Akala ko nung una lalaki akong walang ama dahil si nanay lang ang nakasama ko noon buhat ng magkaisip na ako. Hindi ko itatanggi na minsan nung hindi ko pa nakilala si tatay, nagseselos ako sa mga bata dahil kasama nila ang mga magulang nila.
Sampung taon na ang nakalipas at ito na kami ngayon masaya na. Nagkaroon pa ako ng dalawang kapatid.
"Kuya sabi ni nanay bilhan mo daw kami ng taho" saad ni Michaela habang yung kambal nya naman na si Michael ay may hawak na baso.
Naalala ko tuloy nung bata ako, akala ko takaga naglalako si tatay ng taho yun pala strategy nya lamang yun para malapitan kami since inilayo ako ni nanay nung pinagbubuntis nya palang ako.
Tumayo ako at sinamahan silang bumili. Mapagalitgalitan lang naman ako ni nanay kapag di ko sila sinamahan. Palabas na kami ng makasalubong namin si tatay kaya nagpaunahan ang kambal na makalapit kay tatay.
"Careful, mga anak" bilin ni tatay
Ako na lang ang lumabas para bilhan sila ng taho. Si tatay galing ibang bansa kaya ngayon lang dumating. Matutuwa nito si nanay kapag nakita nya na nakauwi na si tatay.
Pagpasok ko inabot ko agad yung taho sa kambal.
"Thank you kuya" masaya nilang sabay na saad
"Tulog pa po yata si nanaya, tay" saad ko kay tatay at kinuha ang bag na dala nya.
"Ako na nito nak, akyat lang ako at gigisingin ko na ang nanay mo"
Naiwan kami ditong magkakapatid. Sobrang maalaga nila nanay at tatay at kapag sobrang busy sila sa trabaho kapag may free time sila ay inilalaan nila ito sa amin.
Kung magmahal man ako sana gaya ni nanay, yung maalaga at mapagmahal. Napakaswerte namin kasi sila ang naging magulang namin. Magkamali man kami minsan agad na nila itong itatama.
I'm Alexander Astor Falcon - Salazar the first born of Elizabeth and Everett Salazar.
(A./N ayaaannn, tapos ko na. Pinag iisipan ko pa kung gagawan ko siya ng story pagtapos ko nung tatlo pa na series. Thank you sa mga nagbabasa)
BINABASA MO ANG
Everett Salazar (Troupe of Taguan ng Anak Series #1)
General FictionDahil sa maling akala nasira ang relasyong iningatan at pinaglaban. Dahil sa emosyon nakagawa ng isang maling desisyon na pinagsisihan.