Chapter 2

293 6 0
                                    

Andito ako sa bahay ngayon, sabado at walang pasok. Naisipan ko na lutuan na lang ng kangkong na may tokwa si alex. Gustong gusto nya kasi yun kaya minsan tinotoyo ehh kakahigop nung toyo sa tokwa't kangkong.

Minsan ko lang din sya pinapakain ng mga matatamis or junkfood. Sa mura nyang edad alam nya na kung ano yung makakasama sa kalusugan nya. Ni ayaw nya nga uminom ng soft drink kasi diba sa panahon ngayon may mga bata na gustong gusto yun.

"Nay" pag tawag nya sa akin

"Naaaaaaayyyyyyy" sigaw nya nung hindi ako umimik.

"Naku naman inaanak, kung makasigaw eh. Nawawala ba ang inay mo?!" Tanong sa kanya ni Alice

"Kasi naman po ninang pretty hindi nagsalita si nanay eh"  pagsumbong nya

"Baka nasa kusina mlnagluluto"

Rinig ko na yung mga yabag nila papunta rito.

"Nanay" masigla nyang tawag sa akin.

Kumunot ang noo ko dahil kahit na nakangiti sya makikita mo na galing sya sa pag iyak.

"Umiyak ka ba nak" masuyi kong tanong sa kanya.

Iling lang ang pag sagot nya. Bigla akong nabother kasi minsan lang umiyak itong anak ko.

"Diba sabi ni nanay, ayaw nya na nagsisinungaling ka" malumanay ko na saad sa kanya, maya maya'y tanging mga hikbi na lang ang naririnig ko sa kanya.

"Anak, pwede mo ba kwento kay nanay bakit ka umiiyak. May masakit ba sayo?"

Alam ko sa sarili ko na hindi palaaway ang anak ko na ito.
Pinainom ko muna sya ng tubig nung kumalma na sya tsaka sya nagsalita.

"Ka...si po na..nay" sisigok sigok nya pang sambong

"Sige makikiniga si nanay"

Pinaupo ko sya sa lap ko at pinunasan na rin ang pawis.

"Sa...sabi po ka..si nung anak ni al..iing bebang iiwan nyo na daw po ako gaya ng pag iwan sa atin ni tatay"

Napabuntong hininga ako. Ayoko sa lahat ang nasasaktan ang anak ko. Hinawakan ko ang mukha nya sabay punas ng mga luhang nagbabadya na namang tumulo.

"Anak, tingin ikaw kay nanay"

"Ito tandaan mo ah, hinding hindi ka iiwan ni nanay. Mahal na mahal ka kaya ni nanay. Kahit ano mangyare andito lang si nanay kaya wag na umiyak ah yung sipon mo. Hayaan mo na yang anak ni aling bebang" malambing kung saad sa kanya.

Tumigil na sya sa pag iyak pero andun pa rin yung pagsigok nya. Alam ko na away bata lang yun pero ayoko na nasasaktan yung anak ko sa mga ganung bagay. Kaya pinuntahan ko si aling bebang at kinausap sya tungkol sa pag uugali ng anak nya.

Hindi ko naman pwedeng awayin yung anak nya. Baka mamaya maparabarangay pa ako tsaka teacher ako baka makikita ko sa social Media.

"Isang teacher pinatulan ang bata na limang  taong gulang dahil sa away bata!"

Not cool, Blythe Elizabeth.

Ay naku kung ano ano naiisip ko. Niyaya ko ang anak ko na maligo kami sa dagat since sabado naman at pagdating  ng hapon ay nagluto na lang akong fried chicken para sa hapunan namin ng anak ko. Umalis na rin si Alice kasi may gagawin pa raw sya.

............................................

Tiningnan ko ang relo ko, 5:30pm na. Makaka abot pa naman siguro ako sa family dinner namin.

Ayoko ng mga ganito pero si mom mapilit kahit daw 30minutes lang may ipakilala daw kasi syang babae sa akin baka daw magustuhan ko.

Kahit nasaktan ako nun hindi ko ikakaila na mahal ko pa yun. Siguro kung hindi nya ako iniwan at pinagpalit sa ibang lalaki siguro may anak at kasal na kami.

D@mn! Ano ito ganitong oras relapse?

