Hanggang ngayon masaya pa rin ang anak ko at di ako nagsisi na pinakilala ko na sya sa tatay nya. Sabi sa akin ni Everett pupunta daw kami ngayon kila mommy lara sabihin kung ano yung ginawa noon ni ate.
Iniwan muna namin si xander kila Elliot, ayoko kasi na makita nila yung anak ko after ng mga masasakit na salita na sinabi nila sa akin noon.
Habang nasa sasakyan kami hindi ko mapigilan ang kabahan sa pwedeng mangyare. Inalam muna ni Everett kung andun sila sa bahay at ang sabi matagal na daw naglagi dito sa pilipinas sila. Papasok palang kami, hinawakan nya na ang kamay ko.
"Kalma ka lang, andito ako. I'll never leave you again."
Ngumit ako sa kanya. Nauna syang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Nung papasok na kami sa bahay ay sumalubong sa amin si manang.
"Naku Elizabeth, ikaw na ba yan?"
Lumapit ako sa kanya at niyakap sya. Sana pala sinama ko si manang nung umalis ako dito .
"Kumusta ka na?"
"Im fine naman po manang tsaka magfive years old na po yung anak ko" nakangiti kong saad sa kanya.
"Andyan po ba ang mag asang Falcon?" Magalang na pagtanong ni Everett.
Dinala kami ni manang kung nasaan sila.
"Senyor at Senyora may bisita po kayo" saad ni manang at iniwan na kami.
Nasa may likod lang ako ni Everett at nahaharangan nya.
Ayiko magpakita ng mukha sa kanila."Pumapayag ka na bang pakasalan ang anak ko na si Esme kaya ka narito?" malambing na tanong ni mommy
Kasal?Anong kasal?Aalisin ko sanaang pagkakawah sa kamay nya pero humigpit lang ito.
"Diba sabi ko sainyo na yung anak nyo lang na si Elizabeth ang pakakasalan ko?" pabalik na tanong nya dito
"Bakit mo pa hahanapin ang babaeng yun, samantalang inuwan ka na nya at pinagpalit sa ibang lalaki"
Ayoko na dito, unti unti na namang nagsipaglandasan ang mga luha ko.
"Baka nga malaki na ang anak nung disgrasyada na yun" walang pag aalinlangang saad ni mommy.
Hanggang ngayon yun pa rin ang tingin nila sa akin. Akala ko sa nakalipas na taon magbabago sila pero hindi pala.
*Blaaaggg
Sinipa ni Everett yung upuan kaya naglikha ito ng ingay.
"One more fvcking hurtful words from your mouth and I'll destroy it." Pagbabanta ni Everett sa kanya
"How dare you? Para bantaan si mommy ng ganyan" rinig kong saad ni Esme
"At sino naman yang babae na nasa likod mo? Buntot mo?" dagdag nya pa.
Tama na siguro ang ganitong eksena. Mula sa pagkakatago ng mukha ko sa likod ni Everett, umusog na ako para makita nila ako. At halos nanlaki ang mata ni Esme ng makita ako.
"Bltyhe!" Sabay ba saad nila
"Pipiliin mo pa rin yan, kahit na disgrasyada na?" nauuyam na saad ni mommy
Hinawakan ko ang kamay ni Everett at pilit na pinapakalma sya. Ayoko na makapanakit sya.
"Disgrasyada? Paano kayo nakakasigurado na disgrasyada si Elizabeth?" tanong nya
"Dahil ba dyan sa pabibo nyong anak na si Esmeralda na walang ibang ginawa kundi ang siraan si Elizabeth" galit na bulyaw ni Everett
Ngayon ko lamang sya nakitang ganito at aaminin ko na natatakot ako sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/379468536-288-k253816.jpg)
BINABASA MO ANG
Everett Salazar (Troupe of Taguan ng Anak Series #1)
Ficción GeneralDahil sa maling akala nasira ang relasyong iningatan at pinaglaban. Dahil sa emosyon nakagawa ng isang maling desisyon na pinagsisihan.