CHAPTER 6

13 7 0
                                    

"KAPAG medyo naka-kuha na ako ng kaunting impormasyon, siguro dun ko nalang kayo papakawalan. Hahanap nalang ako ng tiyempo. Baka kasi kapag pinakawalan ko na kayo agad ngayon na wala pa akong nakukuhang impormasyon ay mag higpit sila. Malabo na nun na makuha ng impormasyon. At isa pa baka paghinalaan nila ako dahil kakapasok ko lang may nangyari agad na ganon." Mahabang paliwanag ko habang nakatingin sa mga siraulo na tina-translate sa english Ang mga sinasabi ko para maintindihan ni Shintaru.

Tawanan sila ng tawanan, si Travis lang ang hindi nakikigulo sa kanila. Grabe! Pinagti-tripan nila si Shintaru!

I feel bad for him.

"We will pee outside in the Canal." Saad ni Xenon bago humagalpak ng tawa. Lahat silang mga siraulo ay humagalpak sa kabaliwan ni Xenon! Si Lesther ay halos magpa-gulong gulong pa sa sahig dahil sa sobrang tawa at hindi naman na makahinga ang iba.

Kitang kita sa mukha ni Shintaru ang kahulugan at punong-puno ito ng pag-tataka. Napa-sapo nalang ako sa sarili ko'ng noo dahil sa kabaliwan nila Xenon!

"Shintaru, come here." Naaawa na ako kay Shintaru kaya naman ako nalang ang magtuturo sa kaniya. Walang patutunguhan kung Kila Xenon ko siya iiwan.

Nang makalapit na sa akin si Shintaru ay parang pinag-sakluban ng langit at lupa sina Deian at Xenon dahil bigla silang bumusangot!

"Kami na magtuturo, Plema!"

"Oo nga!"

"Kaya na namin!"

"Seryoso na kami!"

"Mag-tigil kayong mga siraulo kayo!" Pinandilatan ko sila ng mata dahilan ng lalong pag-busangot nila.

Pfft, parang natalo sila sa loto kung maka busangot!

"OKAY, we understand, Flemara." Nasabi ko na sa kanila ang plano at sumangayon naman ang lahat.

"It's almost one hour. Kumain na kayo!" Hindi ko manlang napansin ang oras! Pano ba naman kasi, siraulo sila Xenon! Ten minutes nalang tuloy ang natitira para kumain sila!

Nagsi-tayo na sila para puntahan ang pagkain.

"Ano ba 'yan! Ang yaman yaman ni Mondreel tapos kakapurit ang ipapakain sa atin!" Reklamo ni Nathan.

"Oo nga! Aanhin natin itong apat na platong kanin na ito at tatlong mangkok na tinola?!" Gatong ni Xenon.

Pfft. Pero totoo! Gusto yatang patayin ni Mr. Mondreel sina Xenon sa gutom! Twice or thrice a week lang siya nagpapadala ng pagkain dito tapos palaging apat na platong kanin at tatlong mangkok na ulam lang.

"Hoy! Wala ka'ng hiya, Shintaru! Dipungal ka! Ang kapal ng muka mo!" Sigaw ni Dave Kay Shintaru na walang pake sa kanila habang kumakain.

"Hm? Wha'cha you talking 'bout? I jon't unjershtand chou." Ani Shintaru habang punong-puno ng pagkain ang bibig.

Pfft, grabe gutom na gutom!

"You don't english me! We here Philippines so don't english english us! And you don't you solo solo that! We need to salo-salo because sharing is caring!" Mahabang bulyaw ni Dave kay Shintaru na ngayon ay naka-kunot na ang noo.

Pfft, 'sharing is caring' lang yata ang tamang grammar ni Dave!

Kanina sabi niya hindi daw siya nakapag tapos ng pag-aaral at grade five lang ang natapos niya. Maaga siyang nag trabaho dahil may sakit ang nanay niya at bata palang siya ay namatay na ang tatay niya.

At sabi pa niya ay halos Wala siyang naiintindihan sa mga pinagsasabi ko na english at ayaw na ayaw niya daw na kausap si Shintaru at Travis dahil english spokening daw!

The last light of firefly Where stories live. Discover now