Bandang 7:30 na ako nakarating dahil sa traffic, pagpasok ko palang tawa na ni mama ang narinig ko.

Lumapit na ako at humalik sa pisngi ni mommy.

"Hi, Son!" bati sa akin ni mommy.

"Ayan na ba ang panganay mo?" tanong nung katabi ni mommy

Umupo na ako dun sa tabi ni daddy kaharap yung anak nung kasama nya. Kung hindi ako nagkakamali pamilya ito ni Elizabeth.

"Oo, ang gwapo noh? Bagay sila nyang anak mo" masayang saad ni Mommy

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni mommy.

She' s  Esmeralda kapatid ni Elizabeth. Ang kwento sa akin noon ni Elizabeth mas paborito ng pamilya nila itong babae na ito.

"Aba, syempre naman. Sya lang ang matino sa dalawa kong anak" masayang saad din nung mommy ni Elizabeth.

Kung may kakakakunot pa yata ang noo ko baka mas kumunot pa.

"What do you mean po?!"

Magalang kong tanong. Sana mali yung hinala ko tungkol kay Elizabeth.

"Pinalayas namin yung bunso ko dahil disgrasyada" parang nandidiring saad nung mommy nila.

Bigla akong kinabahan. What if sa akin pala yun? What if may gusto lang pala sumira ng relasyon namin noon.

"Hindi nyo ba alam kung asan na sya ngayon?" Pagtanong naman ni Daddy

Nung kami pa ni Elizabeth si Dad lang ang nakakita sa kanya, since si mommy nasa America.

"Hindi at wala na kaming pakealam pa sa kanya" proud pa na saad nung mommy nya.

Biglang nag igting ang panga ko dahil sa sinabi nito.
Nakinig pa ako sa kwentohan lang nila.

"Hindi nyo man lang ba pinag explain ang anak nyo?" si mommy naman yung nagtanong

"Kung sino sino lang naman ang nobyo nun, tulad nga nung sinabi sa amin ni Esme kung sino sino daw kasama nun na lalaki"

Humigpit na ang pagkakakuyom ko samga kamay ko mapigilan lang ang galit. Dahil sa pag kakatanda ko ako lang ang naging kasintahan ni Elizabeth.

"Kailan nga pala ang kasal ni Esme at nitong panganay nyo" malambing na tanong nung mommy nila.

Hindi ako papayag kahit na mag away pa kami ni mommy. Tama na yung mga narinig ko. Tungkol sa ginawa nila kau Elizabeth.

"Walang mangyayareng kasal" walang kaemoemosyon kung saad.

Kung hindi sya ang pakakasalan ko wag na lang. Tumayo ako at may naisip na ideya.

"Diba kaya gusto nyong pakasalan ko ang anak nyo para maisalba ang kompanya na lubog na sa utang?"

Biglang silang ngumiti sa akin.

"Magpapakasal lang ako pero sa isang kondinsyon"

Lahat sila nakatinggin sa akin, inaantay kung ano pa ang sunod ko na sasabihin.

"Magpapakasal lamang ako kung yung bunsong anak nyo lamang ang pakakasalan ko"

seryoso kung saad sabay ngisi.

Ngayon nyo kakailanganin si Elizabeth. Kahit naman makita nyo sya hindi ako papayag na gamitin nyo lang sya pagkatapos ng ginawa nyo sa kanya.

"Mommy, hindi pwedi yun. Ako dapat ang pakasalan ni Everett" pag tantrums ng anak nila.

"Mauna na po ako sa inyo mommy" magalang na paalam ko kay mommy

Paalis na sana ako nung magsalita ang Daddy nila.

"Bakit sya ang pakakasalan mo eh disgrasyada yun?" May galit na tanong nung Daddy nila.

Humarap ako sa kanila sabay ngisi na minsan ko lang pinapakita.

"Bakit hindi? Bakit hindi ko pakakasalan ang ina nag anak ko?"

Hindi ko na inantay pa ang sagot nila at umalis na kahit pala papaano hindi nasayang ang pagpunta ko dito.

Binabawi ko na, hahanapin ko kayo kung sana man kayo naroon. Kahit saang lupalop man kayo ng mundo hahanapin lo kayo at bubuoin natin ang pamilya natin. Mark my words Blythe Elizabeth Falcon!.






Everett Salazar (Troupe of Taguan ng Anak Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon