝑆𝑢𝑠𝑢𝑏𝑢𝑘𝑎𝑛 𝑘𝑜 𝑝𝑒𝑟𝑜 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑎𝑘𝑜 𝑛𝑎𝑛𝑔𝑎𝑛𝑔𝑎𝑘𝑜 𝑎ℎ"

At nung nakita ko si Elizabeth sa MARS University sobrang saya ko, nalaman ko noon kay Alice na dapat sana parehas kami ng course na kukunin pero hindi sumunod si Elizabeth sa mga magulang nya at ang kursong BEEd ang kinuha nya. Simula Elementary palang kami ay humanga na ako sa kanya. Nakakilala man ako ng iba't ibang babae nanatali pa rin yung pagkagusto sa kanya.

Tiningnan ko ang asawa ko, sobrang ganda pa rin sa paningin ko. Sa kabila ng lahat na nangyare andito na kami at mag asawa na. As long na buhay ako, proprotektahan ko ang mag ina ko at kung bibigyan pa kami ng ilang anak, tatanggapin ko ito.

I'm Everett Salazar, a loving husband of Bltyhe Elizabeth Falcon - Salazar and a good father is now Signing off.

(A/N. Ayaannn the end na syaaa. Yung Epilogue po is POV nung anak nila ni Xander. Thank you so much sa pagbabasa. Sisimulan ko na yung kay Elliot.)

Everett Salazar (Troupe of Taguan ng Anak Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon