Nung sinabi ko sa apat na hahanapin ko si Elizabeth parang mga siraulo dahil paulit ulit nila sinasabi sa akin na akala daw ba hindi ko na hahanapin. Tanga lang nila at naniwala sila.
"Akala ko niloloko mo lang kami na hindi mo na hahanapin si Blythe" saad ni Elliot.
"Nalaman ko na buntis sya nung iniwan nya ako"
"What?!" Gulat na sigaw ni Spencer.
"Kawawa ka naman pre, naangkin mo na lahat lahat iniwan ka pa din" pang aasar sa akin ni Charles.
"Paano kung hindi pala ikaw yung tatay nun?" tanong bigla ni Elliot
"Hahanapin mo pa din ba sila?" Dagdag nya pana tanong.
"Hahanapin ko sila at aalamin ko kung sa akin ba yun"
"Pano kung hindi sayo?" Tanong nya pa
"Edi hahayaan ko sila"
Iniisip ko palang na may iba na s'yang pamilya nasasaktan na ako. Akala ko ka ba sa akin lang sya magpapakasal.
"Pano kung sayo?"
"Tinatanong pa ba yan? Edi kukunin nya mag ina nya" singit naman ni Spencer
"Kung akin yun, maghanda yung pamilya nya at gaganti ako sa ginawa nila kay Elizabeth"
Mahanap lang kita Elizabeth, sinisigurado ko na sa akin ka pa rin babagsak. Tayo pa din hanggang dulo gaya nung pinangako mo sa akin.
................................
Two weeks na simula nung pumunta dito sa Elliot and it bothers me a lot. Baka mamaya kumatok na lang si Everett sa pinto at kunin sa akin yung anak ko.
Tahimik na buhay namin, wag n'ya na sanang guluhin pa.
Andito lang ako sa room, nag aantay matapos ang break time ng mga bata.Gusto umidlip kaso hindi naman pwede at 5minutes na lang naman ang natitira sa break time nila. Habang inaantay ko sila bigla na lang nagring ang phone ko.
Napakunot ang noo ko dahil unregistered numberang tumatawag. Wala sana akong balak na sagutin kasi di ko naman talaga ugali na sumagot sa mga tawag na di ko kilala kung sino ang may-ari. Dahil panay ring at nakakahiya naman tsaka baka importante, sinagot ko na yung tawag nya.
"Hello!" Bungad ko, ganun naman dapat diba? Pero yung kabilang linya tahimik lang.
"Kung nagpraprank ka lang or what, tigilan nyo po ako kasi nasa loob ako ng klase ko " medyo inis ko na saad.
Tatawag tawag tapos di naman pala magsasalita.
Pero halos takasan ako ng kulay nung marinig ko yung boses nya.["Elizabeth"]
Paano nya nakuha ang number ko? Ang mga co-teachers ko lang at si alice lang ang may alamng number ko na ito since nung iniwan ko sya ay nagpalit na ako ng number.
Kinalma ko muna ang sarili ko bago nagsalita ulit."Ahmm, hello po! Wrong number po yata ang natawagan nyo, wala pong Elizabeth dito"
Gusto ko na pagbuhulin mga kamay ko dahil sa kaba na nararamdaman ko. Hindi nya pwede malaman kung asan kami.
["Pretending to be someone!"] hindi yun tanong ngunit ramdam ko yung walang emosyon nya.
Hindi na ako nagsalita at pinatayan na sya ng tawag sabay block nung number nya. Safe naman yata yung fb account ko since name naman nung anak ko yung gamit ko.
Fuge years na ang nakalipas pero yung sakit na naramdaman ko dahil sa kanila andito pa rin. Halos hindi nawala. Dahil sa kabila muntik na mawala yung anak ko.
Ano pa ba kailangan nya sa akin? May anak naman na siguro sila nung kapatid ko.
(A/N. Yung susunod po na chapters is flashback na po about sa past nila Blythe at Everett. Tsaka ko na po eedit yung ibang typo kapag complete na po sya.
Thank you po sa pagbabasa.)
BINABASA MO ANG
Everett Salazar (Troupe of Taguan ng Anak Series #1)
Ficción GeneralDahil sa maling akala nasira ang relasyong iningatan at pinaglaban. Dahil sa emosyon nakagawa ng isang maling desisyon na pinagsisihan.